27 - SOMEDAY (PART 2)

18 1 0
                                    

Silas Oliver's POV

Seryoso lang na kaharap ko ngayon si Mr. Fernando habang nandito sa labas ng mansion at naghihintay kay Molly. Ngayong araw na ang alis ni Molly at magkakalayo na kaming dalawa. That's the hurtest part in my life but this is what we need.

“Nakikita kong sobrang napalapit na sayo ang apo ko...” he said.

Dun ay deretso ko siyang tinignan sa mata. “Hindi lang basta napalapit. I love her. I love your granddaughter, Mr. Fernando.” I said and paused. “Kaya babantayan kita. Kahit magkalayo kaming dalawa ni Molly, babantayan ko siya. Kahit ikaw pa ang pinakamalakas na tao ngayon.” I said to him.

But he just chuckled like a teenager. “It's not me the one who is powerful, Hijo. It's my granddaughter, remember?” he playfully said.

Seryoso pa rin ang tingin ko sa kaniya. “Why did you kill your own son?” I asked.

I should be the one who killed him pero naunahan niya ako nang sandaling ipuputok ko na sana ang baril ko. Jackson deserve more. Papahirapan ko pa sana siya kung hindi lang siya pinatay ng sarili niyang ama. But then, Molly popped up in my mind and that made me doubt on the things I planned.

Nawala ang ngiti sa labi ni Mr. Fernando. Napalitan yun ng lungkot at napatingin sa kawalan. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya.

“I'd rather choose to end my son's life in my own hand than to see him killed in front of me. Wala ng mas sasakit sa isang ama na mangyari yun. Sana ay hindi ko na lamang siya inabandona. Baka sakaling kahit papaano ay nabago niya ang sarili niya...” he said.

Napaiwas na lamang ako ng tingin sa kaniya matapos yun. The anger I have is still there. Malalim akong huminga. I can feel the sadness in him and I hate that I can feel it.

“Then probably, isa ka rin sa makakalaban ko at papahirapan ko.” sabi ko.

But he just chuckled again but this time, only a little. “Defenitely.” he said.

Ewan ko pero napangisi na lamang ako matapos yun. Maya-maya pa ay napalingon na lang ako sa pintuan ng mansyon kung saan dun ay kita ko siyang naglalakad na palabas habang nasa likod niya si Felix na dala-dala ang maleta. Parang may tumusok na lamang sa puso ko nang mga sandaling ito.

‘Maghihiwalay na kami...’

Nakababa lamang ang kaniyang tingin na lumapit patungo samin ni Mr. Fernando. Napalunok na lamang ako. Sa sandaling ito ay nakakaramdam ako ng bigat sa dibdib ko. Alam kong napag-usapan na namin ito ni Molly sa kwarto pero ang hirap kasi talaga...

“A-Aalis na po ba?” tanong niya at naiilang na tumingin kay Mr. Fernando.

Her lolo smiled at her. “Yes, apo. We have to go now.”

Dun ay tumingin sakin si Molly. I can see the fear in her eyes. Napabuntong hininga na lamang akong lumapit sa kaniya at sinandal ang ulo niya sa dibdib ko. Wala pang isang segundo ay narinig ko na agad ang paghikbi niya.

“I will miss you.” she said.

Sa sandaling yun ay nangibabaw na lamang din ang luha ko pero pilit kong pinatigas ang sarili ko. “I will miss you, too.” I said and kissed her head. “Someday again, baby. Alright? Someday.” I said.

Tumango-tango naman siya. “I will take care of myself para mas madali na ang panahon na makita ulit kita at makasama.” sabi niya.

Terrifying Love (Love Series #8)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon