I

181 8 65
                                    

Nasa isang grocery store si Hara at maraming tao ang naguunahan sa pamimili ng mga alcohol, sanitizer at iba pang disinfectant. Bukod sa mga disinfectant, pati mga pagkaing gaya ng noodles at de lata ay dinudumog na rin. Isa ang grocery store na ito sa tatlong nakatayo sa loob ng Reed Community at ang pangalawang pinuntahan ni Hara 'nong araw na 'yon. Muntik pa siyang matumba nang mabangga siya ng isang nakatatandang lalaki na nagmamadaling kumuha ng tinapay sa isang estante.

Lumabas na siya ng grocery store at itinali ang kaniyang hanggang bewang na buhok. Hinawi niya ang kaniyang bangs at nakitang medyo mahaba na ang pila sa labas. May mga Valiant na nakabantay hindi lang sa grocery store na iyon, kundi pati sa ibang establisyimiento. Pinapanatili nilang walang kaguluhang magaganap sa gitna ng umuusbong na takot ng mga tao dahil sa kumakalat na pandemya. 


"Good afternoon, Hunters!" Nawala sa screen ang footage na ni-record ni Hara kanina at pumalit ang livestream ng kanilang programa. Nasa loob siya ng RU Live Room na nasa ikalawang palapag ng Mass Communication Building. "Today is the 12th of March, year 3023. I'm Sahara Gomez and this is... RU Live!" Ramdam niya ang tensyon dahil sa katahimikan ng mga kasama niya na tutok lang sa kanilang mga trabaho. Seryoso siyang humarap sa lente ng camera drone sa harapan niya at binasa ang nakasulat sa teleprompter.

"Here's a new announcement from the Admin: Classes are suspended starting today until next week, due to the Corona Virus Disease 3023 or CoViD3023 outbreak. Students, members of the faculty and other campus staff are asked to stay in their respective Camps to reduce the risk of acquiring the said disease. Those who are still needed to work are required to wear their personal protective equipment or PPE. Preventive measures should be strictly followed, such as proper hand washing, increasing fluid intake, wearing of face masks and avoiding crowded places.

"As we all know, the virus was discovered a month ago after infecting people from China. Other countries reported the same cases few days later, including The Philippines. Two weeks ago, the country's first CoVid3023 patient came to the hospital with flu-like symptoms and died three days later. Experts are already studying the virus and are already working on finding the cure."


"Bilib na talaga ako kay Miss Hara, 'te Chantelle. RU Live pa rin kahit nagpa-panic na 'yung mga tao." Bulong ng pinakabatang miyembro ng grupo sa katabing si Chantelle habang inaayos ang detalye ng kaniyang mga nakalap na impormasyon mula sa Admin sa kaniyang tablet.

"Ano pa ba'ng aasahan mo sa isang taong pangarap ang maging broadcast journalist balang araw? Naalala mo last semester, nag-RU Live pa rin siya kahit bumabagyo at bumabaha na. Nagliliparan na 'yung mga bubong sa Reed Community, pero siya naka-live pa rin at tumutulong sa rescue." Sagot ni Chantelle habang tumitipa sa kaniyang tablet na konektado sa teleprompter na binabasa ni Hara.

"Oo nga, e. Gusto ko sana sumama, kaso volunteer pa lang ako 'nun. Masyado raw delikado, kaya regular staff lang ng RU Live ang puwede."

"Lodi natin si Ate mo Hara, mga sis-- matapang, hardworking at matalino. Gusto ko maging katulad niya pagdating ng panahon. Ang susunod na host ng RU Live- Marley Avenido! Pak! Winner!" Nagtawanan ang tatlo nang tumayo pa ito at umaktong nagsusuot ng korona sa kaniyang ulo. Pinindot niya ang isang buton sa kaniyang tablet at nagpakitang muli sa screen ang recorded footage ni Hara sa Reed Community kaninang tanghali. 


"The footage that you are seeing on your screens is a video I've taken earlier this afternoon in Reed Community. I went to two grocery stores and both have the same situation. Chairman Adrian Reed previously said not to panic as Reed Community is still CoViD3023 free and the administration is doing its best to keep it that way. Supplies will be given per Camp starting Saturday to avoid hoarding and for everyone to equally have enough for themselves." Tumingin si Hara kay Chantelle at sumenyas ito na puwede na siyang magbasa ng komento sa kanilang livestream.

COMMENTS

UseYerHed1:
Pwede ba umuwi na lang??? Mas safe pa yata sa Inner City kesa dito sa RU!

PentaKiller:
Sana hindi mag-hoard ng supplies. Pano naman yung mga nagtatrabaho, db?

Think_Beauty18:
I think it's best to stay in Reed, than go out. PH already has 3 confirmed cases and they're still tracing.

RainbowGoddess:
Scary virus, go away!!!!

FrozenSummer3000:
Sino magbibigay ng supplies? Valiant? Mga gahaman yan, baka sila pa mag-hoard!

Loading more comments...

Mabilis ang pasok ng mga mensahe sa Comments Section ng Real Circle account ng Reed University na ginagamit ni Hara para sa kanilang programa. Isa isa niyang binabasa ang mga komento at saloobin ng mga tagasubaybay upang maiparating ito sa administrasyon ng kanilang komunidad. Lahat ng estudyante at empleyado ay nanonood ng livestream nila araw araw, pati na rin ang ilang kapamilya ng mga naninirahan sa Reed.

Book_o_Pan_done:
Hara, hindi ka ba natatakot sa CoViD3023? Bakit nag-a-RU Live ka pa rin?

Napangiti si Hara bago sinagot ang tanong ng isang tagasubaybay, "I fear what I do not know. And this virus is just a virus. Pasasaan pa't mawawala din 'yan. Kaya nga paulit ulit na sinasabi 'yung mga precautionary measures para makaiwas. Thank you sa mga concern niyo, guys. I'm seeing a lot of messages from you here." Para kay Hara, hindi lang basta para sa social media ang RU Live, ito ay isang tulay ng komunikasyon.

"Always keep safe, guys! For questions, suggestions, more opinions at kung anu ano pa, just leave your messages here and it will be auto-saved in the RU Live Cloud. Agad agad mafo-forward 'yan sa RU Admin." Nag-ayos ng buhok si Hara bago muling nagsalita sa camera drone. "And before we end the show pala, I have a personal announcement."


"OMG! Ngayon na ba niya sasabihin?" Biglang nagkatinginan sila Liya at Chantelle na abala na sa pagliligpit ng mga gamit sa gilid ng kwarto para makauwi sila kaagad pagkatapos ng programa.

"Uy, uy, alam niyo ba itey?" Tarantang tanong ni Marley na napatigil sa pagsa-save ng episode nila ngayon sa sarili nilang cloud drive.

"Nagpaalam na yata kasi siya sa Admin last week pa, e." May lungkot sa boses ni West habang nililigpit ang mga papel na ginamit nila sa brainstorming kanina bago nagsimula ang programa.

Huminga muna ng malalim si Hara bago buong ngiting nagsalita, "I'm getting cloned this week."


---end of chapter.

(edited 05.07.20)


RU Live: 3023Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon