Devil 2: Close Encounter

58 2 0
                                    


DEVIL ON HIS KNEES | by Robin @Robin_Blue

2

Close encounter

Kinilabutan ako sa nakita ko sa account ko sa Facebook.Pati ba naman sa social media hindi nila ako pinaligtas.Isa sa mga adik ang nag-post ng nude photo sa wall ko.

Wala pang isang oras nang i-delete ko yon tumawag si Mama.

"Kilala mo ba sila? Ipapa-NBI ko ang mga yan." Galit na sabi niya.

"No Ma.Hayaan na muna natin sila.Kapag umulit...."

"Sure ka?"

"Yes Ma."

"Okay sige.Kumain ka na ba?"

"Hindi pa po.Mamamalengke pa lang po si Manang."

"Sinong maiiwan kasama mo dyan? Mamaya pa kami makakauwi ng Papa mo."

Actually nakapag-decide na ako kanina.Since walang pasok dahil holiday, "sasama po kay Manang."

"Honey sure ka? Baka mangati ka don."

"Hindi yan Ma....Na-miss ko na rin sumama kay Manang Lil."

Nagtagal sa ere si Mama bago pumayag.

Pagdating ng eleven AM bumaba na ako,naka-jacket ako para hindi matalsikan sa isdaan.

"Gusto mo ba nitong Talakitok Mari?" Tanong ni Manang.

Tumitig ako sa itinuturo niya. "Iyan po ba yung iniluto niyong masarap last week?"

"Ah yun ang gusto mo? Eh di hindi yan,Blue Marlin yon."

"Ah sige po.Yun po ang gusto ko."

Manang and I spend the next thirty minutes 'fishing'.Nang natapos dumaan kami sa isang grocery para sa mga condiments.Maraming tao sa loob at ang init kaya nagpaiwan ako sa labas nang may namataan ako.

My teeth gritted and walked heavily towards him.Siya ang may pakana ng post na yon sa wall ko eh.

Devin was wearing a khaki shorts and a red loose shirt.Alam kong siya yon dahil siya lang naman ang may buntot sa lahat ng mga nakikita ko.

Pumasok siya sa loob ng isang canteen.Pagpasok ko nagulat ako sa naabutan ko.

Nagkakagulo ang mga tao at may pinalilibutan sa gitna.

"Hindi ka ba talaga uuwi?!"

Kumabog ang dibdib ko sa narinig kong boses.Its Devin's.

Mabilis akong nakisingit hanggang sa makita ko ang nangyayari.Si Devin nga at si--Mr. Gomez....

"Wag kang mang-eskandalo r-"

"WOW.Eskandalo.Hindi pa ba eskandalo yang pambababae niyo? Ha?!"

What the....

"Umuwi ka na."

"Wag niyo akong sabihan niyan dahil kahit lasing ako alam kong umuwi.Eh kayo?!"

"Umuwi ka na Devin."

Sa pagkakasabi ni Mr. Gomez kahit sino madadala,hindi ko lang alam kay Devin dahil nakatalikod siya mula sa akin.

My eyes widened when he suddenly spun around and of all things that can possibly happen,bakit ang mapatingin pa sa akin ang nangyari?

He just saw me,standing there seeing me watching him.

At base sa nakita kong pagdilim ng mukha niya alam kong nasa masamang palad na naman ako.

You'll also like

          

Umuusok ang mukha kong agad na umalis.

I cupped my face pagkauwi namin ni Manang.Hindi niya alam ang nanyari at hindi ko rin nabanggit dahil hindi ko pa alam kung magsasabi ba ako.

Totoo bang nambababae si Mr. Gomez?

Si Mr. Gomez na palaging dumadalo sa church service?

Parang ayokong maniwala.Baka bintang lang yon ng adik na anak niya.Kasi nga diba?Praning.Kaya kung anu-ano ang naiisip?

Tsaka wala naman akong napansin na kasamang babae si Mr. Gomez kanina,kaya malamang baka gawa-gawa lang yon ng adik na yon.Imposible kasi.

Kinagabihan nagpipigil akong banggitin sa mga magulang ko ang nakita ko.You know,this is news and I want to know their opinion.Baka sakaling mas malinawan ako.Pero ano nga ba kasi ang pakealam ko sa isyu? Hindi ko naman magulang ang involve at...it's not nice to beat around somebody's problem.

But as I believed this,somebody is not.

Kaya nang magtama ang paningin namin ni Devin ng Wednesday dahil nga absent na naman siya kahapon,sinikap ko siyang iwasan kahit gusto ko siyang komprontahin sa post niya sa Facebook wall ko.

"Grabe pagka-chismosa mo no? Abot gang palengke?Kating-kati ka talagang siraan ako."

Tumindig ang mga balahibo ko sa batok.Nasa likod ko siya pagpasok ko sa classroom.Obviously sinundan niya ako.

Bumuntong-hininga ako ng malaki bago humarap sa kanya.He was too close so I stepped back a little.Sa tangkad niya talaga our gaze met halfway.Hindi siya tumungo para makita ako,he was looking literally down on me.

"I know you won't believe m-"

"Tigilan mo 'ko sa pa-english-english mo hindi mo ikinaganda.Aminin mo na lang kasi na chismosa ka." His jaw was clenching.

Napairap ako.Agad? Ako agad ang may kasalanan nang kumalat?

Alam kong hindi rin naman niya ako paniniwalaan but at least I will have to try. "Nagkataon lang na sinamahan ko ang katulong namin sa palengke-"

"Whoa...utot mo.Tingin mo maniniwala ako dyan? Naka-jacket ka pa? Para ano para hindi ko mahalata? Chismosa." Binangga niya ang balikat ko paglagpas sa akin.

Ugh.So arrogant.

Di wag siyang maniwala? Ikamamatay ko ba? Ikatatahimik ba niya?

Naman!Ugh!

Pero talagang galit talaga siya sa nangyari at ako talaga ang sinisisi niya.

I was fastly scribbling on my notebook when he walked beside me on the aisle,natamaan ng tagiliran niya ang braso kong nagsusulat.Maliban sa nagkamali ang pagkakasulat ko,nahulog pa ang librong pinagkokopyahan ko,and to worsen it,he stepped on it.Dahilan para isipin kong sinadya nga niya ang nangyari.

My chest on rise-and-fall.Pumikit at kumalma ako pero kahit ang pang-aalo nina Glads ay hindi umepekto.Tumayo ako at sinundan ko si Devin.

"Devin!" Naabutan ko siya sa corridor at balak pa yatang magkunwari na wala siyang ginawang masama kaya hinatak ko siya sa braso niya.

Syempre nagulat siya,akala niya siguro hindi ko to kayang gawin sa kanya.Akala niya siguro I'm badly scared of him but no.

Nagtagisan ang aming mga tingin.Padaskol niyang hinablot ang braso niya muntik pang sumama ng kamay ko at nasaktan.

"Hindi ka ba titigil sa pagiging bastos mo?" Pagkabitaw ko ng mga salita ko,students around us started gathering.

Unti-unting lumisik ang kanyang mga mata. "Ikaw kailan ka titigil sa pagiging chismosa mo?"

Iyon pa rin ba? Marahas akong huminga. "Nagkataon na nandon ako at hindi chismis yung nakita ko." Matigas kong sabi. "Dahil lang don mambabastos ka na?"

"Bastos ako kasi chismosa ka.Naninira ka ng kapwa." Walang-gatol na sagot niya.

What? "Wala akong sinisira at FYI wala pa akong napagsasabihan sa nakita ko.Kung nalaman man ng mga kaklase natin hindi sa akin galing yon."

Tumawa siya. "Mahiya ka naman pwede?Chismosa ka na sinungaling ka pa!"

Nag-init ang buong mukha ko sa sinabi niya at sa lakas narinig yon ng lahat. "Ba't ako ang mahihiya? Sino bang walang-hiya ang nag-eskandalo sa palengke,diba ikaw?"

Akala ko sasaktan niya ako nang gumalaw ang kamay niya.Mabuti na lang may teacher na nakapansin sa amin.

"Ano yan ha? Itigil nyo yan! Bumalik kayo sa mga klase nyo!"

Akmang tatalima ako nang biglang hablutin ni Devin ang braso ko.Nabigla ako at hindi agad nakapanlaban nang simulan niya akong kaladkarin.

"Devin!" Pero sa istilo ng paghatak niya,natakot akong matapilok sa hagdan kaya nagpatangay na muna ako.Dahil masakit naman ang pagkakahawak niya,sinikap ko siyang pantayan sa pagmamadali niyang maglakad. "Sa'n mo ba 'ko dadalhin! Ire-report na talaga kita sa guidance!" Banta ko pero bingi-bingihan siyang nagpatuloy hanggang sa nakarating kami sa utility room,sa dulo ng corridor sa ground floor.

Doon ay paitsa niya akong ipinasok.Akala ko ilo-lock niya ako pero pumasok din siya at isinara ang pinto.

The narrow and smelly space quickly suffocated me.Napakadilim nung una pero nang makapag-adjust ang paningin ko nakita ko na naman ang mas madilim na pagmumukha niya.

"Ilabas mo 'ko dito!" My high-pitch voice irked him.

Bigla niya akong itinulak sa balikat ko,sobrang lakas nawala ako sa kinatatayuan ko.Tili na lang at daing ang nagawa ko nang bumagsak ako mula sa mga kahon na naroon padausdos sa sahig.

"Putangina mo ah.Non pa ako nagtitimpi sayo.Akala mo siguro hindi kita kayang saktan?!"

"Ah!" Sinipa niya ang binti ko.Sa sakit niyakap ko ang sarili ko at mabilis na umusog palayo.Nagsimula akong atakihin ng panic.Agad pumasok sa isip ko ang mga napapanood ko sa balita. "HEEELP!"

"Sisigaw ka pa."

"Bitiwan mo 'ko!" Itinayo niya ako mula sa mga balikat ko para lang muli akong itulak.I fell hard on the same place.Tinabunan ako ng mga kahon and something heavy hit my face.Doon ako nagsimulang umiyak nang sa wakas ay nakaramdam ako ng matinding sakit.Parang naalog ang utak ko sa impact.

"Yan ganyan...umiyak ka....Sige pa iyak pa.Subukan mong magsumbong at hindi lang yan ang mapapala mo sa 'kin.Dahil kapag nainis na talaga ako sayo,gugupitin ko yang dila mo."

"Ah!" Sinubukan kong sumipa nang akma niya akong hahawakan.Tinamaan ko ang binti niya na kaagad din niyang ibinalik.Sinipa niya ako ulit.Nalunok ko ang daing ko nang marinig ko siyang tumawa.

I won't give him the safisfaction.It's what kills the violence.

Kaya nang muli niya akong sinipa ng sinipa,kagat-kagat ko ang labi ko para hindi makasigaw.Hanggang sa tumigil siya.Nanahimik at maya-maya lang narinig ko na ang pagbukas ng pinto at pagkawala niya.

Hindi ko muna sinubukang kumilos pagkatapos.Nanatili ako sa posisyon ko at umiyak.Nanginginig pa ako sa takot at galit kaya baka hindi ko kayanin paglabas ko.

Nang tiyak kong kalmado na ako saka ako marahang tumayo.Muntik pa akong matumba ulit dahil sa pangangalay ng mga binti ko.Alam kong madumi na ang uniform ko,maliban sa naligo na rin ako sa pawis,inayos ko pa rin ang sarili ko na parang walang nangyari.

Lumabas ako at nasilaw sa liwanag,mabuti na lang walang tao sa corridor.

The silence of the aftermath was inviting.

Tumingin ako sa kabilang dulo ng corridor,dahil kakaliwa ka lang don at sa ikalimang pinto nandon ang guidance office.

Umanghang ang pakiramdam ko.Muling nangilid ang mga luha ko at nagparamdam ang takot pero hindi.

I trimmed my lips tightly. Hinding-hindi ko makakalimutan ang banta niya pero walang mangyayari kung magpapatalo ako.He is nobody I should be afraid of.

***

DEVIL ON HIS KNEES (COMPLETED)Where stories live. Discover now