Chapter 5

25 1 0
                                    

PRINCE PERI'S POV

Pabagsak akong umupo sa aking higaan ng makapasok ako sa aking silid tulugan. Simula bata pa ako ay para na akong ibong malaya na nakakulong at nakatali sa hawla. Dahil sa inis sa aking sarili, palihim kong tinawag ang aking pinakapinagkakatiwalaang tao, ang tanging kaibigan ko. Si Lu.

"Kamahalan" Agad na bati niya sa akin ng makapasok siya sa bintana.

"May problema po ba?" Tanong niya saka naupo sa aking harapan, tumango nalang ako bilang sagot. Siya lang kasi ang naging kaibigan ko at ni isa dito sa palasyo ay walang nakakaalam maliban sa amin.

"May dama na namang naparusahan dahil sa pakikipag-usap ko nito" Nakayuko kong sabi sa kanya. Napabuntong hininga naman si Lu saka lumapit sa akin at tinapik-tapik ako sa balikat habang marahan niya akong niyuyugyog.

"Humingi lang naman ako ng opinyon saka ako umalis pero ng tignan ko ulit ang dama nakita ko nalamang itong bitbit na ng gwardya" Hindi siya sumagot at tinapik ako muli.

"Gusto mo bang matignan ang sinasabi mong dama?" Agad akong napatingin kay Lu habang nakangiti siya. Sa paraan lamang ng kanyang pagngiti alam kong may ibig sabihin ito.

"Paano?" Nakangiti ko rin tanong. Hindi siya sumagot at basta nalang lumabas ulit sa bintana. Ilang sandali pa ay pumasok siya ulit habang may bitbit na mga kasuotang ng mga gwardiya.

"Oh ayus ba?" Mas lumawak ang aking pagngiti saka sabay kaming nagbihis at isinuot ang mga damit ng gwardiya na kaniyang kinuha o hiniram. Ng matapos kaming magbihis sabay kaming lumabas sa bintana, inakyat ang pader at matiwasay na nakalabas sa aking palasyo. Tahimik naming binaybay ang daan papunta sa silid parusahan. Hindi pa man ako nakatungtong o makapasok man lang sa tarangkahan ng may narinig akong sigaw at hindi ko maiwasang mapatigil at mapapikit dahil sa lungkot na aking nadarama. Maya-maya pa ay nawala na ang ingay saka palang ako muling sumunod kay Lu. Pagkapasok ko sa silid parusahan agad kong nakita ang damang aking nakausap kanina, nakatali ang kanyang mga kamay habang nakadapang nakahiga siya, ang kaniyang mga paa din ay nakatali at sa gilid niya ay ang Heneral sa pagpaparusa na walang awang pinaghahampas siya ng latigo.

"Siyamnapu't-siyam!" Malakas na sigaw ng isang gwardiya na taga-bilang at ang muling paghampas ng Heneral sa dama ng latigo.

"Isang daan!" Sigaw ulit ng taga-bilang. Wala na rin akong marinig na sigaw dahil pansin kong wala na ding malay ang damang kanina pa siguro nila pinaparusahan.

"Nawa'y magtanda na ang Mahal na Prinsipe" Rinig kong sabi ng Heneral saka pinakawalan nung isang gwardiya ang dama at basta nalang silang nagsialisan. Ng mawala na sila ng tuluyan, napaluhod nalang ako at agad naman akong dinaluhan ni Lu.

"Pang-ilan na ba siya sa mga damang napaparusahan dahil sa simpleng pakikipag-usap ko?" May bahid ng lungkot na tanong ko kay Lu.

"Isang libo't-isa, Mahal na Prinsipe" Sagot niya sa akin. Napatango-tango na lamang ako saka napatingin sa dama na hanggang ngayon ay wala paring malay.

"Nais kong alagaan mo muna siya Lu hanggang sa maging maayos na siya saka mulang siya pababalikin sa pagtatrabaho, ipaalam mo din ito sa sino mang Mayordoma na kanyang pinagsisilbihan at sabihin mo na humihingi ako ng patawad dahil sa damang nasaktan muli dahil sa akin" Utos ko sa kanya na kanyang tinanguan agad. 

Hindi ko na nilapitan pa ang damang iyon. Umalis nalang din ako doon saka tinungo ang aking Palasyo at napag-isipang matulog nalang muna.


LU'S POV

Agad kung tinungo ang dama saka siya aktong bubuhatin ko ng mapansin kong pamilyar ang damang aking kaharap na walang malay. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at nanlaki ang aking mga mata ng mapag-sino ito.

"F-fu?" Agad na namuo ang mga luha sa aking mata ng tama nga ang hinala ko.

"Fu" Hindi ko maiwasang mapayakap kay Fu.

Si Fu ang matagal kong hindi na nakikita na kapatid ko.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now