Tuloy

6 2 0
                                    

Tuloy

Patuloy akong gagawa ng tula,
Sisikaping pagdugtungin ang mga parirala
Na sana'y ikaw at ako
Na pwedeng magtagpo

Patuloy akong susulat,
Kahit sa atensiyon mo; ako'y salat
Na parang tuyong bulaklak,
Na 'di man lang nakatanggap ng iyong hawak

Patuloy na lalapat ang aking pluma,
Kahit hindi mo hilig ang tula,
Na kahit wala kang interes,
Na kahit baka ikaw pa'y mainis

Patuloy ko itong gagawin,
Kahit 'di mo naman mapapansin
Na gaano man karami'y 'di mo naman mababasa
Na kahit katiting ay wala akong pag-asa

Pero magpapatuloy ako...
Dahil ito ay para sa 'yo.

Stroke of KismetWhere stories live. Discover now