kabanata 28
"Binibining Florencita? gising na ho ba kayo?" wika ni Ligaya na nasa labas ng kwarto ni Florencita "Oo ligaya halika pumasok ka" wika ni Florencita habang naka upo malapit sa bintana.
"Ano iyang kahon na iyan Ligaya? saan galing yan?" pagtataka ni Florencita at agad itong pinatong ni ligaya sa mesa na nasa harap ni Florencita. "Pinapabigay daw po ni Binibining Ella nais niya daw pong ibigay ito sayo" wika ni Ligaya at agad namang binuksan ni Florencita ang kahon na naglalaman ng mga sinulid at karayom mga magagandang tela na mula sa Europa at Espanya.
"Anong kapalit nito?" wika ni Florencita at agad namang napatingin si Ligaya sa sinabi ni Florencita "Hindi ko po maunawaan Binibini wala naman po yata yang kapalit" wika ni Ligaya napansin nito na inurong nito sa dulo ng lamesa ang kahon dahil nadadaganan nito ang mga librong binabasa ni Florencita.
"Lahat ng regalo ay may kapalit impossibleng walang kapalit ang mga iyan" wika nito at agad itong bumalik sa pagbabasa. "Nais daw po ni Binibining Ella na makipagkaibigan sayo kung iyong nanaisin binibini" agad napatingin si Florencita kay ligaya at ibinaba nito ang hawak na libro.
Muli nitong binuksan ang kahon at tinignan ang mga gamit na galing pa sa ibang bansa napansin ni Florencita ang isang papel na mukhang nakasama ito ng hindi sinasadya. Kinuha niya ito at tinignan ng maigi may halo itong mabangong amoy agad niya itong binuksan at laking gulat ng makit ang nakasulat.
Magandang umaga Ginoong Patricio nais kitang makausap gayon din ang iyong ama at ina, maaari ba kayong magtungo dito sa aming tahanan? upang mapag-usapan natin ang aking itatalakay.
-Don Rodolfo
Agad napatingin si Florencita kay Ligaya at agad nitong binalik ang tingin niya sa liham. "Ano iyan Binibini?" pagtataka ni Ligaya agad na binigay ni Florencita ang liham at agad itong binasa ni Ligaya.
"Ipadala mo yan sa taong nakasulat sa liham" wika ni Florencita at agad itong bumalik sa pagbabasa ng libro. "Masusunod binibini" at agad ng umalis si ligaya nang makalabas ito sa kwarto ni Florencita ay sinilip muli nito ang señora.
Naninibago siya sa mga kinikilos ni Florencita nagiging malamig ito kapag kinakausap nila, kagabi pa niya napansin ang mga kinikilos ng dalaga na maski si Manang Melchora at Mang Pelipe ay napatanong sa kanya kung bakit ito nakasimangot ng bumaba ito sa kalesa.
"Siya nga pala mga amiga amigo ang unica iha namin si Ella" wika ni Don Rodolfo agad namang napatingin si Florencita sa dalagang nag ngangalang Ella.
"Napaka gandang binibini" masayang wika ni Doña Clara at agad na namang lumapit si Ella at niyakap si Doña Clara at nag mano kay Don Antonio.
Napatingin si Binibining Ella kay Florencita na matalim na nakatingin sa kanya, ngumiti si Binibining Ella kay Florencita at Ligaya ngunit hindi ngumiti pabalik si Florencita diretso lang ang tingin nito kay Binibining Ella nag bigay galang naman si Ligaya at napatingin kay Florencita na nakatingin parin kay Binibining Ella.
Masayang nag uusap sila Don Antonio at Don Rodolfo gayon din sila Doña Clara at Doña Aurora tanging hindi nag uusap ang dalawang binibini na mag katabi lang at si ligaya na nasa tabi ni Florencita.
Magsasalita na sana si Binibining Ella ng tumayo si Florencita at naglakad patungo sa palikuran, agad namang napabuntong hininga ang dalaga at natauhan siya ng kausapin siya ni Ligaya.
"Paumanhin Binibini kung ganun ang inasal sayo ng aking señora maski ako ay nanibago sa kinikilos niya" wika ni Ligaya agad namang ngumiti ang dalaga. "Ayos lang iyon naiintindihan ko na hindi yata siya sanay makipagkaibigan sa katulad ko" wika ni Binibining Ella agad namang umiling iling si Ligaya "Nako binibini nag kakamali ka... pala kaibigan si Binibining Florencita hindi ko alam kung bakit iniiwasan ka niya" wika ni Ligaya agad namang napatingin si Binibining Ella sa kinaroroonan ni Ginoong Patricio habang kausap nito ang kanyang ama.
BINABASA MO ANG
My Deja Vu Lover
Historical FictionThe College Student named Celeste is about to cross the passageway with her friends, as they were about to finish walking the path, a speeding truck suddenly hits of all of them that makes all of her friends perish, luckily Celeste survives, but the...