POV HAILEY
BUONG araw kaming hindi pinalabas ng dormitory rooms kaya tumambay lang ako sa living room. Wala si Xyder at si Thade para sa kanilang CRAM rep meeting. Kasama din si Rayah bilang official secretary, appointed by Queen X herself.
"Maiko, may ideya ka ba kung anong hitsura ng Death Worm?" tanong ko sa kanya habang nagbabasa kami ng mga libro.
"Death Worms are dark creatures that suck out souls of magical people like us. Sa Gobi Desert lang ito naninirahan, pero alam ko ay extinct species na ito. Natalo na silang lahat ng mga wizards noong unang panahon," sagot ni Maiko sabay pakita sa akin ng libro ng may drawing ng Death Worm.
Mukha itong dambuhalang bulate na may matutulis na ngipin. Hitsura pa lang ay certified creatures of the dark nga ito.
"Hailey, bakit mo naitanong?"
"Gusto ko lang malaman ang hitsura ng umatake kaninang umaga sa school grounds."
"May umatake na Death Worms dito?"
"Pagkagaling natin sa library, 'di ba? May monster attack daw?"
"Hailey, dumerecho na tayo dito pagkatapos natin mamasyal sa Bibliotecha. Huwag mo sabihin na nananaginip ka tungkol sa Death Worms."
"Baka nga," nakangiti ko na sagot sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit hindi maalala ni Maiko ang nangyari pero sigurado ako na hindi panaginip ang nangyari kanina. Alam ko na may anomalya kanina sa harapan ng Aquamarine Castle.
Nang dumating si Xyder, si Rayah at si Thade, niyaya nila kami sa Twister Hall para sa early dinner dahil hindi kami naka-kain ng tanghalian.
"Rayah, bakit hindi maalala ni Maiko ang tungkol sa Death Worms kanina?" tanong ko habang naglalakad kami.
"W-what?"
"Nevermind. Panaginip lang siguro ang naalala ko."
Tinitigan ako ni Rayah mula ulo hanggang paa. Siguro ay akala niya ay nababaliw na ako.
"Hailey Baby, do you remember it? The Death Worm?"
"Yeah, I can still remember it, but Maiko does not remember what happened in the front lawn. Hindi nga niya maalala na bumaba tayo sa ground area."
Huminga lang ng malalim si Rayah at inakbayan ako habang naglalakad kami sa corridor.
"The Provost casted an area spell to remove the memories of the students about the Death Worm. Wala talagang maaalala si Maiko tungkol dito."
"Eh bakit alam natin pareho?"
"Well, hindi kasali ang mga professors at CRAM representatives. Since kasama ako sa emergency meeting, hindi ako nawalan ng memory tungkol dito. The question is, why do you remember it?"
"Baka walang effect sa akin ang memory eraser ni Provs?"
"Or maybe, you are the real thing, honey. You are the Ultima Incantatrix in the flesh," sabi ni Rayah sabay halakhak sa corridor.
Napatingin lang sa amin si Thade at si Maiko na naglalakad sa aming harapan dahil sa lakas ng tawa ni Rayah. Pagdating namin sa Twister Hall ay naroon na din ang ibang estudyante. Nagsimula kaming kumain ng early dinner.
Sabi ni Rayah, puwede naman daw mag take out ng desserts para sa aming midnight snacks dahil bawal ng lumabas ng dormitory ng 8PM onwards. Ang bawat kwarto ay may small fridges kung saan puwede magtago ng pagkain.
"Congratulations, dear Maiko and my baby girl Hailey Shade. These are your Flippies, your CRAM magical phones. It works the same way as the regular smartphones," sabi ni Rayah sabay bigay sa amin ng glass flip phones.
"Puwede tumawag at video call, pero bawal ang SOP sa gabi, naka-monitor ang lahat ng calls. But if you want some flirty flirty conversation with your jowabells, Rayah and I can do some magic tricks on your Flippies," dagdag ni Xyder.
"Magic tricks po sa phone?" tanong ni Maiko.
"Yes, dear. Kunwari gusto niyo maglandian ni Thade, gusto niyo magharutan via call or text, puwede naman. We will just cast some nasty magic spell kung saan ibang words ang marerecord sa Flippies niyo."
"Stop it, Queen X. Maiko dear is blushing. She obviously has a crush on my kupal cousin," bulong ni Rayah kay Xyder.
"Maiko and Thade look good together. The nerd and the pogi, bagay na bagay. Bet ko silang dalawa."
Natigil lang akong makinig sa kanilang usapan nang biglang nagvibrate ang phone ko. Isang message ang lumitaw from Mason.
Professor Mason Elizalde: Hey Pet! Do you want your hug now?
First message sa Flippies ko ay galing kay Mason? Promise, hindi ko ito buburahin!
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Black Smoke
Fantasy[Completed - Book 4] My name is Hailey Shade Diaz. Ang dati kong tahimik at normal na buhay ay biglang nagbago nang maging number one most wanted killer ako sa mundo ng salamangka. Sa isang iglap, isa na akong famous villain ng mga witches and wizar...