Chapter 10: Thank You

90 10 0
                                    

Nadine's POV

"But--" Angal ng isang babae do'n kay Angry Bird, pero hindi natapos ang sasabihin niya nang binigyan siya ng matatalim na tingin ni Angry Bird.

"Tama na," pagpipigil ko sa balak gawin nitong Angry Bird. Unti-unti akong tumayo mula sa sahig.

Pagkatayo ko ay siya namang sugod ng isang babaeng nanampal sa 'kin.

Kakatayo ko lang, eh.

"Kasalanan mo ito, eh!" Gigil niyang sabi at sinabunutan ako. Napadaing na lang ako sa sakit dahil parang matatanggal na lahat ng buhok ko kasama ng anit ko.

"Tama na, uy!" Narinig kong pagpipigil ng isa sa mga babae.

Sinusubukan kong lumayo sa kaniya, pero siya naman itong lapit ng lapit sa 'kin at sinasabunutan pa ako.

"ENOUGH!" Sigaw no'ng mukhang Angry Bird. Buti na lang at bumitaw na 'yung nanabunot sa 'kin at napaupo na lang ulit ako sa damuhan.

Ang sakit na ng ulo ko!

"Go," sabi niya nang mahinahon. Pero hindi naman sumunod ang mga babae, sa halip ay tinignan lang nila si Angry Bird. "DIDN'T YOU HEAR ME?! I SAID GO!"

Sinimulan ng mga babaeng sumampal sa 'kin ang pagsampal sa sarili nila. Kahit deserve nila 'yon, aaminin kong naaawa pa rin ako sa kanila.

"Wala akong naririnig na tunog," malamig na sabi netong mukhang Angry Bird. "Dapat kasing lakas ng ginawa niyo sa kaniya," dugtong niya sa sinasabi niya habang tinuturo ako. "Lakas pa!"

Sinunod naman nila 'yung sinabi ni Angry Bird. Nakikita kong sinasampal nang malakas at sinasabunutan nila 'yung mga sarili nila kagaya ng ginawa nila sa 'kin.

Ganoon ba sila katakot dito sa lalaking 'to?

Sinubukan kong patigilin sila, pero pinigilan ako netong mukhang Angry Bird. "Don't you dare," sabi niya sa 'kin habang tinitignan ako nang may makahulugan na tingin. At aaminin ko, maski ako ay naramdaman ko ang superiority sa boses niya.

'Di nagtagal ay natapos rin 'yung mga babae sa ginagawa nila. Tumingin ako dito sa mukhang Angry Bird at nakikita kong pinipigilan niyang matawa sa hitsura ng mga babae. Nagmukha kasing parang bruha 'yung mga babae dahil ang gugulo ng buhok nila at ang kakalat ng mga makeup nila.

Mas dapat atang maawa ako sa hitsura nila, eh.

"Umalis na kayo," pagpapaalis naman ni Angry Bird.

"RUN!" Sigaw ng isa sa kanila at nagkandaugaga sila sa pagtakbo. Nakita ko pa na may isang nadapa dahil sa pagmamadali.

Lumapit sa 'kin tong si Angry Bird at inabot ang kamay niya, sign na tutulungan niya akong tumayo. Akmang aabutin ko na 'yung kamay niya nang bigla niyang binawi 'yon.

"Asa ka!" Nakakaasar na sabi niya at ningisihan ako.

Ano pa nga bang aasahan ko? Si Angry Bird 'yan, eh.

'Di ko na lang siya pinansin at dali-dali akong tumayo. Masakit ang bandang pwetan ko dahil sa pagkakaupo ko kanina sa damuhan.

'Di pa nga ako nakaka-recover sa una kong pagkasalampak sa sahig, meron na naman.

Nagsimula na akong maglakad papalayo para ayusin ang sarili ko.

"Oy! Walang thank you?" Pahabol niyang tanong sa 'kin. At huminto ako saglit ng hindi humaharap sa kaniya.

Dapat ba akong mag-thank you sa kaniya dahil sinaktan niya 'yung isa sa mga babae kanina?

Siguro ay bumabawi lang 'to dahil do'n sa ginawa niya sa 'kin no'ng una naming pagkikita. Pero kahit napapatawad ko na siya unti-unti, gusto ko pa rin marinig na mag-sorry siya. Dahil feeling ko ay siya 'yung tipong hindi marunong mag-apologize sa iba.

The Waves In The OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon