Stay with me

224 13 5
                                    

Melody's POV

"Melody! Lumabas ka nga dyan! "

Tawag ng boss kong si Sir Basty. Araw araw na lang. Araw araw nya akong binababoy.

"ANO BA MELODY!! LUMABAS KA NGA DYAN!! "

Pinunasan ko muna ang aking mga luha , at saka lumabas ng aking kwarto.

"P-pansensya n-na p-po S-sir. M-ma-"

Pero hindi ko pa natapos ang sasabihin ko eh hinila na nya ako. Hinalikan at binaboy na naman. Ilang beses na ba nya akong ginalaw? Ilang beses narin ba akong umiiyak ng dahil sa kanya? Hindi ko na siguro mabilang. Kahit na anong pagpupumiglas na gawin ko., hindi ko magawa. Paulit ulit nya itong ginagawa hanggang sa magsawa sya.

" hmhmhmh. Nice job Melody. You never fail to amuse me."

I never fail to amuse you?! FUCK YOU! Isa lamang akong kasambahay sa pamamahay ni Sir Basty. 19 ako noong pumasok akong bilang kasambahay nya. OO. Tama kayo. NYA. Nag iisa nalang kasi sa buhay si Sir Basty. Namatay ang mga magulang nya sa isang Business trip at dahil doon, maaga syang naulila. Bukod sa nag - iisang anak lamang sya, eh wala rin syang kakilalang mga kamag anak. Marami ang nagtangkang ampunin sya noon, pero LAHAT ng iyon ay tinaggihan nya. Bakit pa sya magpapaampon? Eh alam nya namang pera lamang ang habol sa kanya ng mga ito. Sa edad na trese anyos, ay marami na syang alam sa business. Kaya naman, naging isang sikat na Business man sya sa buong mundo.

"Melody? Are you still awake?"

Hindi ako sumagot at sa halip ay ipinikit ko ang aking mga mata. Ayokong Makita ang pangbababoy na ginagawa nya sa akin araw araw. Isa lamang ako hamak na probinsyana noon. Nakipagsapalaran sa Maynila, para sa aking pamilya. Hindi ako pumapalag, at hinahayaan na lamang syang galawin ako, kahit na ayoko. Lagi ko nalang iniiisip na para naman ito sa pamilya ko. Lingid ito sa kaalaman ng aking pamilya. Ayokong mag alala sila sa akin dahil sa kagagahang ginagawa ko. Alam kong hindi rin nila ako maiintindihan at baka nga kamuhian pa. Ayaw kong-

''I know you're still awake. Come on. Look at me."

Utos nya. Kahit na nagdadalawang isip akong humarap, ay hinarap at tiningnan ko sya. Nagulat ako dahil nakangiti sya sa akin. Isang ngiting ngayon ko lamang nasilayan sa ilang taon kong paninilbihan dito. Dahil lingid sa kaalaman ng marami, si Basty Austin Boulstridge, ang isa sa mga sikat na Business Man sa mundo, ay madalang ngumiti. Palagi syang masungit at nagsusungit sa mga tao sa bahay. Pero sa oras na makalabas sya ng Mansion'g ito, ay umiiba ang ugali nya. Ngumingiti na sya, ngunit halata namang hindi sya masaya. At masasabi kong masayang masaya sya ngayon, dahil sa ngiting kanyang ipinakita sa akin.

"P-pasensya ka na Melody. P-pasensya ka na, kung ito lamang ang naiisip kong paraan."

Ang ngiting nasilayan ko kani-kanina lamang, ay bigla napalitan ng isang malungkot na ngiti.

"A-ano po bang ibig sabihin nyo Sir?"

Tanong ko. Nakikita ko sa mga mata nya ang kalungkutan at guiltiness. Tiningnan ko lamang sya at hinintay ang isasagot nya sa tanong ko. Pero sa halip na marinig ang mga sagot mula sa bibig nya, ay nagulat ako sa aking nakita. Nakita kong may isang butil ng luhang nakatakas mula sa kanyang mga mata. Kung kanina, ay galit na galit ako sa kanya, ngayon ay parang nawala ang lahat ng iyon at napalitan ng guilt. Guilt sa kadahilanang, hinusgahan ko sya base sa kanyang mga pinaggagawa. Pero hindi ko man lang naisip kung ano ang totoo nyang rason.

"Hay. Melody. May ikekwento ako sayo. Makinig ka ah?"

Tumango na lamang ako sa kanya, bilang tugon.

"Noong unang panahon, may isang bata. Isa syang masayahing bata noon. Naglalaro at nag aaral, gaya ng mga ordinaryong mga bata sa eskwelahan. Isa syang matalino at gwapong bata. Palagi nyang napapabilib ang mga taong nasa paligid nya, kaya napakaproud ng mga magulang nya sa kanya. Dahil sa angking, katalinuhan ng batang ito, ay maaga syang natuto ng mga bagay bagay, sa field ng business. Nanatili syang masayahin, hanggang sa dumating ang araw na kinatatakutan nya. Namatay ang kanyang mga magulang. Namatay ito, dahil sa isang business trip. Oo. Maagang naalila ang batang iyon. Lumaki syang mag isa sa buhay. Maraming gusting umampon sa kanya, pero ayaw nya kasi alam nyang pera lamang ang habol sa kanya ng mga ito. Ilang buwang tuliro ang bata. Consistent parin naman sya sa kanyang studies, pero pag dating naman nya sa bahay nya, ay palagi syang lutaw. Sabi nila, pag nakapasok ka sa bahay nya, ay bubungad sa iyo ang nakakabinging katahimikan which is, totoo naman. Ang kasama nya lamang ay ang kanyang mga bodyguards atang nag iisang katulong nila. Siya ang katulong ng mga pamilya ng bata simula pa noong bata pa ang tatay ng bata. Kaya malaki ang tiwala nito sa kanya. Pero umalis din naman ito kalaunan simula ng mamatay ang mga magulang ng bata, dahil narin sa matanda na ito at hindi na kakayaning magtrabaho pa. Masyadong nasaktan ang bata sa pag-alis sa katulong nyang halos ituring nan yang ina. Minsan nga napapaisip ang bata. 'Am I not capable to be loved?' o di kaya 'Bakit lahat nalang iniiwan ako? Mabait naman akong bata ah?'. Hindi maiwasan ng batang umiyak ng dahil sa nangyayari sa kanya. Pero nanatili syang matatag. Lumaking walang katulong ang bata at nagsikap na mapabuti ang kanyang pag aaral. At Hindi naman sya nabigo, dahil isa syang Magna Cum laude sa isang prestihiyosong paaralan dito sa Maynila. "

A Man In Need[One-Shot/COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon