Chapter 47

144 14 1
                                    

GENERAL

Pagkadating nila sa California, hindi na sila nag gala pa at nag stay na lang sila sa isang hotel. Karga naman ni Archie si Prince at si Princess naman ay karga ni Buern. Kwentuhan lamang ang ginagawa nila habang inaasar nila ang ikakasal na si Archie.

"Hahanap hanapin mo na yan bakla, yang sexy time nyo ni Zeus."Vice. Namula naman si Archie dito na kinatawa nilang lahat. Medyo nagulat pa nga si Prince ng tumawa si Buern.

" Nako ats, si Archie pa ba. Hindi naman na birhen yan. Nag anuhan na sila bago pa ikasal. "Buern.

" Bunganga mo bakla,may mga baby dito whoy! "Archie.

Pinag patuloy na lang nila ang asaran sa isa't isa habang pulang pula na ang mukha ni Archie.

Kinabukasan ay naka settle na ang lahat, ikakasal si Archie at Zeus kung saan kinasal sina terrence at vice.




Pag dating sa simbahan, nandoon ang mga kamag anak rin ni Zeus at ang iba pang mga artista na nakilala nya sa showbiz at naging kaibigan nya. Kasama ni Terrence at Vice ang kambal habang naglalakad sila sa aisle patungo sa kanilang upuan. Agaw attention naman ang kambal dahil sa kasuotan ng mga ito. And lastly, si Archie na kasama ang mga magulang nya na naglakad na rin sa aisle habang papalapit kay Zeus. Hanggang sa nag simula na nga ang wedding ceremony.

Pagkatapos mag palitan ng mga vows, sinabi na pwede ng halikan ang kaniyang magiging asawa. Hinalikan naman ni Zeus si Archie at ilang beses pa niyang inulit na halikan ito. Tumayo naman ang mga tao at sila ay pinalakpakan.

Pag dating sa reception, puro pang aasar ang inabot lalo ni Archie kay Vice. Natigil lamang ang pang aasar ng mag aya ito na bumalik na sa hotel dahil yung twins ay umiiyak na, inaantok na rin siguro.

Pag balik sa Pilipinas, sinalubong nila ang bagong taon ng magkakasama. Hanggang sa may nakapansin na naman na wala ang bagong kasal sina Zeus at Archie na ginawa na naman nilang topic.

"Nako, sinusubukan gumawa nun ng triplets. Nako ats, dagdagan nyo na itong kambal." Buern.

Napuno naman ng tawanan dahil sa kanilang pag kukwentuhan.
Ala una ng madaling araw ay gising ang kambal at nakikipag ngitian kina Terrence at Vice.




Days and months had passed. After ng kasal ng dalawa, naka alis na si Zeus ng bansa for his work, si Vice naman ay pwede na ulit mag trabaho at finally nailabas na rin niya ang bago nyang book na President Vice:  Ang Bagong Panggulo ng Pilipinas. Habang ang kanilang kambal naman ay nakikipag tawanan na rin sa kanila. Kamakailan lang ay nag upload si terrence ng isang video na parehong tumatawa ang kambal dahil nilalaro niya ang mga ito.




VICE

Kakatapos ko pa lamang mag luto ng lunch ng dalhin sa akin ni love yung kambal.

"huy, hindi pa ako naliligo kaya sayo muna sila." karga nya pareho yung kambal. Kinakausap ko naman ng hindi dumidikit sa kanila. Ayoko silang dikitan ng hindi pa ako naliligo. Tumatawa na sila pareho, nakaka gana lalo na laruin at kausapin sila.

"nakakawala ng stress itong mga to oh, itong babies na to oh."

Nakapag hire na rin kami ng dalawang mag aalaga sa twins pero syempre kakamustahin at aalagaan ko rin naman sila. Kailangan lang namin ng help from other people.




Nasa isang event kami ngayon ni terrence at tumatawag sa akin si mama kaya lang hindi ko naman nasagot. Imemessage ko na sana siya kaya lang nakita ko yung message nya sa akin.

Dinala si Princess sa hospital anak. Kailangan nyo ng umuwi. - mama

After ko mabasa yung message nya, napatingin ako kay terrence kaya nakita nya yung pag patak ng luha ko. Naghahalo na yung takot at kaba ko.

"Bakit?" tanong nya agad sa akin.

"nag message si mama, dinala sa hospital si princess love." hinawakan nya ako sa kamay at nagpaalam na kami sa mga directors.

