Pagmamahalang Hindi Mapaghihiwalay

51 1 0
                                    

I.

Sa tagal na nating hindi nagkita,

Hindi kumupas ang ating pagsasama;

Wala na yatang makapipigil pa,

Sa pag-iibigang inukit ng tadhana.

II.

Sa mga sandaling wala ka sa’king tabi,

Buo kong pagkatao’y tila naging kalahati;

Sa pagtulog panaginip ang iyong mga labi,

Sa paggising hanap-hanap ka palagi.

III.

Magkalayo man ngayon ang ating mga puso,

Pinagdurugtong naman ito ng isang pangako;

Isang pangako na kaylanman ‘di mapapako,

Sinuman sa ati’y hindi susuko.

IV.

Pagmamahalan nati’y pinanday ng panahon,

Tila isang itak na tumanggap sa hamon;

Hinango sa apoy ng maalab na pagsuyo,

Inilublob sa tubig na hindi matutuyo.

V.

Tuluyan ka ng nakabaon sa aking isipan,

Hindi maalis sa puso ko kalianman;

Sabay na bubuo ng alalang pupunan,

Sa dahon ng ating mahabang kasaysayan.

VI.

Maghihintay ako sa iyong muling pagdating,

Maghihintay akong muli kang makapiling,

Mula noong una pa kitang makilala,

Hanggang sa pagharap natin sa dambana.

ℐ.ℳ.ℬ.

04-06-12 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poetry Collection ℐ.ℳ.ℬ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon