Chapter 4

49 6 1
                                    

Game

Naging busy ako sa mga sumunod na araw. Nang matapos ko ang suit ni Llyr para sa premiere night ng movie nila ni Ashley Ramirez ay dumami ang naging offer sa akin ng mga sikat na celebrity at beauty queens.

Natanggap din ang designs ko sa The Night na gaganapin sa susunod na buwan. Perks of having Llyr Ryuu Cervantes as a client, huh?

"Busy ako." dahilan ko kay Llyr na nasa kabilang linya.

Ilang araw na rin niya akong niyayaya ng dinner sa condo niya. I don't know what's his game but I have no plan to play.

"You always turned me down. My ego is hurt, babe." halakhak niya.

Ang lakas talaga ng trip ng lalaki na yun! Hindi ba siya busy? Siya lang ata ang sikat na artistang kilala kong hindi busy.

"I don't know what's your game, Mr. Cervantes. I am a busy person. Now, if you have nothing to say then goodbye."

Mabilis kong pinatay ang tawag. Huminga ako ng malalim at sumandal sa swivel chair ko. I don't want to break my promise, as long as I can hindi ko hahayaang magkaroon ng koneksyon si Amirah at Llyr. Not on me. Isa pa, Llyr is the reason why my bestfriend is gone. Dapat ko iyong itatak sa isip ko.

"Mama, can you tell me about mommy again?" Amirah asked when I tucked her in bed.

Yes. Alam ni Amirah ang tungkol kay Lia. Ayokong magsinungaling sa kanya kaya hangga't bata pa siya ay inuunti-unti ko na sa kanya. Hindi pa niya maintindihan sa ngayon but at least she knows that she have a mother who chose her even if it means death.

"Why?"

Ilang beses ko na kasing kinukwento sa kanya si Lia. Nasabi ko nga ata ang talambuhay ng mommy niya except syempre ang tungkol sa lolo at lola niya.

Umiling siya. "How about daddy, mama? Can you tell me about him instead?"

I clenched my jaw. Umupo ako sa kama niya at tinabihan siya.

"W-why do you want to know?"

She pouted. "Ninong Gabby and I go to mall yesterday. Tapos I saw a little girl with her daddy. Where is my daddy, mama? Why can't I see him?"

Tumikhim ako at sinuklay ang kulot niyang buhok gamit ang daliri ko. I look straight to her hazel eyes. Mga matang nakuha niya sa ama niya.

"Daddy is...b-busy, baby." napalunok ako.

"Ayaw po ba niya sakin?" tanong niyang nagpalaki sa mga mata ko.

Mabilis akong umiling. "Of course not, baby! Who don't want a beautiful baby?"

"Then why don't I see him ever? How was he, mama?" inosenteng tanong niya.

I don't know how to answer her questions. Pinahiga ko na siya at kinumutan.

"Your daddy loves you so much, baby. But for now, sleep. Para lumaki ka na agad at makita mo na si daddy, okay?"

Tumango siya. I kissed her forehead. I imagine the reaction of Llyr when he found out that he have a child, not that I let him know. He maybe run in horror because of responsibility. Knowing him, he just want the fun.

"Anong ginagawa mo dito?"

Nag-angat ako ng tingin sa kay Gabby na pumasok ng opisina ko. Nakasandal na ako likod niya sa mahabang couch dito.

"I got an invitation from Margaux. Punta tayo? Miss ko na ang bruhang yun eh," anyaya niya.

Margaux is one of my friend. Apat kami nina Lia, Gabby at Maureen ang palaging magkakasama. Pare-parehas din ang kursong natapos namin. Sa France nga lang pinagpatuloy ni Margaux ang career niya as fashion designer. And now she's back and I know why.

Ang sabi niya dati, babalik siya at pagbalik niya, deserving na siya para kay Llyr Ryuu. Yes, she's in love with that asshole. I don't even know why eh hindi naman sila nagkaroon ng encounter ni Llyr except noong nabangga siya nito sa hallway ng school namin noong college at tinulungan siyang pulutin yung nahulog niyang folder para sa designs na ipapasa niya sa prof namin. Na-late pa nga siya non at napagalitan pero ang gaga ngiting-ngiti pa.

Hindi naman talaga namin schoolmate si Llyr. Ewan ko ba kung bakit siya napadpad doon, siguro ay para bisitahin si Caden.

"I know. Nauna pa akong makatanggap ng invitation sayo. Nagkausap na din kami ni Margaux."

"At hindi mo man lang ako inaya? Nakakatampo kayo!" exaggerated niyang sabi.

Umirap ako. "Huwag ka ngang OA Gabriel,"

Gabby is not a typical gay. Hindi nga halatang bakla yan dahil ang laki ng katawan, hindi rin siya sobrang landi magsalita. Tama lang pero kita mo ang lambot sa boses. Lalaking-lalaki din ang pormahan niya tulad ngayon, blue polo shirt, white khaki shorts at white sneakers.

Umirap ang bakla.

"Pupunta mamaya si Margaux sa condo para bisitahin si Amirah, punta ka?" yaya ko. Mamaya sabihin niya hindi ko na naman siya inaya eh.

Isa din sa mga rason kung bakit hindi ko sinasabi kay Margaux at Gabby kung sino ang tatay ni Amirah ay dahil nga kay Margaux. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya at ayokong masaktan si Amirah kung magagalit man si Margaux kay Lia.

Kaya kahit tanong sila ng tanong tungkol sa tatay ni Amirah ay hindi ko sinasabi. Hindi din naman nila alam na si Lia ang totoong mommy ni Amirah kaya hindi nila mapagbibintangan si Caden.

Ang alam ng mga kaibigan namin at ng mga magulang ni Lia tungkol sa pagkamatay niya ay heart failure. Totoo naman yun pero hindi nalang sinabi na dahil sa panganganak niya. Bata palang talaga si Lia ay mahina na ang puso niya though naoperahan siya but still, delikado parin noong nagbuntis siya. Kaya din siguro sobrang protective ng mga magulang niya sa kanya.

"Nah, may date ako mamaya." humagikgik pa ang malanding bakla.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Really? Sino naman?"

"Someone na nakilala ko sa bar,"

Umiling ako at natawa. "Landi mo,"

"Inggit ka lang. Humanap ka na kasi ng didilig sayo para naman may daddy na si baby Amirah,"

"Ang baboy mo talaga,"

"Ang tigang mo talaga,"

"Lumayas ka nga dito," naramdaman kong medyo nag-init ang pisngi ko.

Humalakhak siya. "Pa-virgin ka teh?"

enjoy!

Take Me (ON-HOLD)Where stories live. Discover now