Ikaanim "Ang Pagtakas"

124 8 0
                                    


Nagmulat ako ng mata, isang araw bago ang nakatakdang araw ng kasal, kasal ko.

Napangiti ako ng mapakla nang muli kong naalala, ang mga katagang binitawan ni Nathaniel bago ako makatulog.

Hindi ako makapaniwala na ang isang aswang na gaya niya iibig sa akin. Pero dahil na rin sa aking mga narinig ay lubos akong nag dududa.
Maaring totoo, maaring hindi.

Nanatili lang akong nakahiga, nakatingin sa kisame nang maalala ko na dapat na akong tumakbo, hindi ko na kaya yung pagkalito na nararamdaman ko ngayon.

Pasado ala-singko ng madaling araw na rin naman, kaya nag desisyon akong umalis.

Oo, lalabas ako ng bakuran nila tatay Anton, para na rin sa kakapanatag nang loob ko.

Nakapag desisyon na ako, susungaban ko ang alok ni supremo.
Hindi madaling desisyon ito, pero para na rin sa Kalayaan ko gagawin ko.

Dala ko na ang aking mga gamit, palihim akong lumabas at pinagtanong tanong saan ang bahay ng supremo sa mga iilang taong nasa labasan, bagaman nagugulat sila sa akin at may kakaibang titig na pinupukol sa aking pagkatao.

Binaliwala ko ang lahat nang ito, at nag pumilit na malaman kung saan nakatira ang supremo nang mga aswang.

Hindi naman ako binigo, at natuntun ko rin ito.

Kakatok pa lamang ako sa kanilang pamamahay nang bigla itong bumukas at bumungad sa akin ang mga nakangising labi ni Olivia, kasunod nito ay ang mga matang parang dragon naman ng supremo.

“Pasok ka” matipid na wika ni Olivia, ngunit mababakas dito ang saya.

Mukhang alam na nila ang aking pinunta rito.

“Nakapagdesisyon na ako, hindi ko itutuloy ang kasal. Pero may mga nais akong kapalit nito” matikas na sabi ko sa harap nang mag amang aswang.
Natatakot ako, pero hindi ko dapat maipakita sa kanila ang takot na dumadaloy sa Sistema ko.

“Ano iyon? Kahit ano pa yan tutuparin namin, basta kaya nang aming kapangyarihan” wika ni supremo. Tumango lamang ako bilang tugon, at sinalaysay ang aking mga kagustuhan.

“Unang-una, gusto kong lumaya sa puder ng mga aswang. Wala akong magiging koneksyon gayon rin kayo. Pangalawa, huwag niyong gagalawin ang pamilya nila Ivy, at pprotektahan sila laban kay Kapitan Bernie, pangatlo, hihilingin ko na burahin niyo ang ala-ala ko tungkol sa mga aswang”

Napatango ang mag ama ngunit parang nabakasan ko sila nang pag aalinlangan,

“Kaya naming gawin ang una at pangalawa ngunit ang pangatlo ay pawang imposible. Aswang kami hindi magician” malapilosopong banggit ni Olivia, na sinamaan naman nang tingin ng supremo.

Napayuko ako, alam ko naman kasing imposible. Nagbaka sakali lamang ako. Ayaw ko na kasing maalala na may koneksyon ako sa mga ito, lalong-lalo na kay Nathaniel, di ko man aminin pero tila nahulog ako sa binata ngunit hindi pede.

Ayaw ko pang mamatay, marami pa akong nais gawin sa mundo.

“Masusunod ang una at pangalawa ngunit ang pangatlo ay maaring hindi agad magawa dahil maraming kinakailangang kasanggkapan, pero masisigurado ko sayo na gagawa ako nang paraan para tuluyan mo kaming makalimutan.

Sa ngayon, ay maipapangako ko na kami na ang bahala sa buhay nila Ivy, basta ipangako mo lang na aalis at lalayo ka na rito” Malalim ngunit seryosong wika ni supremo.

Tumango lang ako at nilisan na ang naturang pamamahay. Nakatanaw lang mula sa pintuan ang mag ama habang pinagmamasdan ang aking pag alis, tumitingin-tingin ako sa paligid, muli akong tumalikod at sa huling pagkakataon sinulyapan ang baranggay.

Baranggay ng mga AswangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon