Hangman ( Game ka na ba? OneshotStory Series ) *Edited*

165 9 4
                                    

AN: Napagtripan lang. ^___^ v Peace. :DDD

---------------------------------------

Education Week na naman. Para sa akin ito ang pinakaboring na part ng school year. Bakit? Eh sa wala naman akong ginagawa. Lahat may kanya kanyang gagawin, may sariling mundo. Tsaka wala naman akong ka close dito. Loner ako eh, ForeverAlone. :3 . Kung makikijoin ako ma-oOP lang ako. Sila nagbabasa, naglalaro, nagkwekwentuhan etc. Ang saya saya nilang tignan. Kaya ako.... Matutulog na lang ako.!

Lumipat ako sa pinakalikod ng classroom. Para walang istorbo. At para manahimik.

Pupunta na sana ako sa Dreamland ng...........

"Pssst."

Hmm. Baka iba lang tinatawag nun. Back to sleep.

"Psssst."

Ayun nanaman. Nakakaasar ang ingay. >:l

"Uyy. Pssst." Sabay alog sa akin ng lalaki kong kaklase.

Napagising naman agad ako.

"Kanina pa kita tinatawag. Bingi ka ba?"

"Ahhy, Sorry. Akala ko kasi iba yung tinatawag mo."

"Anyway, Gusto mo laro tayo? Tutal natutulog ka lang naman eh." 

Eh? Bakit akooo?! Nananahimik nga lang ako dito eh.

"Ehh, Wag na lang. Sa iba na lang."

"Sige na please" :3

"Bakit kasi ako? Marami namang iba diyan."

Sa dinadami dami ng tao dyan eh ako pa? Siguro na-OP toh. Pero imposible eh.

"Eh, basta. Ikaw gusto ko eh." Sabi niya.

"Tsaka ito na yung pagkakataon ko." Mahina niyang pahabol.

"Ano? Anong pagkakataon?"

Pagkakataon na alin?

"Ahh. Wala Wala. Ano tara?" 

"Ehh, Sige na nga pero anong laro?"

"Hangman. Alam mo ba yun?" At naglabas siya ng whiteboard at marker.

"Ehh. Hindi eh."

"Ok. Ganito yun. Iisip ako ng category kunwari food.. tapos gagawa ako ng lines parang ganito

_ _ _ _ _

Tapos manghuhula ka ng letter, kunwari "A" tapos ilalagay ko kung mayroon man.

A

_ _ _ _ _

Tapos kapag nagsabi ka ng letter na wala sa word ko magdo-drawing ako ng ulo, tapos katawan hanggang sa mabu yung stickman. Kapag nabuo yun at hindi mo pa nahuhulaan. Talo ka na.

Gets?"

Ahh. Madali lang pala. 

"Yup!"

"Oh. Ano, Game ka na ba?"

"Game!"

******************

Makalipas ang dalawang oras. Yun pa rin ang ginagawa namin. Ang saya kasi eh. Buti na lang ako napili niyang kalaro at least hindi ako na-bored. Salamat sa kanya. Pero nagtataka kasi ako kung bakit ako eh? Tsaka anong pagkakataon yung sinasabi niya. Ang weird niya pero ang gaan na ng loob ko sa kanya. Pwede ng FRIENDS! Siya nga pala siya ng "sikat" dito sa school kaya nakakapagtaka talaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hangman ( Game ka na ba? OneshotStory Series ) *Edited*Where stories live. Discover now