Chapter 5

3 0 0
                                    

Sa lahat ng tao ay hindi ko inakalang ang lalaking ito na naglalakad sa unahan ko ngayon ang magmamay ari ng posisyong yun.

Nang tawagin siya ni Jack kanina ay bumalik na din ako sa maayos na pagkakaupo. Naramdaman ko ang unti unti niyang paglakad papalapit sa pwesto namin kaya't itinuon ko na lamang ang aking paningin sa magkahawak kong mga kamay...

na sa hindi ko malamang dahilan ay nanginginig pa.

Bakit ba sa tuwing nandyan siya ay hindi ako mapakali?

Ang akala ko ay babati siyang kaagad sa mga ito ngunit hindi ko inaasahan ang kaswal lamang niyang pagtayo sa aking tabi.

Tiningala ko siya ng mapansin kong wala siyang balak umupo sa kahit saang bakanteng upuang naroroon.

Naabutan ko ang kanyang mga matang nagmamasid sakin na kaagad niya namang iniiwas sa pamamagitan ng pagtingin sa aking unahan...kay Jack.

"Bakit kasama niyo si Aya?" walang pasubali nitong tanong ng may blangkong ekspresyon sa mukha,

Siguro ay sadya na ngang ganun siya, pagkat magmula nang makilala ko ang lalaking ito ay hindi ko pa nakikitaan ng ibang ekspresyon ang kanyang mukha. Ni hindi ito nagbabago man lang.Palaging blangko lamang ito na anamo'y may laging kaaway na sasalubong sakanya.

At ano naman sa kaniya kung kasama nila ako? May halaga ba yun para sakanya?

"May pinag uusapan lang kami about head office and student council...you're just right on time, come... join us!"

Imbes na si Jack ang sumagot ay si Gail ang tumugon rito. Kaagad niya pang inialok ang upuan na pinag gigitnaan naming dalawa.

Sinulyapan lamang siya ni Kent bago ito muling pumaling kay Jack, ni hindi man lamang niya binigyang pansin ang ginawang pagtugon ni Gail.

Napansin ko naman kaagad ang mabilis na paglaho ng ngiti nito... ngunit kaagad niya itong ibinalik ng makitang nakatingin ako sakanya.

Ipinaling ko na lamang ang aking atensyon sa iba pa naming kasama sa mesa.

Si Aiden ay tutok na tutok sa nagiging usapan nitong dalawa sa harap ko.

Interesadong interesado.

Samantalang si Zyaire naman ay nangingiti ngiti habang patuloy siya sa pagtipa sa kanyang telepono.

Sa palagay ko ay alam ko na kung bakit ganun siya makaasta. Marahil ay isa yun sa mga babaeng ka 'fling' na binanggit niya kanina.

Bumaling  ako kina Abby at Micka na ngayon ay parang inaalo si Gail. 

Anong nangyare?

Lumapit ako ng bahagya sa kanila para magtanong,

" May problema ba Gail? Anong meron?" tanong ko rito dahil bumalik na naman yung nakasimagot nyang mukhang nakita ko kanina

Mukhang wala siyang  balak na sagutin ako kaya't si Abby na lamang ang tumugon sakin

" Ganito kasi yun Aya. First of all, we will share this secret to you coz for us you're now part of this GIOG." panimula niya saken.

G-io... ano daw?!

Dala ng kawalan ng alam sa huli niyang binanggit ay napakunot ang aking noo

Nabasa niya yata ang laman ng aking isipan kaya't daglian niya itong dinugtungan

"GIOG. Girls In One Group, that is the name of our gang." paliwanag niya na kaagad ko namang tinanguan hudyat upang magpatuloy na muli siya sa kanyang sinasabi.

Who Are You?Where stories live. Discover now