3
Alam kong hindi sya bakla.
Isa yun sa mga alam ko dahil may naging gf naman sya. At mga magandang gf pa!
Hindi naman sya sikat pero lapitin din lang talaga sya ng girls.
Isa yun sa mga dahilan kung bakit nagtaka akong napili nya ko bilang kaibigan.
Bukod sa average na utak ay wala na kong maipagmamalaki pa. As in hindi ako nabiyayaan ng kahit anong malaki!
Kaya siguro di sya naakit sakin? Baka ganun?
Inisa isa kong tignan ang listahan ko. Nililista ko kasi lahat ng mga posibleng dahilan kung bakit iniiwasan ako ni Calyx.
1. Nagka-amnesia sya.
2. May malubha syang sakit kaya gusto nyang magkalimutan na kami para di ako gaanong ma-hurt
3. Naisip nyang magastos akong maging kaibigan dahil lagi akong nagpapalibre
4. Ayaw nya na sa mga taong bobo sa math
5. Pinagbawalan na sya ng parents nya (Forbidden friendship?)
6. May amoy ang kilikili ko
7. Masyado akong abusado sa panghihiram ng gadgets nya
8. May mga utang ako sa kanyang di ko pa nababayaran at nabaon na sa limot.
9. Di nya ko type
10. Bading sya
Yun ang last option. Baka bading sya pero imposible.
Nag online ako sa fb. Ilang linggo ko na ding hindi ito nagagawa.
Malay natin may clue dito diba!
Wala namang kakaiba. Like lang ako ng like sa mga post ng friends ko hanggang sa mapatigil ako sa isang post.
Calyx TheGreat: Its not that easy—Feeling Confused
What?! Bakit ngayon ko lang to nabasa? Tinignan ko yung date. One week ito before syang magfriendship over sakin.
Kahinahinala! Aha! Kadalasan kase mga post nya ay tungkol lang sa mga assignments nya at sa mahiwagang buhay ng mga raccoon.
Agad kong pinuntahan ang profile nya. Buti di pa nya ko naa-unfriend o di kaya block. Aba, pag ginawa nya yun di ko na sya mai-stalk nyan.
May ilang mga post na puro feeling lang. Yun bang feeling Sick, Insane at kung ano ano pang weird.
May mga nagkocomment na ano daw bang pinagdadaanang drama nya. Kahit ako yun din ang tinatanong eh.
Ang huling post nya ay kagabi.
Calyx TheGreat: Better without it, but still... —Feeling GAGO.
Feeling what? Gago? Aba... Nag iimbento ha.
Tinignan ko kung may mga bago syang pictures. Halos yun pa din naman.
Mga picture lang ng mga raccoon.
Isang beses lang ata kami nagkapicture na magkasama. Yung kaming dalawa lang. JS Prom nun at pinuntahan nya ko sa bahay dahil nadengue ako at di ako makakapunta.
Masaya ko nun. Ampogi nya eh. Lol.
Ewan parang di ko nga gets kase magkatxt din naman kami nun. Pagaling na ko pero di pa rin ako pinayagang sumali.
Inaasar pa nga ako ng ate ko nun eh. Baka daw gusto akong maging partner ni Calyx pero sabi ko malabo yun. Ni hindi naman ako tinanong nun eh at ang alam ko partner nya nun yung nililigawan nya.
Nung mga panahon na yun, wala lang sakin ang lahat. Plain friendship lang kami. Pero nitong mga nakaraan alam kong nagbago yung tingin ko.
Biglang naging conscious ako sa mga actions nya. Lahat na may meaning. Lahat nakakakilig. Naappreciate ko ang mga ginagawa nyang kabutihan sakin pati na din ang mga pambabadtrip nya.
"Omg!"
Bulalas ko nang may lumabas na notif.
Calyx TheGreat just posted a photo.
Online sya!!! At dahil autofollow ako sakanya may notif din sakin. Naka-close friend kase kami eh.
Agad ko yung klinick.
Calyx TheGreat with Timmy Caballero
Caption:
Best Bud Ever. I'm feeling better now. Tnx Bestfriend!
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang makita ko yung picture.
Nakaakbay si Calyx kay Timmy na walang pang itaas. Mukang kinunan ito sa apartment nila. May hawak silang beer at parehong nakangiti.
Bestfriend? Akala ko ba ayaw nya sa mga beks? Sa dinami rami ng taong ipapalit sakin si Timmy pa talaga na dati ay kinaasaran nya.
Its a sign. Friendship over na talaga.
***