CHAPTER 2

616 14 0
                                    

"Sige umupo kana sa unahan ni Mr. Kim" sabi ng Teacher namin.

Agad naman akong umupo sa unahan ni Mr. Kim bakit naka row kotong baliw nato at naramdaman kong parang may nag sipa sipa sa likuran ko kaya napatayo agad ako bigla at tumingin sa likuran ko.

"May problema ba Ms. Lopez" tanong sa akin ng guro.

Napalingon agad ako kay sir at nagsalita.

"Wala po sir may aso kasing sumipa sa Upuan ko" sagot ko nito.

"Aso, Wala namang aso dito ah" sagot nito sa akin

"Wala naman sir heheheh" sabi ko nito.

Uupo na sana ako ng bigla akong bumagsak sa sahig at nagtawanan naman ang kaklase ko.

"Class Keep quiet?'' Sigaw ng teacher namin at agad namang tumigil sa pagtawa ang mga kaklase ko.

Agad naman akong tumayo at hinila ang upuan ko at nginisian naman ako ng Kim nato hay baliw sabi ko sa sarili ko nito.

Nang tumunog na ang bell ay agad na akong naglakad para bumili sa canteen.

Nang malapit na ako sa pintuan na may narinig akong nagsalita.

"Where are you going?" Tanong nito sa akin.

"Malamang bibili ng pagkain kasi nagugutom na ako" pilosopo kung sabi nito.

Agad na akong naglakad palabas ng classroom namin para bumili ng makakain.

Nine POV

"Ang tapang naman ng babaeng yon" sabi naman ni Geem sa amin.

"Oo nga parang kinalaban ka Nine" sabi sa akin ni One .

"Nagkamali siya ng binangga" sabi ko sa kanila.

Nakita ko naman si Samantha at Dave na naglakad na magkahawak kamay kaya di ko mapigilang mainis.

"Pakiramdam ko Nine pinapaselos ka ng Dave nayon" sabi sa akin ni One

Agad namang pumasok ang babaeng to akala ko puro lang kami lalaki bakit may babae naman na napabilang sa Section namin kahit minahal ko si Samantha hindi naman siya naging classmate namin.

Maya maya ay pumasok na dito siya hay maganda din naman siya, at napapansin ko subrang puti ng balat niya at feeling ko naman ay Boyish itong babae to at bakit ko ba siya tinitingnan tanong ko sa sarili ko.

Nilapitan naman siya nitong batang Ice at nag usap sila.

End of POV

Pagkatapos kung bumili ng pagkain ay agad na akong bumalik sa Section B, naisip ko bakit kaya hindi sila nag snack tanong ko sa sarili ko, hay bahala nga sila sa buhay nila ang sama nila sa akin.

Nang naka upo na ako ay nagsimula na akong kumain at subo ako ng subo na may lumapit sa akin, Hindi naman siya gaano ka liit dahil siguro taga balikat lang siya sa akin or sadyang matangkad siya sa iba dahil matangkad naman ako na babae sabi nga nang kaklase ko dati na pwede daw akong mag model pero hindi ako mahilig dahil gusto kung mag singer at dancer sabi ko sa kanila dati.

"Hi, Ako nga pala si Ice Harlly Vallon, Ice nalang ang itawag mo sa akin" ngiting sabi nito naalala ko tuloy si Fion sa kanya.

"Okay, may kailangan ka?" tanong ko nito.

Agad naman siyang namula kaya ang cute tuloy niya.

"Nakakahiya eh" sabi nito sa akin.

"Bakit ka naman mahihiya sabihin mona sa akin" sagot ko nito.

The Girl In Section B (Badboys Group)Where stories live. Discover now