Kabanata 46

4.8K 92 4
                                    

Pagkadilat ng mga mata ko, purong puting kwarto ang tumambad sakin. Ang amoy ng silid na ito.. napakapamilyar. Biglang pumasok sa alaala ko ang senaryo pagkatapos ng aksidente no'ng isang taon. Ganitong ganito ang aking sitwasyon.


Ang amoy ng kemikal..


Puro puting kulay..


Pakiramdam nang nag-iisa..


Alam ko, nasa ospital ako. Bumaha sa isip ko ang mga nangyari na naging dahilan kung bakit ako narito ngayon. Kidnappers.. Mr. Rezco.. Loriel.. Tauhan.. Bugbog.. Baril.. Pagsabog.. Sina Kiel.. At si.. Kelvin.. nung huli ko siyang nasilayan bago ako mawalan ng malay.


"K-Kelvin.." pilitin ko man, parang ang hirap hirap magsalita at maglabas ng boses. Pakiramdam ko ay tuyong tuyong ang aking lalamunan.


Susubukan kona sana bumangon pero bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si nanay na humahangos akong tinignan nang may nanlalaki ang mga mata. Dali-dali siyang lumapit sakin at pinigilan ako sa akmang pagbangon.


"Huwag, anak! Hindi mo pa kaya. 'Wag mo pilitin ang sarili at magpahinga ka muna," agap niya habang ako'y muling pinapahiga.


Umiling ako,"Pero si Kelvin, nay! Kumusta na siya? Asan po siya? Kailangan ko siyang puntahan!" sinubukan ko ulit bumangon.


"Leticia!" nagtaas na siya ng boses. Natigil ako sa ginagawa at sunod sunod nalang tumulo ang mga luha.


Humahagulhol ako't humihikbi. Pinatatahan niya ako habang niyayakap. Unti unti akong humiga ulit. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang luha ko sa pisngi. Awang awa at alalang alala ang mababasa sa kaniyang mga mata.


"Pasensya na anak kung nasigawan kita. H-Hindi ko lang talaga kaya ang nangyari sayo. Wala silang karapatan na saktan ka.. alam mo bang galit na galit ngayon ang tatay mo?" nangingilid na rin ang luha niya.


Napatitig ako sa kawalan pagkasabi niya niyon. Sariwa parin sa alaala ko ang ginawang pambubugbog sa katawan ko. Gusto kong magsumbong sa kanila at umiyak nang umiyak. Pero hindi ako mapakali hangga't hindi ko siya nakikita..  ang kalagayan ni Kelvin.


"S-Si Kier, nay.." garalgal ang boses kong saad.


"Anak, pwede ba kahit.. kahit isang beses lang, sarili mo muna ang isipin mo ngayon? Marami kaming nag-aalala sayo! Sa kalagayan mo! Lei, 'wag muna ibang tao.. sarili muna, anak," kumurap kurap ako sa akmang pagtataas niya ulit ng boses.


Mali ba talaga ako? Dapat ba sarili ko muna unahin ko? Nakakalimutan kona ba talaga ang sarili ko?


"Ngunit parte na siya ng buhay ko.. gusto kong makita ang kalagayan niya! Hindi ako matatahimik hangg----"


"Anak!" napapitlag ako sa paglakas muli ng tono niya,"Tignan mo ang kalagayan mo. Sa tingin mo ba ay matutuwa si Kelvin kapag nakita ka niyang ganiyan?!" tumutulo na ang luha ni nanay.


Unti unti kong napagtanto ang pinupunto niya. Marahil nga ay hindi matutuwa si Kier kung siya agad ang iniintindi ko gayong dapat ay sarili ko muna ngayon. Hindi ko lang talaga maiwasan ang isipin siya lalo na't hindi naman lingid sa kaalaman kong nasa isa sa mga kwarto rito rin siya naroroon.


"S-Sorry po, nay.." kumalma ako pero basag parin ang tono. Hinawakan niya ang kamay ko.


"Alam kong nag-aalala ka sa mahal mo. Hindi naman maiiwasan 'yon pero.. intindihin mo muna ang sarili mo at kapag ayos na ang lagay mo, saka natin siya pupuntahan,"  aniya at hinahaplos ang buhok ko.


Taming The Ruthless Billionaire (Billionaire Clan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon