Prologue

28 1 0
                                    

"Now, what?" iritadong tanong ni Beatrice sa akin. Kanina pa kasi niya ako tinatanong tungkol sa naisip niyang laro dahil summer naman daw at boring.

"Sino ba kasi?" kunot noong tanong ko pabalik.

Kasalukuyan kaming nandito sa coffee shop at nagpapalipas ng oras ng maisipan ni Beatrice ang isang laro, na hindi ko alam kung paano niya naisip iyon.

"Kung sinong unang papasok diyan na lalake, iyon na." aangal pa sana ako ng itinaas niya ang kamay niya sa harapan ko. "Wag ka na ngang umangal. This is for the sake of boredom."

Agad kaming napalingon sa pinto ng bigla itong tumunog, ibig sabihin kasi noon ay may pumasok na. Agad din kaming nadismaya ng makitang ang isa pa naming kaibigan lang pala ang dumating, si Bern.

"Hi guys!" anang makalapit sa amin.

"Walang hiya ka talaga Bernalyn! Parati ka na lang late sa usapan!" halos pasigaw na sinabi ni Beatrice kay Bern.

"Anti naman, wag nang Bernalyn. Bern na lang. Ikaw naman, ang pangit pangit na nga ng pangalan ko pinapapangit mo pa." umupo na siya sa tabi namin. "Ano bang meron?"

"Hahanapan natin ng fafa itong kaibigan nating brokenhearted ata since super bitter naman siya." sagot ni Beatrice.

Aangal pa sana ako ng bigla na namang tumunog ang bell at pumasok ang isang lalakeng hindi ko mawari kung lalake nga ba talaga dahil sa sobrang kinis ng mukha. Aba, mas maputi't makinis pa ata tong lalakeng ito kesa sa akin na totoong babae eh.

"Like, really?!" halos patili kong sinabi. "Bea, iba na lang pwede? Mukha atang mas babae pa siya sa akin eh."

Nakangising ibinaling sa akin nina Beatrice at Bern ang kanilang paningin.

"I guess, let the game begin."

Yet in every game that is played, there will always be a game changer.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 27, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Game ChangerWhere stories live. Discover now