Nag punta kami sa isang private hospital kung saan dinala ang anak namin. Nanginginig ako na kinakabahan. Naabutan namin si mama na nasa labas ng isang room.

" ma, anong nangyari? Nasaan si prince?" tanong ko kaagad.

"yung anak nyo kanina pagkatapos umiyak bigla na lang nangingitim. Parang nauubusan ng oxygen." Mama. Napasapo ako sa bibig ko. Ano bang nangyari?

Napatingin ako kay Terrence hanggang sa akbayan nya ako at palapitin sa kaniya.

"nasaan si prince ma?" Terrence.

Tinatanaw ko yung ginagawa kay princess pero hindi ko matanaw. Puro nurses ang nasa loob.

"Sina Archie at Kathryn muna nag aalaga." mama.



Ilang araw kaming di pumasok ni terrence, may sakit nga kasi yung anak namin. After one week na di pag pasok at pananahimik sa social media, nag guest naman kami at ininterview kaming dalawa about sa buhay namin at mas maraming tanong tungkol sa aming anak.

"baby princess have dilated cardiomyopathy, nag eenlarge yung right ventricle ng puso nya kaya hindi maayos ang pag circulate ng dugo nya sa lungs at sa iba pang parte ng kaniyang katawan. Minsan iiyak na lang siya tapos parang kulang na yung oxygen nya sa katawan, and isa pala yung cause yung shortness of breath. Napaka sensitive ng sakit niya, pedatric cardiomyopathy kadalasan daw walang reason yan. Pwedeng namamana sa mga magulang o kaya acquired. Wala naman may ganoon sa amin ni vice. "Terrence.

"so how was her condition now?" Host. Pinunasan ko yung luha ko na ayaw tumigil sa pag agos. Naaawa ako sa anak ko.

"Medyo okay na, observation na lang. Bawal talaga siya umiyak ng umiyak. Kapag umiyak siya, nahihirapan sya ulit na makahinga." Pag eexplain ko.

"Allow ba na operahan ang anak nyo?" tumango ako pero hinayaan ko na si Terrence na sumagot sa mga tanong niya.

"Allow naman. Oo pwede. Pero maliit yung chance na maging success ang operation nya." Tinakpan ko yung mukha ko ng tissue at tuluyan na akong umiyak.

After that interview, dumiretso ako agad sa hospital. Hindi ako mapanatag. Kung ganoon lang kadali na ilipat yung sakit ng anak ko sa akin, ginawa ko na. Wag lang siyang mahirapan.









TERRENCE

"love, ilang araw mo ng di nabibisita yung isang anak natin, si prince." sabi ko sa kaniya pero nakatingin lang siya kay princess.

"ha? Ano yon?" nilapitan ko siya at niyakap. Ilang araw na din kaming walang tulog na maayos, ayaw niya kaseng iwan dito si princess. May mag babantay naman na iba naming pamilya pero mas gusto niyang siya na lang.

"si prince, hinihintay ka na rin noon dah hindi mo pa nabibisita." sabi ko. Hunawak sya sa kamay ko at humilig siya sa aking leeg.

"may napapabayaan na pala akong isang anak pa. Love bakit ganon? Bakit yung anak pa natin? Bakit hindi na lang ako." umiiyak niyang sabi sa akin.

"makakaya natin to, Wag kang pang hinaan ng loob love." sabi ko. Pero kahit ako sa sarili ko, alam kong nahihirapan ako. Pero mas gusto kong manatili na matatag para sa kaniya at sa kambal.



Kinabukasan, umuwi muna siya para bisitahin si Prince habang ako nagbantay kay princess.

May heart donor na at tinanong ng doctor kung ooperahan na si princess. Nagiging malala kasi yung nangyayari sa anak namin.

Tinawagan ko si love at nagulat siya sa sinabi ko.

"Love, magiging success ang operation.." sabi ko sa kaniya. I heard her sobbing, "love, stop crying please? Everything will be fine."

"Sige love, for princess." Vice. Malungkot niyang tugon sa akin. Nag end call na ko ng tawag at lumapit na ako sa doctor at sinabi ko ang desisyon namin na ooperahan na ang aming anak.

Sinabi ko kay love na sinisimulan ng operahan si princess kaya pupunta na daw siya. Tinext ko na rin si Daniel at Kath na samahan si vice na pumunta dito.





Hanggang sa di ko inasahan ang mga mangyayari..

INFINITY 2 || ViRenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon