CHAPTER 04

7.7K 194 6
                                    

Bestfriend

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at saka ipinalibot ang tingin sa silid na kinaroroonan ko saka ko lang naalala na nasa loob ako ng aking kwarto.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at kinuha ang aking shoulder bag na nakalagay sa sahig at kinuha roon ang aking cellphone upang tingnan kung anong oras na.

6:30 PM

Alas onse kami ng tanghali dumating sa mansyon at halos ilang oras din ang naitulog ko dahil sa pagod sa byahe. I wonder if the kids is still asleep? I close my eyes and sighed.

Umalis ako sa kama at pumasok sa walk in closet naroon na ang mga gamit ko at mga damit, sa tingin ko ay inayos na ng kasambahay kanina habang nagpapahinga ako.

Kumuha ako ng simpleng oversize shirt at short saka pumasok sa banyo upang maligo.

PABABA pa lamang ako nang hagdan ay rinig na rinig ko agad ang ingay ng tawa ni Zeinna sa sala ngunit mas nangibabaw ang boses na kilalang kilala ko.

I shook my head slowly and smile mala megaphone parin ang bunganga ng babaeng iyun.

Si Shannah ang matalik kong kaibigan ay natanaw ko kaagad pagkarating ko sa sala habang kinukulit ang iritadong si Drave.

"Shan stop that" saway ko sakanya kaya  mabilis s'yang lumingon sa akin.

Namimilog ang kanyang mga matang tumingin sa akin.

"OMG!!!!LANNNAAAAA!" tili nya saka sinugod ako ng yakap saka tumalon talon pa, napangiwi ako dahil roon.

"grabe ka Shan hinaan mo nga boses mo ang sakit sakit sa tenga" natatawang saad ko sakanya

Mabilis syang bumitiw sa pagkakayakap sa akin at inirapan ako pero agad rin naman syang ngumiti

"omygosh Lanna I really miss you!" natutuwang saad nya, napairap naman ako dahil doon

"Shan may I remind you that we just saw each other in France 1 week ago?" sarkasmong saad ko

"che! Kahit na no! na miss pa rin kita, lalong lalo na ang mga inaanak kong maganda at gwapo" saad nito sa akin bago ako iniwan muli at lumapit kay Drave.

Siraulo talaga itong kaibigan ko alam nya namang ayaw na ayaw ni Drave Iceus na kinukulit ito ngunit ginagawa nya parin, sadyang napaka tigas ng ulo.

Umupo ako sa kabilang sofa at tiningnan naman si Zeinna na naglalaro ng mga Barbie dolls kumunot ang nuo ko dahil wala akong maalalang mayroon syang ganung laruan. Siguro ay ibinigay nanaman iyan ni Shannah o ni mom, umiling ako iniispoiled talaga nila ang mga bata.

Napabaling ako sa kabilang sofa kung saan nakaupo si Iceus at Shannah nang inis na bumaling si Iceus sa akin.

"mom! tita Shannah won't stop pestering me! I'm really annoyed now!" sumbong nito sa akin, halata ang pagkairita sa kanyang maamong mukha.

Natatawang umalis sa tabi ni Iceus si Shannah
"fine pft gosh kung 'di ka lang talaga gwapo eh!" natatawa paring saad ni Shan saka sya lumipat ng upo sa aking tabi.

Nagpatuloy naman si Iceus sa pagbabasa ng libro ng makaalis sa tabi nya si Shan

"hay naku bes ang sungit sungit talaga nyang panganay mo kung pwede na ngalang ay masasapak nya na ako sa sobrang irita" komento nito, nagbibiro

"ganyan talaga yan, lalo na kung nagbabasa sya't iniinis mo" saad ko rito at nangingiting umiling.

"pero alam naman nating dalawa na natural naman na talagang ugali nya yan noh! halos lahat na nga eh minana nya sa ama!" mahinang saad ni Shan binalingan ko sya ng masamang tingin

"tumahimik ka nga riyan Shan! mamaya marinig ka ng mga bata!" suway ko rito

Matalik kong kaibigan si Shan kung kaya ay isa sya sa may alam sa pinagdaanan ko nung mga panahong mahina't nasasaktan pa ko.

Bumuntong hininga siya at seryosong bumaling sa akin.

“hindi naman habang buhay ay maitatago mo sa kanila ang tungkol sa ama nila” seryosong saad niya at alam kong tama siya.

“habang tumatagal ay nagkakaroon na ng isip ang mga bata Zianna, hindi magtatagal at maghahanap rin sila ng ama kaya sana huwag mong hayaang patagalin pa ang pagtago sa katotohan tungkol sa problema mo sa ama nila.” dagdag na saad pa ni Shan.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at binalingan ang kambal, tama siya at alam ko iyon, sadyang gusto ko lang na manatili sa ganito, walang alam ang mga anak ko, hindi nasasaktan at sadyang masaya lang. Natatakot ako, ayokong masaktan at mamulat silang iniisip na hindi sila mahal ng ama nila dahil sa sitwasyong mayroon sila. Hindi ba pwedeng manatili nalang na wala silang alam? pero alam kong hindi pwede.

Bumuntong hininga ako at mapait na ngumiti dahil alam kong masasaktan ang mga anak ko at alam kong alam nilang mayroong kulang sa buhay nila at kahit kailan ay hindi iyon mapupunan ng pagmamahal ko dahil tanging si Zeus lamang ang makakapuno niyon, at iyon ay impossible.

My Heartless Husband (COMPLETED)Where stories live. Discover now