Part 4

43 2 0
                                    

Yehey! Grade 5 na kami syempre si Althea nakasalubong ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at yun sabay kaming pumasok. Seating arrangement, alphabetically kami nasa unahan ko si Jhasmine katabi niya si Andrei, katabi ko naman si Courtney. I was nominated as class president na nakakastress. Si Jhasmine naman ang ating Vice president na wala ng ginawa kundi mambugbog ag manakot ng classmates.

August 1st grading buwan ng wika pambato ako para sa lakambini, dapat si Andrei ang lakan eh di raw siya pinayagan, kaya wala akong lakan. Dumating na yung contest nandun naman lahat ng classmates ko supporter. Ayiee. Pagtapos ng contest, practice para sa performance kailangan may partner, pinag-agawan ako ng dalawa, sina Miggy at Andrei, naka-make up lang ako eh, nagkaganun na. Kinabukasan ay nag-ipon ako ng lakas ng loob dahil crush ni Althea si Andrei uunahan ko na siya.

1st grading is di pa rin satisfied yung subject teacher namin sa arrangement kaya naging katabi ko sila Josef at Miggy, nasa unahan ko pa rin si Jhasmine. Nasa tabi naman ulit ni Andrei si Zhairra, sa harap naman ni Zhairra ay si Althea. Yun na nga, nahiwalay ako sa kanila.

2nd grading, seating arrangement nagkatabi kami ni Andrei ulit. Lagi yun, tinatanong niya ako "bakit mo ako naging crush" Pa ulit ulit. Tapos sa tuwing ang bilis ko magsulat hahawakan niya ang kamay ko tas pipilitin akong hintayin siya magsulat. Tas kapag may assignment kami nagpapatulong sakin, ayaw ko naman, kukulitin ako. Tas isang araw umalis na yung teacher namin sa English nag-aya laro raw kami, tic tac toe.  Panalo ako and panalo siya it's a tie. Hehe. Lagi na siyang nagrereact ng heart and like sa posts ko. Lagi na rin niya akong pinapakilig, pinipikon at inaasar.

3rd grading nasa harap na siya ako naman nasa likod, kapag may kailangan ako tumutulong siya.. Naging masyadong close na kami, tinatawag na niya ako ng kung ano-ano nabibwiset pa rin naman ako.

4th grading hindi kami nakapag paalam sa isa't is a kasi nga nagkaroon ng virus. Bago pa naman yun sinabihan ko siyang panoorin niya ako magbaton, kasi hindi naman talaga siya na attend ng parade. Tas totoong performance na lumalayo na siya sakin...

Pagkatapos ng ilang araw chinat ko na si Althea para sabihing di ko na crush si Andrei.. Pagkatapos noon tuwing may kailangan na lang niya ako ichachat. Isa lang ang hiling ko kahit di niya ako kausapin sana matandaan ang special na araw sa buhay ko.



Seating Arrangement - (COMPLETED)Where stories live. Discover now