Chapter 45: Truth and Lies

727K 11.9K 1K
                                    

A/N: I would like to THANK all my dear readers over and over again. Salamat po sa walang sawang pagsuporta niyo sa story na toh. THANK YOU sa mga VOTES and COMMENTS niyo for the story :) I appreciate a lot po. Sana suportahan niyo ang story na toh up until to its end.

 

Please don’t forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You can FOLLOW ME if you want to :)

 

Enjoy, till next time :)

 

=========================

 

(Violet’s P.O.V)

 

Hinatid naman kami ni Josh dito sa bahay. 6 na rin kasi at pagod na rin ang anak ko. At tsamba pang na low bat ang phone ko. Baka mag-alala si Kyle pag di pa kami naka-uwi.

“Thanks for today Josh.”, nakangiting sabi ko naman sa kanya

Ngumiti naman siya sa akin at humalik sa pisngi ko. “I need to go now. May gagawin pa kasi ako.” , sabi naman niya

“Sige.”

 

“Shanelle.”, narinig ko namang tawag sa akin ng isang seryosong boses mula sa likod at alam kong si Kyle yun. Lumingon naman ako sa kanya pero nilagpasan niya ako at lumapit kay Josh at bigla nitong sinuntok si Josh sa mukha.

“Kyle!”

“B*stard!”, galit na galit namang sabi ni Kyle at sinuntok ulit si Josh.

Agad ko namang pinasa si Kaylee kay manang Lourdes at lumapit kay Kyle para pigilan ito.

“KYLE ANO BA! STOP IT WOULD YOU!”, sigaw ko naman sa kanya

Wala kasing ginagawang masama sa kanya si Josh pero bigla na lang niyang sinuntok. Nilapitan ko naman si Josh na naka-upo ngayon sa sahig at pinupunasan ang duguan labi nito.

“Are you okay?”, nag-aalalang tanong ko naman kay Josh

Naglakad naman palapit si Kyle sa akin at hinawakan ako sa braso saka hinila papasok ng bahay.

“Kyle ano ba!”, pilit ko namang hinihila ang braso ko na hawak niya. “KYLE!”, tawag ko naman sa kanya pero parang wala lang siyang naririnig. Nang makarating kami sa kwarto namin ay doon lang niya ako binitawan.

Magsasalita na sana ako pero biglang pinagsusuntok ni Kyle ang pader ng kwarto namin.

“Kyle…”

 

Ano bang nangyayari? Ba’t ba siya ganito ngayon? Bakit niya sinuntok kanina si Josh? Hindi ko mapigilang hindi maguluhan sa inaasta ni Kyle.

The Billionaire's QueenTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang