Chapter Eight

463 42 3
                                    


“TINATAKOT mo ba ako? Hoy, babae! Dayo ka lang dito sa lugar namin kaya huwag kang umasta na akala mo ay taga-rito ka. Baka gusto mong—”

“Gustong ano?!” Mabilis na pinutol ni Ligaya ang sasabihin ni Marites. “At saka 'wag mo akong hino-hoy dahil naiinis ako! Kung husgahan mo ako dahil sa tattoo ko, ha! Napaka makaluma ng pag-iisip mo, girl!”

“Hindi kasi magandang tingnan sa isang babae ang may tattoo. Alam mo ba iyon, Ligaya?”

Humalukipkip siya. “Marites, aminin na nating dalawa, mainit ang dugo natin sa isa’t isa. Siguro, iniisip mo na may something sa amin ni Alfonso, 'no? Ako na ang nagsasabi sa iyo na hindi ko bet ang Alfonso mo. Sa iyong-iyo siya!”

Kitang-kita ni Ligaya ang pamumula ng mukha ni Marites. “Alam mo naman palang gusto ko siya, e. Umalis ka na dito!”

“Bakit ikaw nagpapaalis sa akin, e, hindi naman ikaw ang may-ari nitong bahay! Saka malakas ang pakiramdam ko na hindi ka gusto ni Alfonso, girl. Ang sad, 'no? Ikaw lang ang may gusto sa kaniya. Hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa iyo.” Ngumiti pa siya upang asarin ng husto si Marites.

Tumiim ang bagang ni Marites at hindi nakapagsalita.

Lumapit siya dito at kinuha ang dala nitong tupperware. “Tara na sa kusina. Parating na si Alfonso. Saka magsasaing pa ako, e… Sasabay ka sa amin ng lunch, 'di ba?” Pasimple niyang inirapan si Marites at dinala na ang ulam sa kusina.

Ang akala yata ng babaeng iyon ay hindi niya ito lalabanan sa pagtataray. Saka mas maganda na labas ang pagiging maldita niya kesa kay Marites na kapag wala si Alfonso ay lumalabas ang sungay nito. Pero kapag kaharap na ang lalaki ay parang isang birhen na hindi makabasag pinggan!


-----ooo-----


PAGKAKUHA ni Ligaya sa dalang ulam ni Marites ay galit na nilisan niya ang bahay ni Alfonso. Ayaw na niyang ituloy ang planong pagsabay kay Alfonso sa tanghalian at baka sumabog na siya sa inis kung kasabay din nila ang walanghiyang si Ligaya. Malalaki ang hakbang na naglakad siya pabalik sa kanilang bahay habang nakabusangot ang mukha.

Isa pa, labis siyang nasaktan sa sinabi nitong hindi siya gusto ni Alfonso. Ayaw man niya itong paniwalaan ay parang may napagtanto siya nang harapan nitong sabihin iyon. Doon niya naisip na baka nga walang gusto si Alfonso sa kaniya. Kasi kung gusto siya nito ay bakit hindi man lang niya naramdaman na nais siya nitong ligawan. Kahit minsan ay hindi siya nakatanggap ng bulaklak o tsokalate mula sa lalaki.

Baka nga tama si Ligaya. Baka siya lang ang nagmamahal ng mag-isa sa kanila ni Alfonso. Baka nga kaibigan lang siya para dito.

Ngunit kung sa kagaya ni Ligaya mapupunta si Alfonso ay hindi niya iyon matatanggap. Hindi niya iyon mahahayaan na mangyari lalo na’t hindi pa nila masyadong kilala si Ligaya. Saka sa pananamit, pagsasalita at pagkilos pa lang ng babaeng iyon ay halatang isa itong hindi mabuting babae. Baka saktan lang nito si Alfonso kung sakali. Wala siyang tiwala sa hilatsa ng babaeng iyon!

Kaya lalaban pa rin siya. Aalisin niya si Ligaya sa landas nila ni Alfonso!

Ilang hakbang na lang si Marites sa kanilang bahay nang may nakita siyang kulay itim na kotse sa may unahan niya. Hindi niya sana iyon papansinin pero huminto ang kotse sa may tabi niya. Bumusina pa na ikinagulat niya.

Sino ba 'to? Nakakagulat naman! May halong inis na bulong niya sa sarili.

Marahang bumaba ang bintana sa may tabi ng driver. Nakita niya ang isang gwapong lalaki na medyo maputi. Makapal ng kaunti ang bigote at balbas. Kapansin-pansin ang peklat nito sa may kanang kilay. May kalaliman ang peklat. Mukhang malalim ang naging sugat nito doon.

Trust Me, This Is LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon