IKA SAMPONG KABANATA.

12 8 0
                                    

Kyle’s Secret.

SUNDAY. 11:10 A.M

Tahimik at naka tulala lang mag isa sa isang upuan sa park si Kyle. Malalim ang iniisip.

Maya maya pa ay napa hilamos s'ya sa kanyang mukha at sinabunutan ang kanyang sariling buhok, halatang may bumabagabag sa'kanya.

Napa pikit si Kyle at ilang minuto lang ay tumunog ang kanyang cellphone. Kumunot nag noo n'ya ng makitang si Detective Hashil ang tumatawag, bumuntong hininga s'ya bago iyun sinagot.

“Good morning, why did you call?” walang ganang tanong agad ni Kyle.

“You need to come here, you need to answer a few important questions.” seryosong saad ni Hashil sa kabilang linya, nawalan ng emosyon ang mukha ni Kyle.

“Why? I thought tapos na ang pag tatanong n’yo sa amin ng mga kaibigan ko?” tanong ni Kyle habang na sa malayo ang tingin.

“I already told to all of you, hanggat hindi pa nahahanap ang totoong killer, ay kayo pa rin ang person of interest. Hindi mo kailangan isama ang mga kaibigan mo, Ikaw lang gusto kong tanungin.” kalmadong isinaad ng detective bago ibinaba ang tawag.

Naguguluhang napa tingin si Kyle sa kanyang cellphone, may munting kaba sa dibdib n'ya.

Tumayo s'ya mula sa pagkaka upo at dumeretso na sa kanyang kotse.

TAHIMIK ang buong silid ng interview room/investigation room at sa mag kabilang upuan ay magka harap si Kyle at Hashil.

Bumuntong hininga si Hashil bago inilapag ang cellphone ni Hera at nang makita iyun ni Kyle ay bakas sa mata n'ya na kilala n'ya kung sino man ang may ari n'yon.

“ay cellphone na iyan ay gamit na pag mamay-ari ng biktima.” pag sisimula ni Hashil.

“naka usap namin ang isang professor na naka sama at naka usap pa ng biktima at mayroon ngang sinabi ang Gng. sa amin.”

Ang kaninang gulat na mukha ni Kyle ay napalitan ng walang emosyon.

“I checked the phone at nakita ko ang Convo niyo, binasa ko ang huling pag uusap ninyo ng professor mo.. Or should I say ng girlfriend mo..” saad ni Hashil.

Umigting ang bagang ni Kyle bago pabalibag na tumayo sa pagkaka upo at hinampas ang lamesa. Nakikita sa mata n'ya ang matinding galit.

Mula sa labas ng investigation room ay naroon nakikinig at nanonood ang isang lalaki, si Ice.

Nang makita n’ya kanina sa isang park ang kaibigan ay nagtataka s'ya dahil wala itong kasama at mukhang may bumabagabag pa rito at nang pa alis na si Kyle ay sinundan n'ya ito dahil sa pag aalala.

“ano bang pinapahiwatig mo ha?! That I am the one who killed her?! That I'm the one who killed my own girlfriend?!” galit na sigaw ni Kyle kay Hashil na kalmadong naka upo at naka sandal sa upuan.

“I didn't say that, I just said binasa ko ang huling pag uusap nyo.” mahinang saad ng detective habang deretsong naka tingin kay Kyle.

“Base sa huling pag uusap nyo ay nag aaway kayo at dahil don ay pinuntahan ka ng biktima sa party. Ang huling sinaad mo sa'kanya sa convo ninyo ay lasing ka at baka kung ano pang magawa mo sa'kanya.” seryosong saad nito.

“why Mr. Hideo? Ano bang pwede mong magawa kay Ms. Astreal noong mga oras na iyun?” walang emosyong tanong n'ya.

Napa hilamos si Kyle at tumalikod sa detective. Muli s'yang humarap dito at umupo sa kanyang upuan.

“fine, I'll tell you what happened sa party ng mga oras na pumunta si Hera roon.” mahinang saad ni Kyle.

THURSDAY. 8:30 PM

Mayroong namumuong inis at nawawalan na ng pasensya si Kyle, sa totoo lang ay dapat hinahanap n'ya ngayon si Avery dahil iyun naman ang ginagawa ng mga kasama n'ya ngunit narito s'ya sa isang madilim na pasilyo ng mansion ni Ashanti habang ka harap ang mag lilimang buwan n'ya ng girlfriend, si Hera.

“I told you already, don't come here! But what did you do? Hindi ka nakinig! Pa ano kung may maka kita sa atin?” naiinis na saad ni Kyle.

“ikaw pa may ganang magalit? I don't care if may Maka kita sa atin! Wala na akong pake alam kung mawalan man ako ng license dahil doon!” may galit sa boses ni Hera.

“you know what? Ako dapat ang magalit alam mo ba yun ha? If Avery didn't told me na may party na magaganap ngayon eh Hindi ko pa malalaman! You should've told me! Girlfriend mo ako!” saad ni Hera habang galit na naka tingin sa boyfriend n'ya.

“Stop okay?! Hindi sa lahat ng oras kailangan alam mo lahat ng ginagawa ko at kung saan ako mag punta! Nakakasakal!” galit na saad ni Kyle.

Naluluhang tumingin si Hera sa'kanya, napa hilamos si Kyle at saka tumalikod sakanya.

“mas okay na bukas na tayo mag usap Hera, ayokong sumabay yung init ng ulo natin dalawa.” kalmadong saad ni Kyle at nag lakad na.

“I’m pregnant.”

Nahinto sa paglalakad si Kyle ngunit Hindi s'ya humarap kay Hera.

“Yan yung gusto kong sabihin sa'yo at hindi ko gustong ipagpa bukas pa kasi gusto kong agad mo malaman. I'm pregnant, Kyle.” may saya sa boses ni Hera habang naluluhang naka tingin sa likod ni Kyle.

Pinikit ni Kyle ang mga mata, hindi matanggap ang narinig. Masyado pa s'yang bata para sa isang mabigat na responsibilidad.

Bumuntong hininga s'ya at tuluyang iniwan sa pasilyong iyun si Hera.

“T-thats it! Yun ang huling p-pag uusap namin! Nagsisi ako, nagsisisi akong i-iniwan ko si H-Hera sa l-lugar na yun! Dahil sa akin! Dahil sa akin nawala silang dalawa ng anak ko!” roon ay tuluyang napa iyak si Kyle.

Naroon ang gulat sa mata ng detective at bumuntong hininga.

Sa labas ng investigation room ay naroon si Ice na nakinig sa lahat ng mga sinabi ni Kyle.

Ang kaninang walang emosyon n'yang mukha ay napalitan. He smirked. Sa loob loob n'ya naroon ang munting tuwa.

“You deserve it Kyle.. ngayon alam mo na yung sakit na nararamdaman ko ng mga panahong umiiyak sa akin si Avery dahil sa'yo.” mahinang saad n'ya pa bago tuluyang lumabas.

Who's The Killer? (COMPLETED)Where stories live. Discover now