Chapter 23

8.9K 176 6
                                    


"WHAT are you doing here, Viohr?"

Habang nakatingin dito ay hindi niya mapigilan na mapahigpit sa paghawak ng pushcart. Ramdam din niya ang panginginig ng kaniyang kalamnan dahil dito.

Mas lalo siyang kinabahan ng mapatingin ito sa kaniya. Ang mga berde nitong mga mata. Hindi siya makakilos ng maayos d-dahil malinaw sa kaniyang isip na ito ang lalaking lumapit sa kaniya noong bata pa siya sa kaarawan ng kaniyang lolo Dan-Dan. Mas malaki ng kaunti ang katawan ni kesa kay Viohr.

At biglang lumipat naman ang titig nito kay Sebastian na walang kaalam-alam sa mga pangyayari. Biglang mas tumalim ang titig nito nang makita ang itsura ng bata.

"Who are they?"

Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin sa mga oras na iyon. Nang maramdaman niya ang kamay ni Viohr na pumulupot sa kaniyang baywang. Dumako doon ang tingin ng lalaki.

"She's my wife and our child."

Maikling salita lamang ni Viohr dito. Tiningnan niya naman ang katabi ng binata. Matalim din ang titig sa kaniya ni Andrea. Hindi niya inaakala na magiging ganito kagulo ang lahat pagkatapos ng maraming panahon.

"O-oh, it's nice to see you again, Viohr."

Dinig niya ang halong kaba sa boses ng dalaga. At ang pagiging hindi nito komportable habang nagsasalita at nakatingin sa kanilang dalawa.

Habang siya ngayon ay may kung anong nararamdaman sa kaniyang puso. She can feel her heart is aching and at the same time, she's afraid. Seeing the man who takes advantage of her so close.

"We're going."

Sabi ni Viohr habang nakapulupot parin ang kamay nito sa kaniyang beywang. Sinubukan niyang tingnan si Austin. At nakaramdam siya ng kaba ng makita itong titig na titig sa kaniya.

Naramdaman niya ang senyas ni Viohr sa kaniyang beywang. Iyon ang naging senyas upang pumasok sa kaniyang utak ang sinabi nito. May pagaalangan niya pang itinulak ang pushcart dahil sa kaba at takot habang nararamdaman niya parin ang kahindik hindik na titig ng lalaki.

"Fuck!"

Dinig niyang bulong ni Viohr na nakasunod sa kanila. Ramdam niya ang kaniyang mga tuhod na nanghihina tagpong nangyayari. Hindi niya alam, hindi niya alam kung anong mangyayari.

HABANG tinitingnan ang anak na natutulog ay hindi niya maiwasan na matakot habang iniisip ang nangyari kanina.

Kitang-kita niya ang pagkadominante ng itsura nito kay Sebastian. Ang mga mata nitong kulay berde na animo'y may kakaiba sa mga ito at ang pisikal na anyo nito na kayang makapagmanipula sa mga babae.

Ang isa pang bumabagabag sa kaniya ay si Viohr, sapagkat pagkatapos ng tagpong iyon ay nawala ang binata. At maga-apat na araw na itong hindi pa umuuwi.

Nararamdaman niya na naman ang kung anong kirot sa puso niya ng makita ang dating kaibigan na kasama nito. Si Andrea, naguguluhan siya sa mga nangyayari. Bakit nito kasama ang lalaking iyon? bakit pakiramdam niya ay maraming sikreto na dapat na malaman niya.

"Ate?"

Dinig niya ang pagtawag sa kaniya ni Arleen habang kumakatok ito ng mahina sa pinto. Agad naman siyang tumayo kahit na nararamdaman niya parin ang paglambot ng kaniyang mga tuhod. Bumungad sa kaniya ang pinsan.

"Ate, mayroong naghahanap sa inyo. Tsaka ate hindi ko po nakikita si kuya Viohr.

Na labis niyang ipinagtaka, agad naman siyang bumaba upang makita kung sino ang taong naghahanap sa kaniya. Binuksan niya ang pinto at ng makita ang dalawang pares ng berdeng na mga mata.

Hindi siya nagkakamali ng nakikita. Pakiramdam niya ay lahat ng dugo sa kaniyang katawan ay nawala habang nakatitig sa mga mata ng lalaking ito. Si Austin.

Amabang isasarado niya na ang pinto ng maramdaman niya ang marahas na paghablot nito sa kaniya. At ang matigas na pagyapos nito sa kaniyang katawan.

"A-anong ginag-"

Ngunit tinakpan ng malaking kamay nitong ang kaniyang bibig. Mas humigpit ang matinding pagyapos nito sa kaniya. Sinubukan niyang humiwalay rito gamit ang pilit na pagalis ng kaniyang katawan ngunit mas malaki sa kaniya ang lalaki.

Tumayo ang mga balahibo niya sa katawan ng maramdamang ang pagsinghot nito sa kaniyang buhok at ang pagdaplis ng dila nito sa kaniyang tainga.

"Tazzana."

Naramdaman niya nalang ang sarili na inihagis nito sa loob ng isang sasakyan. Dahilan upang mahilo siya ng kaunti.

"Palabasin mo'ko rito! Demonyo ka! demonyo!"

Pilit niyang hinawakan ang bukasan ng pintuan ng sasakyan ngunit naka-lock ito. Binubundol ng kaba ang kaniyang puso. Nang makita niya ang mata ng lalaki sa may salamin. Nakatitig ito sa kaniya ng sobrang dilim habang nakangisi.

"Pakawalan mo'ko rito! isusumbong kita! demonyo ka!"

Nanggagalaiti siya habang isinisigaw lahat ng kaniyang makakaya. Bumabalik ang lahat ng nangyayari sa kaniya. Habang nararamdaman ang luha niya na unti-unting pumapatak.

"Kanino? kay Viohr?

Binalot siya ng dilim ng marinig ang boses nito. Nakakatakot ito. Natatakot siya sa presensiya nito ngayon.

"N-napakasama mo! napakasama mo!"

Tinitigan lamang siya ng lalaki sa may salamin nito. At nakita niya na mayroong isinuot itong facemask sa bunganga nito. Na kaniyang ikinatakot.

"A-anong-"

Mayroong usok na kumalat sa loob ng sasakyan. Nasa kulob siyang lugar dahilan upang malanghap niya ang usok na iyon. Ilang segundo lamang ay naramdaman niya ang sarili na unti-unting nanghihina at ang kaniyang paningin na unti-unting nagdilim.
















Hombres Crueles Series #2: Saint / Stain (Completed)✔Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin