~1~

12 1 3
                                    


"Pa! Aalis na po ako! Ingat po kayo dyan!" Lumapit ako kay papa na naka-upo sa wheelchair.

"Sige anak, ingat ka din doon" he said while smiling at me, nagmano  ako sa kanya.

"Pa, sorry kung hindi kita maisama doon ha. Sabi kasi ng doctor mo dito ka na lang daw sa bahay" ngumiti ako kay papa at hinalikan sya sa noo.

"Ayos lang ako anak! Basta mag-enjoy ka doon!" Masiglang saad nya. Nakawheel chair sya dahil sa diabetes, napilay dahil sa sugat na hindi na gumaling. Payo sa akin ng doctor ay huwag ko syang gaanong ilalabas dahil baka ma-trigger yung masasamang memorya nya noon na pwedeng mag-cause ng suicide or depression.

"Ate Ting!" Tawag ko sa personal nurse and caretaker ni papa.

"Yes maam?"

"Ate Ting! Ingat kayo dito, si papa pakibantayan ng mabuti" bilin ko sa kanya na sinagot niya ng tango at ngiti. "Tawagan mo 'ko pag nagkaproblema dito! Bye!"

Bumababa na ako ng hagdan pagkakuha ko ng mga gamit ko sa kwarto ko. Papunta ako sa subukin sa batangas! May binili akong vacation house doon na matagal ko ng pinag-iipunan. Si Wada yung nagsuggest sakin ng bahay na yon! Bukod sa hindi mahal, maganda din sya dahil katapat ng dagat dahil Pier sya, daungan ng mga barge, barko at yacht pero sabi nya private daw yon, mabait lang talaga yung may-ari dahil nagpapatira sila dun sa mga lupa nila.

Nakakaexcite pero nakakalungkot din ng slight dahil hindi ko kasama si papa so bale ako lang mag-isa pero okay lang yon, sanay naman akong mag-isa hays--ang drama ko-- yung ex ko nasa canada na, nag-break kami dahil ayaw niya ng long distance relationship at tandang tanda ko pa yung mga salitang lumabas sa bibig niya bago 'ko iniwan at nag-walk-out  "your just a simple girl Amor, madali kang palitan" kapag naalala ko sya parang gusto ko syang ibitin sa puno ng manga, grabe ang kapal ng mukha! Akala mo naman kung sinong gwa-- gwapo sya-- EDI WOW! Kapag ako nakapanungkit ng piloto! Ipapakain ko sa kanya yung eroplano! Pero di ako galit sa kanya, slight lang.

---

After almost two hours of driving nakarating na din ako sa Pier "peace" ipinikit ko ang mga mata ko at tumingala habang dina-dama ang hangin. Ang sarap sa pakiramdam. Kahit mainit, mahangin pa din at amoy ko ang simoy ng dagat.

Inilabas ko na yung sandamakmak na susi sa bag ko na magkakasama dahil sa keychain ko na barko yung design. Pumasok kaagad ako at isinara yung gate, ini-lock ko kasi delikado na kahit private 'to. Better safe than sorry.

Nang binili ko 'tong house na to ang kulang lang ay mga gamit, like a television, refrigerator, electricfan, light bulbs, mirrors, eating utensils and other stuff na makikita mo sa tipical na vacation house pero it's almost complete kaya hindi gaano kalaki ang naaksaya kong pera, may mga closet, luckily a bed pero the foam was dusty so I had to buy a new one, cabinets, tables and chairs, sink and the best part was the kitchen is so pretty! Halatang mayaman ang tumira dito noon pero mukhang hindi masyadong gamit yung mga stove, microwaves, and the big oven na pang-bake. I'm a chef and a former flight attendant, may restaurant ako sa manila and it's doing great kaya naiwan ko sya sa trusty manager ko na si Wada--my bestfriend-- isa ring former flight attendant pero naka-pangasawa ng piloto, she's two months pregnant and I feel bad for forcing her to handle my restaurant for a bit pero pumayag naman sya dahil sinabi ko sa kanya na sa kanya mapupunta yung pera na dapat ay sa 'kin dahil akin yung restaurant.

Inayos ko na yung mga gamit ko and ipinatas ko na yung clothes ko sa closet. Nag-walis din ako dahil last week ko pa 'to ipinalinis at ngayon lang ako nakarating dahil binisita kami nina Lola Imelda at Lolo Val sa bahay.

"Hmmm anong maluto??" Tanong ko sa sarili ko ng matapos ako maglinis ng kaunti. Ayos na my gamit is already arranged sa banyo, sa kwarto ko-- i chose the master's bedroom-- may tatlong bedroom dito and a theater room.

There I Met YouWhere stories live. Discover now