Ako si Julie Ann. Di gaanong maganda. Matangkad. Para sa akin, every day is a bad hair day. -_-
March 17 2012. Birthday ko. Kakahiwalay ko lang noon ng first boyfriend ko, si Clarence. Ang sakit </3 Lalo na sa kaarawan ko, eighth monthsary na sana namin. Kaso nga lang, hiniwalayan niya ako upang magkabalikan sila ng ex niya. Ampota -_-
Masaya naman birthday ko. Nandoon ang classmates and close friends ko sa bahay. Naghanda ako ng pagkain at nag movie marathon kami. Isang simpleng birthday lang naman :) Nagpasya kaming mamasyal sa poolside. Ayos. Nagplano pa kaming mag chip-in for beer. HAHAHA. Pero nakokonsensiya ako dahil di ako pinapayagan ng parents ko na uminom, kahit special occasions. At for sure, kahit birthday ko, di pa rin sila sasang-ayon. Fifteen pa naman ako. Pfft. -___-
Habang pinaplano nila ang chip-in, may nag text sa akin galing sa isang anonymous sender.
--
"Hi po :)"
Reply naman ako agad...
"Sino to?"
"Hulaan mo."
"Sino nga to ehh?"
"Wag kang mag-alala. Makikita mo ako mamaya sa basketball court. Naka-yellow ako at nagsusuot ako ng DC round cap :)"
**
Sineswerte nga naman, napakalapit lang ng poolside sa basketball court. :D
Tumango ako sa basketball court. Alas sais na iyon ng gabi. Siguradong papagalitan ako ni Mommy. Pero sana she would make an exception, diba? Anyway, it's my birthday, right? ^^At doon ko siya nakita. Si Oliver pala ang estrangherong nag text sa akin. :) Siya lang naman ang naka'yellow at nakasuot ng round cap. Kilala ko na siya dahil nagkalaban kami sa Tetris once. At nagchachat pa nga kami tuwing madaling-araw. Cute siya. Iyon nga lang, mas matangkad pa ako sa kanya. Pero okay lang yon diba? HAHA. May dimples siya. Naku, napaka-rare makakita ng lalakeng may dimples :)
Di ko siya nilapitan. Siyempre, di pa kami nagkakausap sa personal. Sa Facebook lang naman kasi nagkakausap. At doon sa basketball court, kasama pa niya ang barkada niya. Embarrassment to the highest level. Gusto ko sana siyang lapitan, kaso nga lang, nahihiya ako. :( Kaya bumalik nalang ako sa poolside, kasama ang classmates ko. :(
--
11:59pm. March 17, 2012. 15th birthday ko. One more minute to go, tapos na ang kaarawan ko:
"Happy birthday, Julie Ann."
--Oliver.**ito yung last text na natanggap ko for the day. Natulog na ako. (-_-)
--
April 1, 2012.
Yeyyyyy! It's another month. :) SUMMER's here! :D Pero guess what!?
DI PA AKO NAKAPAG'MOVE-ON KAY CLARENCE. :(
Ang tagal diba? :'(My barkada was always there to cheer me up, lalo na si Jude :) Best friend ko yata yon. :D Minsan nga, napagkakamalang magsyota kami, kaya umiiwas siya sa akin. Ang sakit kaya n'un :( Kahit di kami mag syota, ewan ko kung bakit ang sakit sa dibdib noong sinabi niyang putulin muna namin ang ang friendship namin, dahil nagagalit at nagseselos ang girlfriend niya. Kaya double heartbreak ako pag summer :( Hiniwalayan ako ng first boyfriend ko at pinutol naman ang friendship namin ng best friend ko :'(
Pero hala. Guess kung sino ang nagparamdam? Si OLIVER :D
Ilang weeks na niya kaya akong hindi itnext. -_- Akala ko nga sira phone niya.Oliver: Pst.
Ako: Oy! Ikaw pala.
Oliver: Hi ate.
Ako: Ate ka diyan. HAHAHAHA. Hi kuya.