Sa pagbabalik ng pasukan, nagsimula na ang mga pagbabago. Pinanindigan niya ang kanyang sinabi na huli na yung nasa cagayan kami. Kung magkakaroon ba ulit ng bakasyon ay hihilingin niya ulit sa'kin yung four days deal? May mga araw na hiniling ko na sana magkaroon kami ng school outing.
Hindi ako nag-abalang bilangin ang makailang beses naming pagsasalubong at hindi man lang niya ako matitigan sa mata. Naiintindihan ko 'yon, pero masakit pa rin.
Masasanay rin ako. Ito naman ang gusto ko diba? O baka pinilit ko lang na gustuhin ito. It's more smart to say na...ito ang kailangan.
Because there is a fine line between a want and a need. I don't want our friendship to end like this, but this is what needs to happen.
Nagdaan ang mga araw. Kaunti lang ang aming mga lectures pero nauubos pa rin ang mga oras sa pagpapatuloy sa case study at thesis-making at sa mga requirements na kailangang tapusin at ipasa.
Magka-klase kami sa isang subject ni Nube. Pang-gabi iyon kaya naman hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya dahil ang pagkaka-alam ko nagta-trabaho pa rin sa bar ni Cohen si Nube ng tinanong ko ito noong isang araw.
Hindi ko alam kung paano niya nakakaya iyon? Hindi ko alam kung bakit niya kinakailangang mag-trabaho, lalo na't wala naman ata siyang binubuhay na pamilya. Hindi ko alam kung bakit nagpapakapagod siya. Pero bakit ko pa nga ba itong pinapakialaman.
"2.8?"
Nanlulumo kung tinitigan ang pahina ng monitoring card ko, sa ibabaw nito ang pasang awa kong grado.
Sino bang naghahangad makakuha ng ganitong grado pagkatapos mong magpakahirap sa pag-memorize at naabutan ka pa ng madaling araw sa pag-aaral? Kung meron man saludo ako sa kanila, pero ako? Wala sa bokabularyo kong tumanggap ng pasang awa lang.
"Ayos lang 'yan. Hindi naman basehan yan, eh. Remember may board exam pa." palubag loob ni Aljon.
Nasa labas kami nv Edtech room at wala akong balak na bumalik sa loob kahit na nandoon pa ang ibang kaklase. Kaaalis lang ni Prof. Nario pagkatapos mabigay ang grade namin para sa midterm. Pero, nagmistula nang isang bangungot ang tingin ko sa loob ng dahil sa nangyari.
"I expected to get a 1.5...pero!"
I blamed myself. Nagpatalo ako sa emosyon ko. Nagawa ko sana ng maayos ang recite kanina, dagdag points pa sana iyon para sa midterm grade ko. At dahil hindi ko nagawa ng maayos bumagsak pa ako. No one's fault but me. I did this myself. I created my own failure.
Nanatili ako sa ledge, nagmamasid sa mga estudyanteng palakad lakad sa corridors sa bawat palapag. Nilalayo ko ang isip sa kanina. Atat na akong umuwi upang lisanin ang pansamantalang kabiguan na nilikha ko sa lugar na ito. Pwedeng magluksa, pero saglit lang dahil paniguradong babawi ako sa finals.
"Dude, lika na."
Hinila ni Lawrence ang bag ko. Wala akong nagawa kaya napasunod lang ako sa kanilang dalawa ni Aljon. Tinapik ko muna ang kamay niya para bitawan niya iyon dahil kanina pa ako nasasakal sa ginagawa niya.
"Kaysa mag-mukmok ka dyan inom na lang tayo."
Binatukan ko nga!
"Aray ko naman." saad niya habang sapo ang ulong binatukan ko.
"Gago! May klase mamaya, huwebes ngayon."
"Huwebes ba ngayon?"
"Oo."
"Suss, kaya pala dika makapaghintay dyan. Makikita mo na naman si bebegirl."
"Tumigil ka nga." sita ko.
BINABASA MO ANG
Mixed Signals
Short Story(COMPLETED) 2/5 Nikolai Lewis Morales Story "I wish you never had to wonder if someone loved you back."