Chapter 3

91 12 0
                                    



Dallas Arthemis Columbus POV


"So disappointing..." Matabang na wika ni Mishi. "Nagkita nga kayo pero nakamaskara naman pala ang depunggol." Dugtong pa nito.


"Bakit kasi hindi mo nalang i-described ang itsura ng malaman ko na?" Suhestiyon ko dito habang nilalantakan yung agahan na in-order nito.


"Edi wala nang surprise? Basta, gwapo siya! Baka nga mas gwapo pa siya kaysa sa tukmol na Dirk na napangasawa mo." Sagot nito.


Natigilan ako sa ginagawa kong pagkain ng mabanggit nanaman nito ang pangalan ng asawa kong hindi ko matandaan.


"May ideya kaba kung bakit ko siya binura ng ganun nalang sa sistema ko?" Tanong ko dito.


"Aba malay ba namin sayo? Basta bigla kana lang umuwi saamin nung araw na yun tapos kinabukasan ng tanungin sayo ni Dreyd kung ano na ang score niyo ni Dirk ay hindi mo na siya matandaan?" Sagot nito sabay subo sa mga pagkain nito.


"Alam mo ba ang itsura niya?" Tanong ko muli.


"Hindi?" Sagot nito. "Wala namang ipinakita saamin si Dreyd na kahit na anong larawan niya kaya clueless kami sa itsura niya. Besides, I don't think that Mummy like him so much. Para kasi sakanya, walang pinag-iba si Dirk sa ama mong demonyo. Kaya siguro ganun nalang kami kawalang interest na makilala pa siya lalo't tila hindi naman maganda ang ginawa niya sayo." Dugtong nito.


She's right...


"Anyway, I have to go now. This is the last business meeting that I'll have in this world so babawi nalang ako sayo later bago tayo bumalik ng Eos. Kung susuwertihin ay baka makakuha tayo ng free time ni Derit para makilala mo na siya personally without his fucking mask on." Pangako nito sabay nagmamadaling umalis na para bang hinahabol ito ng tambol.


Ang hirap siguro maging businesswoman?


Anas ko sa isip.


Yung maging prinsesa at lady nga lang eh mahirap na what if pa kaya kung businesswoman ka diba?


Anyways, ano kayang mas mahirap sa dalawa?


Parang tanga na tanong ko pa sa isip bago nagmamadaling maligo't magbihis para makapagsimula ng mamasyal muli ng palihim kay Mishi.


Kahit obviously, alam ko namang alam nito ang ginagawa kong pagpuslit sa pamamasyal.


Gusto ko lang mamasyal mag-isa para magkaroon ng quality time para sa sarili ko. Hindi naman ako mawawala dahil matandain naman akong nilalang noh!


"Ate, isa ngang authentic bubble milk tea." Order ko sa crew ng miltea shop na ito na talaga namang unique dahil sa malawak na authentic forest ka maaring mag relaxed kung saan matatagpuan ang mga lamesa't upuan ng nasabing shop.

The Devils King 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon