Tangina.
Napatitig na lang ako sa papel na hawak ko. Wala akong maisagot niisa. Inuna ko yung major ko dahil may test kami dun mamaya. Buong gabi akong nag-aral para sa mga lecheng laws na yan at nakalimutan ko itong Math. Tangina naman kasi bakit may Math parin sa college, tinuro naman to paulit ulit noong junior at senior high school.
Napatingin na lang ako sa mga kaklase ko na busy sa pagsasagot. Hanggang napatingin na rin ako sa katabi ko na kalmang nagsusulat. Matalino si Sam. Gustong-gusto niya yung challenge na nararanasan niya kaya gustong gusto niya ang quizzes at exam.
Napansin niya ata na napatingin ako sakanya kaya umangat ang ulo niya at napatingin sa akin. Nahiya na man ako kaya binalik ko na lang ang titig ko sa blanko na papel. Nararamdaman ko parin ang tingin niya sa akin.
Nagulat na lang ako na may papel na lumitaw sa harapan ko. Papel na may answers. Nanlaki naman ang mata ko at napatingin sa katabi ko. Nakatayo na si Sam at naglakad sa harapan para ipasa na ang kanyang papel. So she sneakily gave me the answers before siya mag pass? Tangina. Sana hindi kami nakita ni Prof.
Nung bumalik na si Sam sa upuan, tumingin siya sa akin at sa papel na hawak ko. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o dapat na lang tanggapin ang tulong niya.
"Tsk." napalingon ako sa narinig ko galing kay Sam. Kinuha na niya ang kanyang bag at umalis ng room.
Tangina bahala na. At kinopya ko na nga ang answers ni Sam.
Highschool.
"Congrats Mayor! Kasali ka sa Top 3!" bati ni Nico nang makapasok siya ng room.
Nasa may gilid ng bintana ang upuan ni Samantha na nagbabasa ng libro. Napaangat ng ulo niya at ngumiti kay Nico.
Habang ako naman ay nag gigitara sa teachers table kasama ang tropa. Recess ngayon kaya kanya-kanya muna ang klase sa mga pinagagawa nila.
"Matthew." napatigil naman ako nung narinig ko na may tumawag saakin. Nakita ko na lang si Samantha sa harapan ko.
"Uy Samantha Ysabel! Wassup? Gusto mo kantahan kita?" ngiti ko na tanong.
Namula naman si Sam at tumawa ang tropa.
"Gago ka. Marunong ka nga mag gitara pero ang pangit na man ng boses mo!" sagot naman niya. Nagtawanan tuloy ang tropa.
"Can we talk?" tanong niya. Medyo naguluhan pa ako dahil naguusap naman kami ngayon.
"Uhm. Privately?" she shyly added. Shet ang cute. May sasabihin ba itong importante?
Tumalikod na si Sam at nauna nang maglakad. Susunod na sana ako nung tinawag ako ni JV, isa sa mga tropa ko.
"Tol! Si Tracy nandito. Nasa front door hinahanap ka." Napalingon na man ako at nakita ko si Tracy na hinihintay ako. Napalingon ako kay Samantha na disappointed na tinitingnan na pala ako ngyon.
"Okay lang, maybe some other time. Go na." nakangiti na tugon niya. Gaano ba talaga kahalaga sasabihin niya. Curious tuloy ako.Tumango na lang ako at dumiretso kay Tracy. Mas matanda ng isang taon saakin si Tracy kaya nasa ibang grade level na siya which is Senior High. Nasa kabila ang building nila kaya nagtaka ako kung bakit pumunta siya rito. Si Tracy ay may balingkinitan na katawan na bumabagay sa mahaba at kulot niyang buhok. Maganda si Tracy at kilala dahil sa beauty queen na ganda na taglay nito. Kaya sikat si Tracy sa school dahil active siya sa mga beauty pageants at talent shows. Linapitan ko siya at bigla niya na lang kinuha ang kamay ko and she hold it. Kumbaga magka holding hands kami.
"Babe, samahan mo naman ako ngyon. Nagugutom kasi ako and namiss kita! Kainis ang layo ng building natin dalawa. Namiss ko babe ko" lambing ni Tracy sa akin.
Oo, girlfriend ko si Tracy. Maraming nagsasabi na ang swerte ko daw dahil napunta siya sa akin. Hindi ko rin naman maitatanggi yun, pero hindi naman ako nabighani sa ganda niya kundi sa pinagsamahan namin. Nagkamabutihan kami nung nagtry na kami pumunta ng mga gigs. Si Tracy ang vocalist at ako ang bass.
"Uh babe, makakahintay ka ba? May kakausapin lang ako na classmate."
"Who ba? Can you ditch that muna. Nageffort pa nmn ako pumunta dito" reklamo neto. I sighed showing defeat. Lumingon muna ako kay Samantha one last time. Now she's back again at her seat and reading again.