PROLOGUE

178 2 0
                                    

Habang nagsisigawan ang lahat, andito ako sa isang silid at pilit na pinoproseso ang lahat ng aking narinig.

Paulit-ulit na lang hanggang ngayon ba hindi mo pa rin tanggap Lei na ginagamit ka lang ng lahat?

Lihim akong napahikbi ng maalala ang lahat ng mga tao minahal at pinahalagahan ko ng lubos pero walang sinukli kahit kaunti lang na alaga at pagmamahal.

Huminga ako ng malalim at kinuha lahat ng damit ko sa aparador kung saan nakaayos ito. Gamit ang kaliwang kamay ay pinupunasan ko ang mga luhang ayaw tumigil sa pag-agos.

Nang makarinig ako ng basag galing sa labas ay mas lalo akong nakaramdam ng takot para sa sarili ko. Wala na akong dapat pang pagkatiwalaan,

Wala na akong kahit ano, sarili ko na lang.

Huminga ako ng malalim at nilapit ko ang aking tainga sa pinto para marinig ang usapan sa labas.

"You hurt?" boses ng nag-aalalng si Gian ang aking narinig.

"Of course not! Now Gian choose!" nanginig ang boses ni Alyssa ang aking narinig.

"I-I don't know what to do"

"Nakakuha kana ng impormasyon diba? Nagamit mo na siya, ano pa bang kailangan mo sa kaniya? Andito na ako! Kasama ko si Sam! Ano Gian?!" Sam? Bigla nanghina ang mga tuhod ko ng marinig ang sagot ni Gian.

"Nasaan ang anak ko?" napatitig ako sa pinto at doon ko lang naramdaman ang mga luha kong ayaw tumigil.

May anak siya. Paulit-ulit na nag echo sa aking tainga ang tanong na iyon ni Gian.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Alyssa lumabas na lang ako ng kwarto at hinarap silang dalawa.

"L-Lei" nakita ko ang gulat sa mata ni Gian, habang si Alyssa naman ay umirap saakin.

"P-pasensya na sa pakikinig sa usapan niyo, h-hindi ko sinasadya" nangingig pa ang boses ko ng sabihin ang mga linyang iyon.

Tinitigan ko ang mata ni Gian na nakatingin saakin, iniwas niya ang tingin niya at tumingin sa hawak ko.

"Am aalis na rin pala ako, s-salamat sa pansamantalang pagpapasilong saakin dito at p-pasensya na kung naging pabigat ako sa'yo" nakita ko ang dumaang pag-aalala sa mukha ni Gian, ngunit agad din itong napalitan ng hindi maintindihang ekspresyon.

"Good bye" nabaling ang atensyon ko kay Alyssa sabigla niyang pagsasalita.

Ngumiti ako ng mapait sa kaniya at tumingin kay Gian na hanggang ngayon ay wala pa ring imik.

"M-mauuna na ako, s-salamat sa pahat ng t-tulong mo" napalunok ako ng maramdaman ang malaking bukol sa akong lalamunan, it hurts like hell, pero wala sanay na ako.

Sanay na sanay.

Dumiretso ako palabas ng condo ni Gian at sumakay ng taxi. Hindi ko na alam dahil simula naman noong pinanganak ako ganito na ang lahat saakin.

Ginagamit ako para maging masaya sila.
Ginagamit ako para makuntento sila.

Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa labas ng bintana. Habang traffic ay nakita ko ang isang pamilya na masaya, masayang masaya.

Mapait akong ngumiti ng maalalang kahit isang beses sa talang buhay ko hindi ko pa nararansan ang kumain ng kasama ang pamilya, kumain sa labas kasama ang pamilya, at higit sa lahat magkaroon ng pamilyang mahal ka.

Pinunasan ko ang luha ko ng umadar na ang taxi na sinasakyan ko, ngunit ganoon na lang ang kaba ko ng may isang truck na sobrang bilis ma animo'y nawalan ng preno.

Hindi ko na alam ang nangyare ng maramdaman ko ang pagkahilo at pagsakit ng aking likod. Sinubukan kong buksan ang aking mga mata ngunit hindi ko kaya, wala na akong naramdaman ng bigla na lng nagdilim ang aking paningin.

Nagising na lang ako sa isang puting kwarto, nasa ospital ako.

"Ma'am ano po nararamdaman niyo?" napabaling ako sa nurse na nakatayo sa aking tabi habang may hawak na kung anong papel, halata sa mukha nito ang pag-aalala.

Tumikhim muna ako bago sumagot "M-medyo masakit lang po ulo ko" tumango ito saakin.

"Babalik po ako mamaya para sa gamot, pwede na rin po kayong lumabas mamaya" ngumiti ito ng alanganin saakin tsaka tumalikod.

Nang lumabas ang nurse nilibot ko ang mata ko sa buong kwarto, mag-isa ko na lang.

Huminga ako ng malalim ng bumalik saakin lahat ng mga naririnig ko simula noong bata pa ako.

"Ikaw dapat hindi kana nabuhay, pabigat oo!"

"Mag-aaral ka pa? Wala na ngang makain mag-aaral ka pa"

"Hindi naman kita anak bakit kita mamahalin?"

"Hanapin mo totoo mong magulang dahil ki hindi namin alam"

"Ginamit mo lang siya diba?"

Napahagulgol ako at hindi napigilan ang paghikbi. Dalawampu't tatlo na akong nandito sa mundong pero ganoon pa rin ang ikot. Walang nag babago, walang nag-mamahal.

Nakatulugan ko ang pag-iyak, nagising na lang ako ng maramdaman kong bumukas ang pinto, bumungad ang nurse bago ngumiti saakin.

"Ayos ka lang po ba?" nag-aalangan ang ngiti nito halatang may mali saaking resulta.

"Ayos na ako, pwede na po akong lumabas mamaya diba?" umupo ako sa kama tsaka bumaling sa kaniya.

"Ah ma'am wala po ba kayong guardian?" nanginginig pa ang labi nitong nag tatanong.

Umiling ako sa kaniya "Ano ba resulta? Kakayanin ko naman 'yan" ngumiti ako ng mapakla kahit alam ko namang hindi ko kakayanin kung ano man iyon.

"Ma'am kasi noong naaksidente po kayo noong linggo" napabaling ako sa kaniya, linggo?

Miyerkules na ngayon ibig sabihin.

"Tagal ko pala nakatulog" ginawa ko iyong biro para maiwasan ang kaba saaking dibdib.

"Opo, hindi lang po kayo 'yung nasugatan may namatay rin po" halata sa pananalita nito ang pag-aalala.

Mas lalong nabuo ang kung ano malaking bara saaking lalamunan, sandali ....

"M-marami pong namatay at isa po ang 8weeks n-niyong baby" doon tumulo ang mga luha ko at halos mapunit ang kumot na hawak ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko sa puso ko.

Tumitig ako sa pinto matapos magpaalam noong nurse para makapagpahinga ako. Pero paano?

Nabuntis ako at hindi ko alam, wala ng paglagyan ang sakit na nararamdaman ko sa mga oras na ito.

Tulala ako hanggang sa pagdating sa morgue, sobrang liit niya pa.

Tumulo ang luha ko habang tinitignan ang dahang-dahang pagbaba ng maliit na kabaong.

"Blue George Hernandez" basa ko sa lapida.

iv.

The Hidden Pain (unknown series 1)Where stories live. Discover now