Chapter 2

10.9K 3.4K 331
                                    

Ilang linggo bago matapos ang sem ay umalis na ako sa Kalayaan Residence Hall at lumipat sa boarding house ni Tita Tess. Noon ko unang nakilala ang mga boardmates kong sina Kuya Roel, Jason, Eric, Isagani, Margareth, Andrea, Frances at Kathy. Lahat sila bibo at magaling makisama. Except for Andrea. Ilang oras ko pa lang syang nakilala at naiilang na ako sa kanya. Ang forward nya kasi at ang touchy. Ang hilig nyang lumambitin sa akin. I had no issues about women who would like to do the wooing but it was annoying that she was not able to sense that I wasn’t interested.

“Kanina ka pa tingin nang tingin dyan sa telepono mo? May hinihintay ka bang text o tawag?” Tanong ni Mama at ngumiti ako sa kanya. Semestral break kaya kaming tatlo nina Ate Victoria at Ate Vanessa ay nasa bahay. Ang panganay naming si Ate Victoria ay graduating sa kursong Medicine sa U.P. Manila at si Ate Vanessa naman ay graduating din sa kursong Industrial Engineering sa U.P. Los Baños.

“May nililigawan na yata yan si Ryan, Ma.” Tukso ni Ate Vanessa sa akin. “Nagbibinata na ang bunso...uyy...”

“Tama. Parang kailan lang ay nangamatis ang pututoy nyan kasi nasagi ko nung bagong tuli sya.” Hirit ni Ate Victoria at sinimangutan ko sya. “Totoo naman ah, bakit ang sama mong makatingin?”

“Victoria, tama na nga yang tuksuhang ganyan. Binata na yang kapatid ninyo at nahihiya na yan kapag may ganyang usapan.”

“Mama naman! Kaya lang naman namin tinutukso si Ryan kasi alam naming kapag yan nagka-girlfriend na ay hindi na namin sya pwedeng alipustahin kasi meron nang magtatanggol sa kanya.” Paliwanag ni Ate Victoria at tumango-tango si Ate Vanny. “Pero bunsoy, may nililigawan ka na ba?”

“Liligawan pa lang.” Nakangiting sagot ko sa kanila. Malapit ako sa mga kapatid ko at sa Mama ko. Nasa abroad kasi si Papa at minsan lang sa isang taon kung umuwi kaya kaming apat lang ang parating magkasama.

“Manliligaw ka na, Nak?” Tanong ni Mama at tumawa ang mga Ate ko.

“Patay ka, Ryan nagkakaroon si Mama ng future-mother-in-law anxiety disorder.” Pabirong sabi ni Ate Victoria.

“Ma, di pa naman po ako mag-aasawa. Maliban na lang kung mabuntis ko po sya.”

“Ay, high-tech. Kabog tayong dalawa Ate. Di lang pala love life ang pangarap nitong si Ryan, sex life pala ang target nito.”

“Ate Vanessa talaga.” Natatawang sagot ko sa kanya.

“Ryan, magtapos ka muna, ha, anak. Diyos ko naman ang bata ko pa para magkaroon ng apo. Ilang taon pa lang ba ako?”

“Biro lang yun, Ma. Di ko pa nga alam kung dun sya sa boarding house titira eh—“

“Sa boarding house na nilipatan mo?” Nagulat ng tanong ng Mama ko. “Yan ba ang rason kung bakit ka umalis ng Kalayaan?”

“Mama, ayoko po talaga ang pagkain dun. Isipin nyo naman akala ko beef yun pala cara-meat. First time ko pong nakakain ng karne ng kalabaw.”

“Oo nga, Ma ang sabi rin ng isa kong kaibigan na may kapatid sa Kalay ay yung pagkain daw ang nirereklamo ng kapatid nya.”

“At tsaka, Ma pabayaan nyo na yan si bunso. Mabuti na rin yung inspired. Tingnan mo naman kami ni Vanessa, kahit hindi namin sadya ay may nai-inspire kami.”

“Oo nga, Ma. Sa aming gandang marami ang humahanga.”

“Apir, Vanny!” Natatawang sabi ni Ate Victoria. “Pero, teka wag mo akong uunahan, ha, mas matanda ako sayo kaya ako dapat ang maunang magkasala.”

“Ate, bago ka magkasala ay maghanap ka muna ng gagawan mo ng kasalanan.”

“Kayong dalawa talaga. Pinuhan nyo naman ang pagkilos ninyo nang kaunti. Kaya yata walang naliligaw na manligaw sa inyo dahil ang gaslaw nyong gumalaw at yung pananalita nyo? Diyos ko patawarin, para kayong hindi babae.” Nakangiting suway ni Mama sa mga kapatid ko.

Once Upon A Fishball 2: Ryan Vincent Soler's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon