Freak

13 1 0
                                    

Title: Freak

Written By: PrinsesaAhli

Main Genre: Drama

Sub Genre: Short Story

"What have you done, Alexa?" Iyan agad ang bumungad sa akin pagkarating ko sa living room. Mahinahon naman ang boses ni Steve nang itanong iyon pero kitang-kita ko pa rin ang galit sa mga mata niya.

Magkasalubong ang kilay nitong nakatitig sa akin at kung hindi lang siguro ako babae ay nasapak niya na ako. Nakakuyom kasi ang mga palad niya habang nanginginig na pinagdidikit ang mga ito. Nanlilisik din ang kaniyang mga mata.

Kahit natatakot, sinubukan ko pa ring salubungin ang mga titig niya. "G-Ginawa? Ano—"

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Sa lahat ng idadamay mo riyan sa kahibangan mo, bakit si Scott pa? What do you want to happen?"

Hindi ako nakapagsalita. Nanatili lang ako sa pagsalubong sa mga galit niyang titig sa akin. Hindi ko rin kasi alam kung paano sisimulang ipaliwanag itong ginawa ko basta ang tanging nasa isip ko lang ay ang ikabubuti ng anak ko.

"S-Steve kasi—"

Itinuro niya ang bibig ko. "What? You know how fatal is it to be with Jamaica, right?"

"O-oo."

Magpapatuloy pa sana ako pero nauna nang dumapo sa magkabila kong pisngi ang magkasunod na sampal. "Alam mo pala e! So ano'ng ginagawa ni Scott sa bahay ni Jamaica? Ano rin iyong sinasabi niyang doon lang siya dahil ayaw na niya rito?"

Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak sa harap niya. Hindi ko na rin kasi alam ang sasabihin ko dahil samu't saring emosyon na ang nararamdaman ko. Naiinis ako sa sarili ko. Iyon bang tipong gusting-gusto ko nang iuntog ang ulo ko sa pader.

Nagtataka rin ako and at the same time ay nagagalit kasi bakit ganito siya ka-concern kay Scott? Ni minsan, hindi niya ito binigyan ng atensyon. Ilang beses nag-reach out sa kaniya pero binabaliwala lang niya. Tapos ano? Ngayong wala na rito sa bahay biglang concern siya?

Nanginginig na ang buong katawan ko. Pinapawisan ang mga kamay habang tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng luha sa mga mata. Napapayuko na rin ako dahil hindi ko na alam kung paano haharapin ang mga titig sa akin ni Steve. Para naman na kasi akong papatayin nito kung nakamamatay lang ang tingin.

"Answer me, Alexa!"

Hindi ko na napigilang humagulgol nang sigawan niya na nga ako. Ano ba kasi ang sasabihin ko? Paano ko ba sisimulan? Maiintindihan niya ba kapag ipinaliwanag ko? Malamang hindi! Kailan niya ba ako inintindi?

"P-Patawarin—"

"Patawarin kita? Iyan ang gusto mong gawin ko matapos ang lahat ng nangyari? Are you out of your mind?

Kapag may nangyaring masama sa anak ko, hinding-hindi kita mapapatawad! Tandaan mo iyan!"

Sinampal ko rin siya sa magkabilang pisngi saka nagsalita, "Anak mo? Anak ko siya, Steve. Isa pa, hindi mo siya itinuring na anak kahit minsan kaya huwag kang magsalita na para bang ako ang pinakamasamang taong nakilala mo!"

"I am not asking for your opin—"

"It's not an opinion! It's a fact! Sana nga hindi ka na bumalik dito at nagsama na lang kayo ni Jamaica e!"

Napaupo ako sa sahig matapos sabihin iyon. May sofa naman, sadiyang wala na lang akong oras na maglakad papunta roon dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nakayuko lang ako habang halos maglupasay na. Hindi ko na kasi kaya e. Ang tagal kong tiniis ang mga masasakit na salitang sinasabi niya sa akin simula noong ipinanganak si Scot pero sagad na sagad na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Freak (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon