Chapter 6

297 35 26
                                    

Ubo lang ako nang ubo na parang tunay akong nakalunok ng tubig. Saka ako umiyak.

Napasuntok ako sa kama habang humahagulgol, naiinis kung bakit di man lang ako pinagbigyan na makita ni Irene ang mga magagandang bituin sa langit.

Sinubukan ko ulit na yayain siya para makita ang dagat. Sabi ko sa sarili ko, hindi na kami lalangoy sa may malalim na parte. Pero no'ng araw na 'yon, para akong lalong ginago ng tadhana. Umulan nang malakas kahit hindi ko narinig sa mga balita na babagyo. Wala pa kami sa dagat nang nangyari ang katapusan.

Sinubukan ko ulit. At ulit. At ulit. Pare-parehas ang dulo ng araw ko—ang huling maririnig ko ay ang boses ni Irene mula sa malayo, kahit gaano pa kababaw ang tatapakan namin.

Gigising akong nakatingin sa kisame.

"Fuck this shit!" pagmumura ko sabay suntok sa pader. Mawawala rin naman ang marka sa susunod na realidad. Wala na akong paki.

Tiningnan ko ang orasan. Halos kalalagpas pa lang ng alas dose ng umaga.

Uy, okay na yung banner para mamaya. Tinapos namin para bukas setup na lang. Anong oras mo siya iuuwi sa kanila?

Nagbuntonghininga ako. Kung hindi sa dagat, sa ibang lugar na lang.

Nanikip ang dibdib ko dahil alam kong napanghinaan na ako ng loob . . . hanggang sa natanggap ko na lang na hindi ko maipapakita sa kanya ang paglubog ng araw at ang dami ng bituin sa may dagat.

Pero katatapos ko lang mag-reply kay Kian, nagulat ako nang biglang nag-message sa 'kin si Irene.


Irene: Hello, y u awake my bb uwu? 😲

Humphrey: Ikaw ang bakit awake tsk

Humphrey: Sabi mo matutulog kang maaga para bawas eyebags

Irene: Ehehehe di me makatulog 🥺 hele mo me

Humphrey: Anong klase hele

Irene: Hala bastos na naman

Humphrey: Wala nga akong sinasabi hahaha ikaw talaga

Humphrey: I miss you.

Humphrey: I miss you always.

Irene: Don't make me cryyyyyyyyy. Kagagaling ko lang sa iyak e

Humphrey: Bakit?

Irene: Nagrereminisce lang ako ng tayo hehehehe. Cute kasi natin. Purrfect couple

Irene: Sana magtagal pa tayo no?

Irene: I mean alam ko namang magtatagal tayo hehehehe alam ko na ngang ikaw na gusto ko makasama habambuhay e

Irene: Pero sana humaba pa buhay natin ganon.


Kumirot ulit ang dibdib ko. Walang warning, bigla na naman ako napaiyak. Bakit mo kailangang sabihin 'yon? sabi ko sa utak ko. Gustong-gusto ko na sabihin kung ano ang nangyayari, pero kapag ginawa ko 'yon, mawawala rin siya sa 'kin.


Irene: Wala naman akong hihilingin kundi yon lang e

Irene: Yung makasama ka


Pinunasan ko ang mga luha ko at nagtayp.


Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon