Sorry sa matagal na update. Sa mga nanatiling andiyan, thank you mahal ko kayo.
Sa mga nang iwan naman, oo sanay naman na ako. Ganun naman talaga diba? Kung kailan masaya ka na, saka ka iiwan? HAHAHAHAHAH JK napapahugot tuloy ako.
-heyitsuhmi_
--------------------------------------------Lance's P.O.V
After my practice, I headed to Stef’s room. Matanong nga kung may improvement na sa pagpapatulong ko sakanya. Pero pagdating ko sa room nila wala siya, even Kylie baka nakaalis na. Wait maitanong nga sa classmate niya.
“Asan si Stef?” tanong ko sa isang estudyante sa room nila.
“Ahh Lance umalis na kasama si Kylie.” aniya
“Ang aga naman wala ba silang practice nun?”
“Ahh..ano..kasi…”
“Huh?”
“Si Stef kasi…”
“Anong nangyari kay Stef?” tanong ko.
“Hindi kasi mukhang badtrip, nagkainitan kanina tapos si---“ Hindi ko na siya pinatapos, tumakbo na ako tatawagan ko nalang si Stef. Nag aalala lang naman ako. Kaibigan ko kaya yun.
I dialled Stef’s number and after ilang rings sumagot na rin siya
“Hello?”
“Stef?”
“Oh Lance?”
“Okay ka lang?”
“I’m very fine. Why’d you call?”
“I’ll drop by at your house.”
“Okay.”
Medyo madilim na rin pala. 6:30 pm na pala. Medyo napatagal yung practice namin. Pasaway kasi yung mga teammates ko. Inaasar ako kay Kylie at ayun siyempre bilang parusa 100 push ups. Pinatigil ko naman sila agad. Kawawa naman teammates ko pa rin yun tsaka good mood naman ako.
Nagbihis muna ako bago pumunta sa bahay nila Stef andyan lang naman sa tabi bahay nila. Past 7:00 na rin.
Knock! Knock!
Knock! Knock!
Knock! Knock!
Aba naman! Ang tagal ako pagbuksan. Pinaghihintay nila ang kagwapuhan ko.“Oh iho?”
“Yaya naman. Ang tagal niyo ko pagbuksan.”
“Medyo malakas kasi iho magpatugtog si Stef sa taas.”
“Ahh *tingin sa taas* Sige ho akyatin ko na po si Stef.”
“Sige.”
Kumatok muna ako pero dumiretso na rin. Ang lakas nga ng tugtog. Siguradong hindi naman niya maririnig. At tama nga ako nakaupo siya at may tinitingnang papel habang nakaharap sa laptop niya na may music na ‘applause’. Aba ayos ang buhay niya.
“Ehem.”
“Hello?”
“HOYYY!”
Dapat ko na ba tong ipa check up sa tenga? Lumapit na ako at dun niya lang ako napansin at biglang tinago sa likod niya yung papel na binabasa niya.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Loving YOU (Editing)
Teen FictionHave you felt being inlove? What will happen if you fell inlove to the person you wouldn't expect you'll be close with? They say LOVE YOUR ENEMIES. Hindi ako naniniwala dito dati e. Love love na ano? E kaaway mo nga e! Pero what if this happens to m...