Chapter 2

7 2 0
                                    


I saw his eyes became sad and it makes me sad too. Nadismaya ko si Sid pero hindi ko babawiin ang sinabi ko. It's better off to be friends.

"Ang bilis moko kalimutan ha" Ginulo n'ya buhok ko like he always did to me. And then he genuinely smiled to me.

I like Sid. He is nice, he is caring, protective and like a brother to me ever since, kaya nga nagustuhan ko s'ya noon. Hindi ko kinahihiyang aminin na, nabaliw nga ako sa lalaking 'to noon. Sobra, kaya kapag naiisip ko 'yon ngayon natatawa na lang ako. Hindi ako makapaniwala na magiging kaibigan na lang ang tingin ko sakanya ngayon.

Naalala ko pa during school days, he was the one na kasabay sabay ko mag lunch at umuwi, proud na proud sya sa akin, he always flex me to his friends at kakilala. He always spoiled me with love and attention, sobrang clingy namin, he kissed me once in front of everyone during our intramurals, walang hiya talaga. It was just a smack and it was enough to melt me. Hatid sundo ako ni Sid, minsan nya rin akong dalhin sakanila at ipakilala. Pakiramdam ko noon, I was the luckiest girl alive because I had the quality of the man that every girls wanted. Like me Sid is so adventurous, he loves to bring me to the places he loves too. Pinapakilala n'ya ako sa mga bagay na gustong gusto n'ya. He make sure I know everything na mahal n'yang gawin. Umeksina lang talaga si Gail. Umeksina s'ya sa amin. Isang transferee girl na nagpabago kay Sid. I don't want to remember again kasi kahit wala na akong pagtingin kay Sid there is still a part na pinapaala nito na minsan akong hindi naging enough. At ayoko alalahanin 'yon because this time I am enough.

Nakatulala na pala ako sa apoy at pumatak ang luha ko. Sid saw it.

He pulled and hug me. Tighter.

I miss his scent though. I missed him.
I miss everything about him. Pero it's over already. All I can offer is a just a missing feeling for him.

Ramdam kung pumikit si Sid. And he cried. Hinayaan ko lang siya. Yinakap ko lang siya. Hinagod ko lang 'yung likod niya. Hinayaan ko lang na paulit ulit niyang sabihin ang mga salitang.

"I love you, I still love you, Hara"

Na matagal kung hinanap at hinintay ng taon.

"Why did you come, Hara? Why did you answer my call? Why? When you could've declined because I was with your friends."

"Why would not Sid? You were my friend too."

Kumalas siya sa pagkakayakap at tumitig sa akin.

"You really moved on. "

Tumango lang ako ng simple.

"Hara.. I just have one favor. "

"What is it?"

"Can I kiss you one more time?"

Ako na mismo ang lumapit at unang humalik kay Sid. Magiliw naman niya iyong ibinalik sa akin. He gentle kiss and kiss me. He pulled me closer and caress my face while passionately kissing me. Hiyaan ko lang siya at sinabayan ang kanyang mga halik hanggang sa lumalim ito at unti unti kung naramdaman ang pag dilim ng paligid nang maubos na ang apoy mula sa campfire.

Hindi ko na mabilang kung ilang minuto kami naghalikan ni Sid. But all I remember ang iyong pagdating nila Artur at Alice. Malamang nakita nila kami because Artur can't stop clearing his throat. Sinuway naman siya ni Alice.

"I think we need to go home now guys, it passed 4 hours. 2 am na." Pag aya ni Artur.

Tumayo ako at pinagpag ang buhagin sa damit. As well as Sid at tumungo siya kay Blake saka ito ginising. Hindi naman masyadong madilim because of the full moon.

Just A Little WildsomeWhere stories live. Discover now