Sa Ilalim

7 1 0
                                    

Sa bahay ginunita—araw ng mga patay,

gabi ay malalim na pero ito't may malay.

At habang nahihiga isip ay naglalakbay,

napukaw na lang bigla at takot ay nabuhay.


Sa kinahihimlayan ay hindi mapakali,

paggalaw ng higaan—ay s'yang ikinatili.

Paligid ay tiningnan ngunit walang katabi,

hindi ko na malaman pero lamig ay sumidhi.


Itinago sa kumot ang buo kong katawan,

puso'y puno ng takot kaya yakap ang unan.

Tumindig balahibo't ng aking masilayan,

may maputi ang baro't ang buhok hanggang baywang.


Tela'y aking inalis at madaling hinanap,

naglaho nang mabilis—wala kahit 'sang sulyap.

Isip ay di maalis, ni hindi rin matanggap,

nanginig akong labis at hindi kayang magpanggap.

Poem Collection ni Ate DevsWhere stories live. Discover now