Theblackwdow

Parang Feel ko mag sulat ng Au ng sunsun (delulu feels tayo ngayon) 

levisky123

lianhummer

MAHAL
          -lianhummer
          
          
          
          Una pa lang suko na ako 
          Isa?dalawa? Tatlo? 
          Tatlong beses akong nagtangka
          Na magsabi at magtapat sayo
          Pero sa mga pagkakataong iyon naduduwag ako 
          Kasi mayaman ka mahirap lang ako
          Matalino ka at ako sakto lang
          Masakit, makita na may gusto kang iba
          Masakit, malaman na may mahal kang iba.
          
          Pero mas masakit na hindi pa man naguumpisa ang ating istorya.
          May katapusan na.
          
          Wala pa man sa gitna! natuldukan na
          Nasa pagtatangka pa lang ako sagot alam Kong sagot  mo'y hindi na puwede.
          
          Sana !Sana!
          Mananatiling Sana lahat.
          
          Kasi kasalanan ko
          Kasalanan ko na hindi ko sinubukan
          Sinubukang alamin kung anong sagot
          Sana nalaman ko kung hindi ba talaga puwede!
          Sana naipamukha sa akin na hindi talaga!
          Hindi yung nasa tabi lang ako at pinagmamasdan kang mahulog sa iba.
          
          Ngayon alam ko na. Kahit hindi ko sinubukan wala talaga.
          Walang Tayo.
          Walang label.
          Hanggang kamustahan lang 
          Hanggang paasa lang
          Hanggang kaibigan lang
          Hanggang doon na Lang.
          
          Umasa lang ako. 
          Mahal kita.
          Pero hanggang mahal lang kita hindi Kita kayang ipaglaban. 
          Hindi sapat ang pagmamahal ko para ako'y makipagsabayan.
          Kasi alam ko naman una pa lang wala ng aasahan.
          
          
          Babae ako. Hindi ko kayang buwagin Ang prinsipyo ko. 
          Hindi mo man masuklian ang nararamdaman ko.
          Paglimot ko sayo ay parte ng aking pagmamahal.
          Kakalimutan ko lang ang nararamdaman ko.
          Mahalaga ka sa akin. 
          Hindi man naging Tayo pinapalaya na kita Mahal.
          
          
          Trip ko lang ishare..hehehe #senti