Chapter 9

4 1 0
                                    

Nang makauwi sa kanilang apartment ay agarang umakyat si Timo sa kanyang silid upang maghanda sa pagkikita nila ng lalaking nakilala online. Tulad ng kanyang ipinakilalang pangalan, si Wei ang kanyang susuotin para mamaya.

Habang kumakain saglit ng mga prutas, nakikinig sa mga musika noong dekada otsenta at nobenta, at pinaplantsa ang pantalon na kanyang susuotin, agad niyang narinig na mayroong kumakatok sa pinto. Dali-dali naman niyang binuksan ito at nakita ang kanilang landlord.


"Ano'ng sa atin, ate?" tanong ni Timo.


"Ah, Otis. Gusto ko lang na ipaalam sa 'yo na kaninang mga katanghaliang tapat, may naghahanap sa iyo na lalaki rito," tugon ng landlord. "Tinanong ko naman kung bakit ka hinahanap, pero... biglang umalis, e," dagdag pa ng ginang.


"Naalala mo ba, ate, kung ano 'yong suot ng lalaki?" pagsisiyasat ni Timo.


"Mmm... kung 'di ako nagkakamali, naka hoody siya, Otis. Tapos nak..."


Hindi na pinatapos pa ni Timo ang kanilang landlord sa pagsasalita dahil nang marinig niya pa lamang na naka-hoody ang lalaking naghahanap sa kanya ay mayroon na siyang kutob kung sinoman ito.


"Malamang, iisa lang sila ng lalaking nakasabay ko sa UV at nakabangga ko noong Sabado ng gabi," kaisip-isip pa ng binata.


"O, siya, Otis. Sinabi ko lang naman sa 'yo ito dahil medyo nagtaka lamang ako. Sa tinagal mo rito sa apartment ay ngayon lang may naghanap sa 'yo sa loob ng tatlong araw," wika pa ng landlord.


Labis na ikinagulat ni Timo ang binanggit ng kanilang landlord. Agad niya ring natanong ang kanilang landlord kung iisang lalaki lamang ang naghahanap sa kanya. Mas nagulantang pa ang binata nang malaman ngang iisang lalaki lang ang naghahanap sa kanya. Tila ba sa sandaling iyon ay nakaramdam na siya na kailanman ay hindi na siya ligtas kung saan siya nanunuluyan.


"Otis, ha... baka inutangan mo 'yong tao, pagkatapos ay tinataguan mo," pagsususpetya pa ng landlord sa binata.


"Naku, ate, never po akong nangutang. At kung uutang man ako, hindi ako katulad ng iba na kay hirap-hirap singilin," pagtatanggol ni Timo sa sarili.


Matapos noon, sinabihan na lamang si Timo ng kanilang landlord na sa susunod ay harapin na lamang nito ang naghahanap sa kanya. Nababahala rin kasi ang landlord, lalo na sa seguridad ng mga nakatira sa loob ng compound.


"O, sige, ate. Gagawa ako ng paraan para matigil na 'yon," paninigurado ni Timo. "Ay, siya nga pala, ate. Baka naman itsismis mo na naman ako sa mga kumare mo?" tanong pa ng binata.


"Naku, Otis, hindi, ha," tugon ng landlord. "Sige na nga, at may aasikasuhin pa ako sa baba. Maiwan na kita," dagdag pa ng ginang at saka tuluyan nang bumaba.


Napatingin naman agad si Timo sa malayo at saka agad inisip ang lahat ng sinabi ng landlord sa kanya.

Ika-anim ng gabi, nagsimula nang maglinis ng sarili si Timo. Habang mariing naliligo ay narinig niya ang pagtunog ng kanyang telepono na nakalagay sa kanyang study desk. Agad siyang lumabas sa pintuan ng palikuran nang nakahubo't hubad, sinulyapan ang telepono. Si Chester pala ang tumatawag, na dali-daling sinagot ng binata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Boy with Different NamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon