Arghhh bakit dyan siya umupo sa upuan namin?!
Nilapitan ko ito at hinampas ang lamesa sa harapan nito.
Nagulat ito at tiningnan ako ng masama. Napagtanto niya kung sino ang ang nasa harapan niya at tinaasan ako ng kilay.
"Anong ginagawa mo dyan sa upuan NAMIN?" tanong ko sa kanya at diniinan ang salitang 'namin' sa huli.
"Ninyo? May pangalan ba?" sabay kuha ng silya sa tabi niya.
Umiinit na ulo ko dito sa kanya ha.
"Aba't nakita mo naman dyan kami umupo yung last diba? Bakit ka bah umaagaw?"
"Pake mo ba kung saan ko gusto umupo?"
Arghh iniinis ako ng lalakeng to!
Umalis na lang ako at dun nalang umupo sa dati nilang inupoan.
Sinaksak ko nalang ang airpods ko at nagputugtug ng music.
Josh's POV
WAHAHA
Tinatago ko ang ngiting sumalay sa aking mga labi.
Ano akala niya? Sa wakas na ka bawi narin.
Biglang dumating si drew at kinalabit ako sa likod.
"Huy anong nginingiti mo dyan?" sabay tingin na nakakaloko
"Wala lang naman, nakabawi lang naman ako kay manang." Hindi pa rin natatagal ang ngiti sa aking mga labi.
"Hmm kala ko kung ano yang ninginingiti ko dyan, siya nga pala may date kayo ni Kim mamaya ha" pagpapaalala ni Drew
"Ewan ko sayo, bakit ba pinatulan mo yung linta na yun. Ang baba ng taste mo dude." dagdag niya
Aba't wala siyang pake dun no! Kung papatul ako o hindi
"Hindi ko naman sinuseryoso yun, Flings lang ang lahat na meron ako. Ok?"
"Ok" sabi niya na parang natalo
Hindi ko na siya pinansin at tinuon ko nalang ang atensyon ko sa cellphone ko. Pero hindi pa rin kumukupas ang ngiti ko.
Kanina pa to ah! Bakit bah, ininis na ako ni drew ah. Ngiti ng ngiti pa rin ako?!
Faith's POV
May kumalabit sa akin, at tumalikod ko para makita ko.
Malamang
"Uy bakit ka nandito? Diba dun yung upuan natin" sabay turo kung saan nakaupo si Drew at si Josh
"Di mo makita? Kinuha na nila. Uminit nga ulo ko dahil sa kanya eh!" sabay talikod kay claire.
"Chill sis, Wag mo naman ako idamay init ng ulo mo. Sila may kasalanan wala ako. Ok?"
Napairap nalang ako. At ng may naalala ako.
"Oh nga pala asan na yung half Chinese na yun?" tanong ko kay claire.
Magsasalita pa sana si claire ng pumasok ang aming profesor.
Nag bell na pala kanina pa?
Inayos ko nalang upo ko at makinig sa prof namin.
Napatingin ako sa inuupuan ng ugok. Naiinigan nito ang mukha niya at para bang nagniningning ang mga mata nito sa sinag ng araw. Mapapansin mo rin ang gwapong mukha nito.
Wait what?
Ano ba tong sinasabi ko. Umiiling iling nalang ako.
"Ms. Madrigal, are you ok? At bakit parang naiiling ka? May problema ba?"pansin ng prof.
Hala napansin pala ako? Wala naman siguro niya nakita kung asan ako nakatingin kanina ano.
"Wala naman po" sagot ko sabay ngisi.
Kinalabit ako ni claire pagkatapos ko umupo.
"Ano ba yang na sa isip mo at napailing ka?" tanong sa akin ni claire.
"Ahh wala no"
"Wehh napansin kita kanina eh, nakatingin ka duon banda oh" sabay turo sa kabilang column.
"Ha?! Namalikmata kalang siguro"sabay iwas at nakinig kay sir.
"Hmm"
Ewan ko bah...
Bigla nalang bumukas ang pintuan sa likuran at iniluwal nun si Ace.
Ngayon ko lang napansin na wala pa pala siya kanina. Ayun pala bakante ang upuan sa side ni Ugok.
"Oh Mr. Lopez, kindly go to your sit" magalang na sabi ni Prof.
Hala ba't-
"Good morning po, I'm sorry I'm Late" sabi ni Stephanie.
Hala sabay silang dalawa?
"Ms. Uy why are you late" sabay naagikhik ng mga ugok.
Aba't kapag sila malate or magcutting walang problema. Bakit may inequality dito ha?!
"Ahh traffic?" May halong awkward na boses sa pagsagot ni steph.
Pansin ko rin na ang lalim ng mga mata nito at parang pagod. Ah alam ko na ang tamang salita, Sabog na siya.
Tiningnan nalang siya ng nagtatakang mata ni prof.
"Umupo ka nalang sa upuan mo miss"
At umupo na man si steph sa tabi ni claire."Oh bakit tayo dito nakaupo"tanong ni steph."Akala ko dun tayo" dagdag niya.
Ngumuso nalang siya sa mga lalake na nakaupo sa upuan namin at tiningnan ako.
"Mainit ang ulo niyan" bulong ni claire kay steph at naintindihan na agad ni steph.
Tumahimik nalang si steph, oo nga pala bakit ngayon lang siya nagpakita. Tadtadtarin ko talaga siya ng tanong.
Nakinig na lang talaga ako kay prof at binuhos ang buong atensiyon sa kaniyang lesson.
Nagring na ang bell at yun ang sinyales na tapos na klase. Nagpaalam na kami kay prof at ang iba tumayo na at lumabas.
Inayos ko muna yung mga gamit ko. Nagkwekwento yung dalawa sa katabi ko.
"Huy ba't sabay kayong pumasok ni Ace? Hmm, Kayo naba?" Sabay galak na sabi ni Claire
Oo nga pansin talaga siya kanina. Ano talaga tung iniisip ni Claire, sila na agad second day palang nga.
"Ano ba yang iniisip mo Claire sila na agad? Second day palang nga oh" pagpapaliwanag ko kay claire.
"Eh bakit sila sumabay kanina?" tanong ni claire
"eh ba't ako ang tinatanong mo, ako ba ang kasabay ni ace kanina ha?"
"Sabi ko nga si step nga yun"
Pshh bahala sila dyan.
"Alam mo faith kung di lang kita kilala mapagkamalan talaga kita na hindi nerd"
Banggit ni Step"Ano ba yang pinagsasabi mo" sabay lingon ko sa buong classroom
"Sorry"paghingi ni steph ng tawad.
Tumango nalang ako at may naalala.Recess na pala ngayon at kanina pa kami dito. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang may 20 mins pa kami upang kumain.
"Huy mag-uusap pa tayo mamaya ha pero ngayon kumain muna tayo kasi anong oras na oh at malapit na mag time." sabay turo sa relo ko.
"No....kain na tayo" sabay hila sa min ni claire papuntang canteen.
Sana nalang talaga wala nakarinig kanina.
______________________________________Sorry po mga chuys at ngayon lang ako nakapagupdate kasi na busy ako sa school eh.
I hope you understand!!
______________________________________
RavishingYou®
BINABASA MO ANG
His Nerdy Girl (On-Going)
Teen FictionJosh Kurt Sanderford ay isa sa mga pinakamalakas at makapangyarihan sa paaralan nila. Walang nakakababag sa isipan nito kahit ano, kahit sa anong larangan. Ngunit dahil sa pagdating ni Alyssa Faith Madrigal na isang nerd ay nagbago ang lahat. Langua...