Chapter 20

1.7K 74 0
                                    

Chapter 20

More than happy



Intramurals week has finally arrived. Ginugol ko ang dalawang araw ng weekends sa pag-aayos ng booth namin sa University Oval, ang field ng school. Habang si Jasper naman ay sa practice.



"Panonoorin mo ba ang game ko mamaya?" Tanong ni Jasper nang makapagpark na kami sa parking ng University.



Kahit maaga pa ay puno na ang parking ng University dahil marami nang estudyante ang narito.



Sumulyap ako sa kaniya saka binigyan siya ng ngiti. "Oo. Aayain ko sina Athena na manood." Sagot ko.



Ngumiti naman siya saka tumango.



"Okay. I'll see you later, then." Sabi niya.



Tumango ako. "I'll see you later." Nagpaalam na ako sa kaniya.



Dumaan muna ako sa department namin bago ako dumiretso sa booth ng PLUMA. Naabutan ko sa booth ang mga freshmen na member namin. Sila kasi ang nakatokang mag bantay muna sa booth ngayong umaga.




"Hi Kuya Ryu." Bati sa akin ni Lyndon.



"Hello. Okay lang ba kayo rito?" Tanong ko sa kanila.



"Okay naman po, kuya." Sagot ni Jam.



Dahil naroon naman na ako ay tinulungan ko na rin silang mag ayos ng mga ibebenta naming magazine. Ang mga senior members kasi ng org ay naka-assign na mag-cover ng ibat-ibang mga palaro ngayong Intrams para sa daily report journal ng intramurals.




Bilang student publication organization ang PLUMA, trabaho namin ang mag ulat ng mga kaganapan sa buong intramural week araw-araw. Simultaneous ang lahat ng laro sa isang araw kaya naka deploy ang lahat ng senior writer sa lahat ng sulok ng University kung saan nagaganap ang mga laro.



"Wala ka po ba kuyang pupuntahang laro?" Tanong ni Lyndon. Dumating na ang iba pang freshmen na bago naming member at nag umpisa na ring magdatingan ang mga bumibili sa booth namin.



"Bukas pa ako. Tulungan ko muna kayo rito." Sagot ko.



Tulad ng inaasahan ay marami nga ang mga estudyanteng bumili ng magazine. Akala ko ay exaggerated lamang si Claire sa pagpo-produce ng one thousand copies ng magazine hindi pala. Hindi pa na ngangalahati ang araw ay marami na ang aming naibenta.

The Sparks of Our Stars (Varsity Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon