KABANATA 3

27.2K 236 35
                                    


KABANATA 3


"Nakakagulat ka naman, sir! Nahulog 'yung puso ko sa'yo!" hinihingal at napahawak pa ako sa dibdib matapos kong ilapag ang milo sa counter top. Medyo masama ang tingin ko kay Sir Inno dahil nairita talaga ako sa biglang pagsulpot nito.

Tumaas ang dalawang kilay nito sa akin. "Talaga? Ang bilis naman."

Kumunot ang noo ko. Hindi s'ya naintindihan. "Lasing ka na 'ata?"

Umirap ito. "You said nahulog ang puso mo sa'kin."

Napanganga ako nang mapagtanto ang sinabi. "I mean, 'yung puso ko parang nalaglag dahil sa ginawa n'yo pong panggugulat!" tarantang paliwanag ko.

Tumangu-tango naman ito. "Liit mo kasi, naawa ako sa'yo. I'm just trying to assist you." nagkibit ito ng balikat tapos ay binuksan ang fridge para kumuha ng tubig n'ya. Binalewala ko nalang s'ya at sinimulan ko na ang pagtitimpla ng maiinom. Umupo ito sa isa bar stool at pinapanuod ako sa ginagawa.

"By the way, don't call me 'sir', please." walang emosyon nitong sabi.

Kinagat ko ang labi ko at tumango. "Okay, sir—" natigilan ako sa pagkakamali. "I mean, okay." sabay ngiti ko.

"How old are you?" tanong nito.

"20 po. Kayo po?"

Umirap ito. "Ahlia, I'm not your boss. 'Wag mo akong i-po." suplado nitong sabi. "I'm 21."

"Sorry. Ang hirap kasi, syempre anak ka ni Mayora." sabi ko at sumimsim sa katatapos ko lang itimplang Milo. "Gusto mo?" alok ko dito.

Tumango ito at nagulat ako nang kuhain nito ang basong hawak ko at uminom din doon.

"Luh, may laway ko na 'yan!" agap ko at kinuha ulit ang baso sa kan'ya.

Kumunot naman ang noo nito. "Inalok mo diba?" suplado nitong sabi.

Nagbuntong hininga ako. "Oo nga pero ang ibig kong sabihin ay ititimpla kita ng iyo. Hindi 'yung iinom ka sa'kin. Paano kung may sakit ako? Edi nahawa ka."

Nagkibit lang itong ng balikat.

"Sir, talaga." mali ko na naman kaya tinitigan ulit ako nito ng masama.

Napakagat ako ng labi. "Ay sorry, hindi talaga ako sanay. At saka, nakakailang na tawagin ka sa pangalan mo lang kasi hindi pa rin naman tayo close." sabi ko dito.

Nagulat ako nang tumabi s'ya bigla sa akin at pinagdikit ang braso namin. "Ayan, close na."

Kumalabog ang puso ko nang lingunin ko s'ya at nahuling nakatitig pala s'ya sa akin. Napalunok ako at muling diniretso ang tingin sa harap. "G-grabe, literal talaga?" nauutal na sabi ko. Natawa s'ya at saka bumalik sa pag-upo sa harap ko. Lasing yata 'tong si Sir, kaloka!


"You're off every weekends?" tanong na naman nito. Parang walang nangyari. Parang hindi n'ya ako binaliw kani-kanina lang. Galing.

Tumango nalang ako bilang sagot.

"That means you're off today."

Rated SPG ka ba?Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora