┋labing-dalawa

355 13 0
                                    

THIRD PERSON'S

"Oh buti naman andito na kayo. Pasok" kaagad nilang sinunod si Sejun at dumiretso sa sala.

Natagpuan ni Josh at Justin ang dalawa na busy sa kakadutdot ng mga phones nila kaya agad na kumuha ng unan si Josh at ibinato kay Stell.

"Hoy! Cellphone pa!" kantyaw nito sa lalaki.

"Ang tagal niyo kaya! Saka bakit ako lang binato mo? Ayan din si Ken nagse-cellphone oh!" nanggagaiting sabi ni Stell at ibinato pabalik ang unan na binato ni Josh kanina.

"Baby pa si Ken, mas matanda ka kaya tumahimik ka" sagot naman ni Josh.

"Baby ba yan?! Mas mukha pa ngang matanda yan sakin!" napatayo agad si Ken at halatang naoffend sa sinabi ni Stell.

"Hoy, kapal mo. Mas mukha kang 30 sating dalawa 'no" Sigaw ni Ken sa kanya.

"Ikaw mukha kang 40!"

"Ikaw mukha ka ng 50!"

"HOY UTANG NA LABAS KAYONG DALAWA, PWEDE BANG TUMAHIMIK KAYO?!" sigaw ni Sejun nang makapasok ito dahil narinig niya ang malakas na sigawan ni Ken at Stell mula sa labas.

"Nagalit na" natatawang sabi ni Justin habang palipat-lipat ang tingin kila Ken at Sejun.

"Kumalma nga kayo. Tara na mag-movie marathon na" Pumunta si Josh, Justin, at Sejun sa sofa nang magkasundo na silang lahat.

Kinuha ni Sejun mula sa tabi ni Stell ang remote saka plinay ang movie na papanoorin nila.

"Nga pala, Jah. Kamusta na pala yung paghahanap mo dun sa babae?" tanong ni Stell sa binata. Justin sighed.

"Nakatulog ako kagabi. Iniisip ko kung talagang hahanapin ko or hahayaan ko na lang"

"At bakit mo naman hahayaan? Isa pa kailangan mo rin ibalik yang wallet. May ID pala na nakalagay, baka kailangan niya yan" sabat naman ni Josh.

"Oo nga, Jah. Saka malay mo siya na pala yung sagot sa mga panalangin mo" kaagad naman niyang binatukan si Ken.

"Baliw ka talaga"

"Wala ka bang iba pang nakita?"

"Actually dala ko yung wallet" Sabi nito saka kinuha ang isang brown-leathered wallet saka ibinigay ito kay Josh.

"Wow. Mukhang boyish 'tong babaeng na-meet mo ah. Astig ng wallet niya" Sabi ni Josh habang sinusuri yung wallet na ibinigay ni Justin.

"2,000 pesos. Credit cards. Teka eto ba yung sinasabi mong ID?" tumango si Justin nang ipakita ni Josh sa kanya yung id mula sa wallet.

Sinuri ni Josh ang bawat detalye ng ID saka nanlaki ang mga mata nito.

"Wait!" halos lahat sila ay napatigil nang biglang sumigaw si Josh.

"Sej, parehas pala ng school na pinapasukan 'tong babae oh" sabi nito sabay turo sa ID. Ipinatingin niya ito kay Sejun at laking gulat niya dahil magkatulad nga sila ng eskwelahan ni Mara.

"Grabe! Small World! You can go to our school para ibalik 'tong wallet, Jah" suggest ni Sejun sa kanya.

"H-hindi ba pwedeng kayo na lang?" namumulang tanong niya sa dalawa.

"Namumula pfft. Wag mo sabihing may gusto ka na agad dun?" napaiwas ng tingin si Justin sa kanyang mga kuya dahil sa sinabi ni Stell.

"Awit. Kakakilala mo lang kay Mara, bet mo na agad. Ano yan? Love at first sight?" natatawang biro ni Josh.

"Love at first sight? Kalokohan" sabi ni Justin saka ibinalik ang tingin sa tv screen.

"Ganito na lang, why don't you find her fb account first para naman masabihan mo siya at di siya mabigla na magkikita ulit kayo sa school ng biglaan" suggest ni Sejun sa binata.

Hindi sumagot si Justin but still he finds it a good idea to communicate with her first.

TO BE CONTINUED..

❛Ferris Wheel❜ ┇ SB19's Justin✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon