PROLOGUE

22.3K 621 68
                                    

PROLOGUE

3 YEARS AGO


Akala ko may oras pa ako. Akala ko kakayanin ko pa ring magkunwari na wala lang siya sa akin. Akala ko hahayaan niya akong umakto na hindi ko siya kilala, na walang namagitan sa aming dalawa bukod sa pagtulong niya sa akin noong binugbog ako nina tatay.

Pero sabi nga nila, lahat ng 'akala' ay mali.

Hindi ko napigilan ang sarili ko nang mabigyan ako ng pagkakataon na insultuhin siya. Hindi rin niya napigilan na ilabas ang damdamin niya kahit nasa harapan kami ng mga kaibigan niya.

At ito, matapos ko siyang paulanan ng insulto... nandito pa rin kami.

Nandito pa rin ako kung saan niya iniwan, sa ere. Nahuhulog pa rin at malapit ng bumagsak at magising sa katotohanan.

Konting-konti na lang.

"Leila, please talk to me," bulong niya sa akin habang nakahawak sa magkabilang pisngi ko. Kahit anong pilit ko na umiwas ng tingin ay hindi ko magawa dahil idinikit niya ang kanyang noo sa akin.

Wala akong choice kundi pumikit at mas lalong marinig ang bawat paghinga niya habang nagmamakaawa na pakinggan ko siya at na bumalik kami sa dati.

Pero ano nga ba ang dati na gusto niyang balikan namin?

'Yung mga panahong ipinaramdam niya sa akin na mahal niya ako kahit itinatago niya ako sa publiko? 'Yung panahon na masaya nga kami pero wala naman kaming label. Sobrang willing ako ibigay sa kanya ang lahat noon kahit na hindi niya kayang mag-commit sa akin.

Ibinigay ko sa kanya ang lahat kahit alam ko na ako ang malulugi sa huli.

Bakit ko gugustuhing balikan ang lahat ng 'yun?

Do I really have to remind him that our relationship is not a fairytale?

It was far from it.

"Naaalala mo pa noong unang beses mo akong hinalikan sa harap ng maraming tao? Noong sinabi mo hindi na tayo magtatago? Alam mo bang 'yun yung pinaka paborito kong araw ngayong taon?"

Naramdaman ko ang pagtango niya. "Ako din, Lei. It was the highlight of my year."

It wasn't just my favorite day. It was the highlight of my teenage years.

Pero kailangan ko na kalimutan ang memory na 'yun. Ano bang mapapala ko sa fairytale-like moment na 'yun? Isa na lang siyang bangungot ngayon dahil hinding-hindi ko na mababalikan 'yun bilang isang magandang alaala.

"Masamang alaala na lang siya sakin ngayon, Ysmael," bulong ko sa kanya.

"Why the hell did I ever let you go?" bulong niya pabalik. Naramdaman ko ang mahinang pagsinghap niya bago siya nagsimula ulit na magmakaawa. "Just tell me please, how do I make it up to you? Please, help me fix this. Let me fix us."

Hindi ko maiwasang lalo pang malungkot.

Kung pwede lang maayos. Kung pwede lang kami bumalik sa dati. Bakit ko hihindian kung posible pa, diba?

"Hindi tayo pwede, diba?" paalala ko sa kanya. "Hindi na tayo pwede, Yael."

"That's bullshit, Lei," singhal niya. I guess hindi tumalab ang pagbanggit ko sa palayaw na binigay ko sa kanya.

"Hindi tayo pwede. Mayaman ka, mahirap ako," sinimulan kong isa-isahin ang mga dahilan kung bakit hindi kami pwede para sa isa't isa. "Naka-kontrata kang bawal magkaroon ng relasyon. Nag-aaral pa ako para sa pamilya ko. Magkaiba ang priorities nating dalawa. Masyado akong matino para sa'yo at hindi ko gusto 'yung direksyon na tinatahak mo."

His Forever GirlWhere stories live. Discover now