[17] sales lady ♕︎

756 22 0
                                    

Pagkauwi ko sa bahay ay inayos ko na yung mga pinamili namin at naligo na...

After ko maligo ay nagbihis then nagblower ng buhok tapos humiga na dahil baka dumating na si Zayde...

Ilang sandali lang ay dumating na nga si Zayde... Bumukas yung pinto ng kwarto namin at may humawak sa tyan ko sino pa ba? Edi si Zayde ...

"Alam kong gising ka" Sabi nya

"Babysitter kita kaya responsibility mo na sumama sakin kahit saan ko gustong isama ka " Sabi nya at ibinangon ako sa pagkakahiga

"Ehh kase gutom na nga ako" Sabi ko

"Ehh bakit mo ko binigay sa sales lady?" Tanong nya

"Ehh may gusto sayo ehh Kaya binigay kita... Ayaw mo yon nakapag pasaya  pa ko hehe" natatawang sabi ko paktay ako dito

"So pinapamigay mo na ko" malungkot na sabi nya

"Hindi naman sa ganon " Sabi ko

"Hmp di mo na ko love" Sabi nya... Hayst isip bata nanaman sya

"Love kaya kita magpapakasal ba ko sayo kung di kita love?" Tanong ko

"Wehh? Kiss mo nga ko " Sabi nya kaya ayon kiniss ko sya pero sa pisngi lang yon...

"Wag mo na ulit ako iiwan ahh" Sabi nya

"Oo na po" Sabi ko

After naming mag usap ay naligo na sya at ako naman ay nagluluto ng pagkain nya...

"Hmm ambango naman ano ba yang niluluto ng misis ko" Sabi nya at yumakap sakin mula sa likod

"Ahmm kain ka na luto na tohh tikman mo masarap yan" Sabi ko

"Sige sabay na tayo " Sabi nya

"Kumain na ko" sabi ko

"Good afternoon sir and ma'am I'm back" napatingin kami nung bumukas yung pinto ... Si Alex pala

"San ka galing ?" Tanong ko

"Naghanap po ng pagkain" Sabi ni Alex

"Pagkain o chix?" Tanong ni Zayde

"Chix haha" natatawang sabi ni Alex

"Kain ka Alex" pag aalok ko kay Alex

"Saktong sakto gutom na ko pakain po sir ahh" Sabi ni Alex

"Edi kumain ka hawak ko ba yung kanin?" Tanong ni Zayde

"Sabi ko nga po" Sabi nya

"Hoy manonood lang ako dyan lang kayo hahh" paalam ko sa kanila

"Sige po" Sabi ni alex

Dumeretso ako sa bedroom dahil may tv naman don kaya tinurn on ko yung tv then sakto cartoons yung palabas kaya lang Tom and Jerry pero hinayaan ko na lang maganda din naman Yun ehh...

Nung natapos na yung pinapanood ko ay inaantok ako kaya natulog ako...

Pagkagising ko ay 5 na kaya bumangon ako at hinanap si Zayde...San nanaman kaya napadpad yung engkanto na yon...

"Zayde!" Tawag ko mula sa bedroom

"Gising ka na pala" Sabi nya

"Ay hindi tulog pa ako" sarcastic kong sabi

"Gutom ka ba?" Tanong nya

"Yeah" sagot ko sa tanong nya

"Wait magluluto lang ako" Sabi nya

"Wag na ok na sakin yung bread and milk" Sabi ko

"Sige kukuha lang ako" Sabi nya

"Sige" Sabi ko

Habang naghihintay ako ay kinuha ko yung phone nya sa table... Pero may password kaya di ko mabuksan...pag sya gagamit ng phone ko kagaling galing pag ako na gagamit ng phone nya may password...

"Ohh eto na" napatingin ako sa pinto nung may nagsalita ehh sino pa ba edi si Zayde

"Hot lalake bakit may password tong phone mo?" Mataray kong tanong sa kanya

"Ahmm ano w-wala lang" nauutal na sabi nya

"Buksan mo" sabi ko at inabot sa kanya yung phone nya

Kinuha naman nya yon at binuksan pero parang katagal naman nya yata buksan...

"Hoy katagal naman" Sabi ko

"Wait eto na" Sabi nya at inabot sakin ...kinuha ko naman yon at binuksan yung gallery nya tsk daming babae sa recently delete nya

"Di ka pa magaling magbura" Sabi ko

"Hehe sorry na kain ka na baka gutom na si babies" Sabi nya

"Wait lan- ouch! " Napasigaw ako nung sumipa si baby

"Bakit?anong masakit sayo? Ano?" Sunod sunod na tanong nya

"Wala sumipa lang si babies" Sabi ko

"Totoo?" Gulat na tanong nya

"Oo lapit ka hawakan mo yung tyan ko" Sabi ko

"Wala naman ehh" nakasimangot na sabi nya

"Maghintay ka kaya excit- " di ko na natuloy yung sasabihin ko nung sumipa yung babies

"Naramdaman mo yon? Sumipa sila" gulat na tanong nya

"Malamang tyan ko yan ehh" Sabi ko

"Kain ka na baka gutom na sila" Sabi nya

Babysitting The Billionaire [COMPLETED]Where stories live. Discover now