Note: This story former title was Memories, but I just added A Man Once Mine, hope you guys understand. Para lang po sa ikagaganda ng titulo ng kuwento, angkop pa rin naman po ito sa kung anong nasa kuwento.
Maraning salamat po, enjoy reading.
------------------------------------------------
Sino?
"Heto, kumain ka na." ibinaba ko ang mangkok sa lamesang nasa harapan niya.
Bumaling siya sa akin at hindi nagsalita.
"Nagluto si Nanay. Ito ang sabaw, kumain ka na raw habang mainit pa."
Ganoon pa rin, walang ekspresyon ang mukha. Ngunit bahagya nang naghihilom ang mga sugat niya.
Bumuntong hininga ako. Tumalikod ako, iniwan siya roon at bumalik sa loob ng kusina.
"Ano Liza, nagsalita na ba?" pabulong na tanong ni Nanay.
Sumilip ulit ako sa may lamesa hindi kalayuan sa kinaroroonan namin ni Nanay.
Ngumuso ako at umiling. Bahagyang natatawa na sa liit lang nitong bahay namin panigurado namang maririnig ni Nanay iyon kung magsasalita siya.
Sumandal ako sa pader ng kusina at muling naalala kung paano namin siya natagpuan ilang linggo na ang nakalipas.
Tinatalunton namin ang masukal na parte ng Laguna ng gabing iyon. Drive ko ang luma at pulang Owner jeep type ko nang makita namin siyang nakahandusay sa gitna ng kalsada.
Galing kaming Maynila, dumalaw kina Tita Beth na kapatid ni Nanay. Ginabi na kami pero kailangan naming makauwi kaya kahit pinipigilan kami nina Tita ay tumulak kami.
Automatikong huminto ako, agad kinabahan. Hindi gustong masagasaan ang nakaharang sa kalsada. Mabilis namang nakababa si Nanay at pinuntahan siya pagkahinto ko ng sasakyan.
Lito ang isip ko, gusto ko nalang sanang umiwas at umalis sa lugar na iyon. Kinakabahan ako.
Hindi namin kabisado ang lugar at marami akong napapanood na ganitong modus. Nakahiga sa kalasada tapos manghohold-up pala.
"Anak, tao, duguan. Halika tulungan mo ako dalahin natin sa ospital." si Nanay ng tuluyang makalapit sa nakahandusay sa kalsada.
Umiling ako. "Nay, hindi. Umalis nalang tayo. Sigurado namang may iba pang madadaan dito."
Naglalakbay ang utak ko ng mga oras na iyon sa mga napapanood ko sa drama. Iyong napapagbintangan sila at inaakalang sila ang may gawa kahit ang totoo tumulong lang naman talaga at marami pang iba.
Kinunotan ako ng noo ni Nanay. "Ano kaba naman, Anak. Tayo na ang nandito. Tayo ang dapat tumulong, kailangan niya ng tulong. Dalian mo na isakay natin sa Owner at dalhin sa ospital."
"Nay," tutol ko.
"Meliza." seryosong turan niya.
Nag-aalinlagan man wala akong nagawa kundi sundin siya at lumapit para mabuhat namin iyong tao sa sasakyan.
Nahirapan pa kami ni Nanay dahil sa bigat niya at laking tao niya.
Nalito pa ako kung saan ba ang malapit na ospital sa lugar na iyon dahil hindi rin kami pamilyar doon, nakailang ikot ako bago kami nakahanap.
Agad naman siyang inasikaso sa emergency room ng maipasok namin. Nilapatan ng paunang lunas kaya lang hiningan kami ng pangalan.
Kinapa ko na kanina ang bulsa ng pantalon niyang suot pagkasakay sa Owner at walang laman iyong kahit ano, kahit I.D. na mapapagkakilanlan ay wala. Wala siyang ibang gamit kundi ang suot niyang itim na jacket, pantalon at sapatos.
BINABASA MO ANG
Los Ricos #2: A Man Once Mine (Memories)
RomanceIs it possible for the heart to remember what was forgotten by your mind? And is it worth it to fight though you knew you'll lose eventually? Napadpad si Liza sa lugar kung saan naroroon ang taong minahal niya habang wala pa itong naaalala. Pero paa...