Chapter 22

7K 140 7
                                    

Chapter 22: Ligaw tingin

"Kumpleto na ba ang requirements mo?" tanong ni Marcus.

Pinakita ko naman ang hawak kong brown envelope, sinilip niya ang laman nito upang i-check ang mga requirements ko. Ngayong araw kasi ako mag-apply for work here sa campus.

Tapos na ang exams namin, at completion na lang sa clearance ang kinakailangan naming kumpletuhin. Kaya naka-civilian clothing kami pareho. My hair was braided and put on the side of my shoulder. I also wore a fitted white T-shirt, which I paired with a fitted high mommy jeans which shows the curve on my body.

"Sige, aabot ko 'to kay Ate." I gave him a small smile. "Anyway, nakausap mo na ba ulit si Wynter regarding sa abogado?"

Umiling ako sa kaniya at suminghap. Since I'm a friend with Wynter, nirerekomenda ng ilan na sa pamilya niya ako lumapit dahil makapangyarihan sila. Nevertheless, I didn't be friend with Wynter because of that reason. I became friends with her with pure intention.

"Sige, if may kailangan ka pa. Just tell me." Ngumiti siya sa akin. Bitbit niya na ang requirements ko. "Una na ako, see you around."

I'm really lucky to have him as my friend. Ang suwerte rin talaga ng magiging kasintahan niya kung sakali kung gaano kaalaga at kabait itong si Marcus. Bukod sa mapagmahal sa kapatid, he seemed to be selfless on himself.

Iniwan niya na ako, dahil may kailangan pa siyang asikasuhin. Nakita kong sinalubong pa siya ni Josaiah na tinanguan naman ako.

For the whole week, nagkumpleto lang kami ng pirma sa clearance, ang dami rin kasing PETA (Perfomance Task) na dapat i-accomplish para mapirhan. Kasabay ko si Juni sa paghahanap sa mga teachers, kaya halos kalat din ang ilang estyudante. Sa ganitong panahon kasi, parang nagtatago ang mga guro.

"Faculty kaya tayo? Tambay ganoon."

"Loko, 'di nga nagpapasok." Naging istrikto kasi bigla ang pagpasok sa faculty. Dapat daw super valid ang reason kapag papasok.

Kaya ayon, mas nahihirapan kami magpapirma ng clearance.

We ended staying at the canteen, this time we're with Wynter. Kasama niya rin ang mga kaibigan slash kaklase niya na kasama namin sa Tagaytay.

"Hoy, naghahanap ka na naman ng pogi," sita sa kaniya ni Wynter. Masyado naman kasi siyang obvious sa paglilibot mata niya. Palibhasa kasi, nasa canteen din ang ilang college students, and mostly tourism students.

"Ano ba'ng type ni Josaiah?" Xeandria blurted out of the blue.

"Yung top 1 namin," diretsahang sambit ni Juni. Sumimsim siya sa iced coffee niya.

Kumunot ang noo ni Xeandria. Grabe, crush na crush niya ba talaga si Josaiah? Well, kung hindi ko lang siguro gusto si Ethane. Paniguradong may pagtingin na rin ako kay Josaiah. His visual and humor is no joke.

"Si Amaryllis?" takang tanong niya. "Bakit doon pa! Wala naman siyang pag-asa roon." 

"Huwag ka ngang bitter. 'Di ka lang gusto ng gusto mo, eh," buwelta ni Wynter.

Sumimangot dahil doon si Xeandria.

"Anyway, nabalitaan niyo na ba na before this school year ends magkakaroon ng social night?" Kiara shifted the topic. Dahil mukhang mag-aamok na si Xeandria.

"Yeah. Kalat na raw 'yan sa council! Sasama ba kayo?" Juni keeps roaming her eyes around. Masyado talaga siyang halata sa pagbo-boy hunting.

"Of course. Kasama si Josaiah diyan for sure."

And that news literally became an headline. Naging excited ang buong grade 11, pero may ilan na tila basher at ayaw makisama, dahil daw sa payment.

Kinabukasan, 'di ko alam kung sadyang may galit ba ang mundo at sobrang tirik ng araw. Parang may galit ang sinag nito. Dahil madali akong mairita sa init, nakasalubong ang kilay ko sa inis.

Lost, Lose (Loose Trilogy #1) UNDER-REVISIONWhere stories live. Discover now