Sunday na lang po ako walang pasok. Sunday na lang po ang pahinga 'ko ngayon. Kaya sunday na lang ang update. Thank you thank thank you!
-
Ang kulit mo!
May meeting nga ako ngayon!
Subukan mo talagang umalis diyan, sisispain talaga kita pag nagkita tayo!
Mabilis ang pagta-type 'ko habang umo-order si Nanay ng kakainin namin. Sunod-sunod din ang pagse-send 'ko kay Jared. Ang kulit kasi ng unggoy na iyon. Gusto niyang putahanan ako tapos may sakit siya? Hindi niya ba maintindihan? May meeting nga! Iyon naman kasi ang totoo may meeting kami, sinabi 'ko naman kay Jared 'yun diba? Ang hindi niya lang alam, lola niya ang ka-"meeting" 'ko ngayon.
Dapat naman talaga ay magpupunta ako sa condo niya ngayon kasi bigla na naman siyang nilagnat, kaso nagulat ako nung paglabas 'ko ng bahay, nakita 'ko na ang sasakyan ni Nanay sa labas. Akala 'ko nga napadaan lang siya dito, pero nagulat ako nung sinabi niyang gusto niya akong kausapin,
Nakakahiya naman kung tatanggi ako sa Lola ni Jared kaya sinabi 'ko na lang kay Jared na kailangan 'ko talagang um-attend sa "meeting" namin para sa isang report. Kaya ngayon? Nagda-drama at nagfe-feeling ang baby ang unggoy.
I miss you babe :(
Di mo ba ko namimiss?
Daya mo kasi.
Sabi mo pupuntahan mo ako.
Ewan 'ko ba, imbis na mainis ako sa kakulitan ni Jared, natutuwa pa ako. Tuwa na may halong kilig. Nakakabwisit, nakakakilig kaya! May sakit na siya, pero ako pa din hinahanap niya. Sino ba namang hindi kikiligin don? Pero mas lalo ata akong napatawa dahil sa mga emoji na kasama ng message niya sa akin.
Emoji pa more. Bakla ka talaga no?
Ayos lang girl! Kasama mo akong a-aura! Hihi.
Ako naman ang napatawa ngayon sa message 'ko sa kaniya. Pagkasend 'ko ay nilagay 'ko na agad sa bulsa 'ko ang phone 'ko at tumingin kay Nanay na busy pa din sa pago-order ng kakainin namin.
"Yes. Chickenjoy. Is there any problem, Miss?" Taas kilay na tanong ni Nanay sa babae. Napangiti na lang ako kay Nanay. Kung titingnan mo talaga, parang ang sungit-sungit niya, pero ngayong nakilala 'ko na si Nanay at nakasama 'ko siya?
Doon lang nagbago ang pananaw 'ko sa kaniya, sobrang sweet niya, kanina pa kami magkasama at nakailang beses na din siyang nakatawag kay Jared. Hindi daw kasi siya mapakali kapag di niya alam kung ano ang ginagagawa ng lalaking iyon. Maalaga din siya at sobrang saya kasama ni Nanay, para siyang dalaga na nakakatuwa kasama.
Nasanay daw kasi siyang mag-salita ng ganoon dahil sa assistant niyang si Maria. Bakla kasi si Maria, pero hindi siya yung baklang lantad. Maarte lang siyang magsalita at madami siyang pangbaklang words na alam kaya siguro naging ganon si Nanay. Pero masaya silang kasama dalawa, hindi talaga ako nakaramdam ng pagiging op.
"My god, Madame! Pang sampung beses na ata nating kain 'to sa Jollibee simula nung araw na umuwi tayo! My god, nasstress na ako sa bubuyog na 'to!" Pagrereklamo ni Maria habang nakasandal siya kay Jollibee, napatawa naman ako.
BINABASA MO ANG
Courting the Fortune-teller
FanfictionMeet Kira Fate Suarez. Ang fortune-teller ng Azlar High. Break up, Ligaw, Saya, Disgrasya --Halos lahat ng yan ay kaya niyang hulaan. At halos lahat din ay nagkakatotoo. Akala ni Kira lahat ng bagay ay kaya na niyang mahulaan. At parang naging mistu...