K21

16 2 4
                                    

Hindi ko lubos maisip na gagawin yon ni Eustace.

"Baka nagkakamali ka lang. Hindi gagawin sa akin ni Eustace yon." pagtatanggol ko.

"Hindi ako bulag! Alam ko kung ano ang nakita ko." pilit ni Zac.

"May ebidensya ka ba ha? Para maniwala ako?!"

"Calm down hija." sabi ni papa.

"I don't have, pero alam ko ang nakita ko. Sa susunod na makita ko ulit sige pi-picturan ko para matauhan ka!"

"Gusto mo lang akong sumama sayo!"

"Hija." si mama naman.

"Well kung yan ang gusto mong paniwalaan, bahala ka! Basta ako I'm telling you the truth."

Sa inis ko ay iniwan ko na lamang sila. Pumunta ako sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama.

I'm angry right now!

Really angry!

Pero do I need to say this to Eu? No. Ma o-offend yon kapag nalaman niyang may sinabi si Zac about him.

Gosh! I need to sort things. Ayokong isipin ni Eu na nagdududa ako sa kanya. Pero ayoko ding mag grow yung nararamdamam kong doubt.

No. I trust Eu. I trust him. Hindi niya ako bibiguin.

Huminga ako ng malalim. Hangga't hindi ako ang nakakakita ay hindi ako maniniwala. Zac wants us apart kaya niya nasasabi ang mga bagay na iyon.

Tama. Hindi dapat ako magpadala sa mga sinasabi niya. Believe in Eu. Believe him.

Nakatulugan ko ang pag-iisip kaya naman ngayong umaga ay hindi ako mapalagay.

I checked my phone for messages. I'm expecting Eu's good morning and I got it.

Eu:

Morning.

Yun lang yon?

Me:
Good morning. I love you.

Mga sampung minuto bago siya sumagot.

Eu:

😊

Just that? Emoji lang?

Me:

May problema ba tayo?

Eu:

Wala naman. Ikaw may problema ka saken?

Sasabihin ko ba? I can feel the coldness of his messages. Umiling ako. No, trust Eu. Trust him.

Me:

Wala naman.

Eu:
👍

Me:
Will you wait for me sa gate?

Eu:
Ok.

Ugh! This is frustrating!

Bigla na lang ganito?

Hindi ako mapakali kaya naman halos pumalpak ako sa morning routines ko.

God!

Hindi ko pa rin kinakausap si Zac hanggang ngayon, ganun din naman siya saken. Kapag tinitingnan naman niya ako ay may inis na mababakas sa mukha niya. Di ko na lang siya pinansin.

Noong nakasakay na ako sa kotse I decided to text Eu.

Me:
Papunta na ako.

Malapit na ako ng mag reply siya.

Eu:
Gate na ko.

He replied. True to his words andun na nga siya sa gate. Nakatingin sa kanyang phone at nakangiti. As if he was happy with the message he is reading.

          

Hhmm.

I checked my phone pero wala namang nakakatuwa sa mga huling mensahe ko.

Agad niyang ibinaba ang phone ng makita ang sasakyan.

I composed myself bago lumabas ng kotse.

He looks serious ng salubungin ako at kunin ang bag ko.

"You're a little late today huh?" he asked.

"Ah. Oo. May iniisip lang ako." sabi ko.

Tumango naman ito at di na nagtanong.

"Hi!" napatingin ako sa nakangiting si Mona. She looks like as if she is the happiest girl in the world.

"Hello." bati ni Eu.

"Hello." bati ko din sa kanya.

Nagkatinginan ang dalawa. As if there is some secrets they shared, na silang dalawa lang.

Ilang sandali pa ay umalis na din si Mona. Eu looked at her habang lumalayo nang di na natanaw ay binaling ang atensyon sa akin.

"Let's go?" aya nito sa akin.

I tried to grab his hand pero sumaktong nagkamot siya ng ulo. Kaya naman binaba ko na lang ang kamay ko.

"Kailangan na nating magmadali. Kundi ma le-late tayo." he said.

Wala akong nagawa kundi sundan na lang siya.

Pagdating sa classroom ay halos hindi nito ako kibuin. Well, malamang nagkaklase kami.

I mentally hit my head.

Stop that doubt. Hayaan mong siya mismo ang magsabi o kaya naman ay ako ang makakita.

Kasalukuyang nagkaklase ng tumayo si Eu, kinuha niya yung excuse pass at lumabas.

Nangangati akong sundan siya, wala naman sigurong masama diba?

I just want to kill this doubt.

Sampung minuto ang lumipas at wala pa rin si Eu.

Naramdaman ko naman ang bilis ng pintig ng puso ko.

No. Stop that Ara! Hindi ka niya sasaktan!

Bumuntong hininga ako dahil sa dami ng tumatakbo sa isip ko. I decided to get the excuse pass at lumabas ng classroom.

Hinanap ko siya.

Pumunta ako sa rest room to check on him.

Wala siya doon.

Tumingin-tingin ako sa paligid and I saw him on the soccer field nakaupo sa lilim and he is with someone.

Lumapit ako para makita ang kausap niya.

"Eu." tawag ko.

Pareho akong nilingunan ng dalawa. It's Mona.

"A-Ara!" kabado nitong sabi.

Hindi naman kumibo si Eustace.

Hindi ko binigyan ng pansin si Mona, tiningnan ko si Eu.

"K-kanina ka pa kasi wala. N-nag aalala ako." sabi ko.

"Pabalik na ko. Nakita ko si Mona kaya kinausap ko saglit. Nawili kaya medyo di napansin ang oras." paliwanag ni Eu.

"Ganun ba? T-tara balik na tayo." aya ko sa kanya.

Tiningnan ni Eu si Mona. Nakaramdam ako ng sakit dahil sa mga titig niya. It's the same expression he was giving me before.

"Ah, mauna ka na. Susunod ako." anang Eu.

Napahawak ako sa palda ko at naikuyom ang mga palad. Ayoko nito. Ayoko.

"No, I'll wait for you." matigas kong sabi.

"Ara! For once, listen to me okay? Mauna ka na. Susunod ako! Napakakulit mo!" sigaw nito.

Napatulala ako sa sinabi niya.

He looks pissed. Matatalim ang tingin niya sa akin.

"Ano bang nangyayari sayo?" tanong ko.

"Wala nga! Napaparanoid ka lang!" he said.

"Hindi ako napaparanoid. Alam kong may mali! Bakit di mo sabihin sa akin, huh?" ganti ko.

"Tumigil ka na. Kung gusto mong bumalik na. Tara na!" sabi nito saka naglakad paalis.

Patakbo ko siyang sinundan.

"Alam ko Eu na may mali. I just want to know kung may mali ba akong ginawa?" sabi ko habang naglalakad.

"Ang kulit mo!"

"That's natural! Iba na ang pakikitungo mo sa akin. Nasasaktan ako sa mga inaasta mo. Tell me sawa ka na ba sa akin?" tanong ko.

Napatigil naman siya sa paglalakad. Nakatalikod pa rin ito sa akin.

Hinarap ko siya.

"Tell me, sawa ka na ba?"

Tattoo Of My HeartWhere stories live. Discover now