Chapter 37
Bakit ang daya ng buhay no? Napaka unfair. Bakit may mga taong hindi tayo kayang tanggapin kahit wala naman tayong ginagawang masama? Kahit na wala naman tayong natatapakan na tao. Bakit kailangang ang mayaman ay para sa mayaman at mahirap ay para lamang sa mahirap? Ginusto ko ba nating mamuhay ng ganito? Hindi naman diba?
To my Dearest Yves,
While you are reading this I'm probably away.
Gustong gusto kung magalit kay Heaven kasi bigla bigla nalang siyang umalis. Tangina, ang sakit.
First of all... I want to say thank you. Thank you for bringing joy to my life, for the light that you gave me when I was at the dark. Thank you for being my knight in shining armor, and my crying shoulder. Thank you for making me feel alive.
Tangina, ang sakit. Halos hindi ko na mabasa ang binigay niyang sulat dahil sa mga luha ko.
I'm sorry because I am the reason why your parents lost their job. I'm sorry that I ruined your life... and maybe your dream too. Most of all, I am sorry I didn't fight for us when you did.
Hindi mo kasalanan iyon, Heaven. Bago ako pumasok sa relasyon na to naisip ko ng posibleng mangyari iyan pero nagpatuloy parin ako... kaya kasalanan ko iyon.
Yes, I admit it. I am afraid. I am afraid because I know my dad and he would probably kill you if I haven't broken up with you.
I'm really really sorry.
Lalaban naman ako, prinsesa ko... kahit mamatay ako. Wala akong pake. Atleast namatay akong minamahal ko pero hindi ka pumayag.
I'm gonna miss you. Your smile, your lame jokes, the nicknames you often call me and especially...the way you love me.
Mamimiss mo pala ako bakit umalis ka pa?
I'm really happy that destiny brings me to see you. But you know, life is unfair.
Masaya din ako. Sobrang saya ko na nakilala kita at kahit na ganito ang nangyari hindi ako nagsisising nakilala kita. Kung binigyan ulit ako ng pagkakataong ulitin ang mga nangyari, wala akong babagohin.
It hurts, Yves. It hurts like hell.
Pasensya ka na mahal ko at dahil sa akin nasasaktan ka.
I don't wanna leave you but I know that if I stay... I'm just going to ruin you and my dad will continue ruining your life too. And I don't want that to happen.
Kahit sirain ng tatay mo ang buhay ko makakaya ko... basta andiyan ka.
I hope that our future selves will be happy. If right now isn't for us... I'll pray that we meet again.
Hindi mo kailangang idasal yan, Heaven. Hahanapin kita, pangako.
Just so you know, I will always... always love you. Every second, every minute, every hour of my everyday.
Pursue your dreams... My future engineer.
-Heaven Valencia.
Mahirap ang naging buhay namin ng mga sumunod na buwan. Kinailangan kong magtrabaho para mapag aral ang sarili ko at para may makain kami nila mama.
Minsan gusto ko nalang sumuko pero kapag naiisip ko sila mama, papa at Heaven, nagkakaroon ako ng lakas.
"Congratulations, pre! Tangina naiiyak ako." pagbati sa akin ni Ken.
"Nagtataka nga ako kung paano ka pumasa, pre. Binayadan mo mga prof no?" asar ko sakanya.
Sobrang saya ko at graduate na ako. Sulit lahat iyong mga pagpupuyat at yung pagtratrabaho ko. Lumapit ako kila mama at papa para yakapin sila.